Last 💔 chapter

57 19 1
                                    

Jeanne's POV


Isang buwan na ang nakakaraan simula ng umalis si Jared.

Isang buwan na simula nang iwan niya ako... Iwan ako ng taong mahal ko.

At isang buwan na rin simula nang mawalan kami ng connection sa isa't isa.

Dahil nung mga araw na nagtetext, tumatawag, at nagchachat ako sa kaniya ay wala man lang akong natanggap na kahit isang reply o kahit isang emoji lang mula sa kanya. Kahit isang tuldok, wala.

But ofcourse, dahil ayoko namang maging tanga. Siyempre di ko na siya kinulit 'no. Dun siya masaya eh. Eh 'di magpapakasaya na rin ako nang wala siya.

Pero akala ko magiging madali. Miss na miss ko na siya. Kamusta na kaya siya? Naiisip niya rin kaya ako?

Akala ko, kung sakaling hindi ko na siya kulitin eh baka mamiss niya rin ako. Pero wala eh. Wala pa rin.

So, isang buwan na nga rin ang nakakaraan simula nang tahakin namin ang magkaibang landas.

Isang buwan na simula ng tapusin niya kung ano ang meron sa amin.. na yung relasyon namin ay binigyan niya ng malungkot na wakas.

Isang buwan simula ng ang salitang 'tayo' na meron kami ay wala na.

Pero alam mo.. hindi ko pinagsisisihan na binigyan ko ng chance si Jared na maging parte ng buhay ko.

Dahil simula ng papasukin ko siya sa buhay ko, binigyan ko na rin ng pagkakataon yung sarili ko na maging masaya kasama siya at natutuhan ko kung paano magmahal nang tulad niya.

At dahil sa kanya, nagkaroon kaming apat ng mga bagong kaibigan na buti naman ay hindi nila kami iniwan ng nasasaktan.

Kahit papaano pinaramdam naman sa akin ni Jared noon yung salitang 'tayo' na meron sa aming dalawa.

Kahit papaano nabigyan namin ng chance ang isa't isa na ang dalawang salitang 'ikaw' at 'ako' sa aming dalawa ay naging isa at naging 'tayo'.

Pero Jared.. sa kabila ng sakit, nagpapasalamat pa rin ako dahil sa loob ng tatlong buwan na merong 'tayo' kahit hindi yun ganon katagal.. sa maikling oras na nakasama kita, pinaramdam mo pa rin sa akin ang salitang 'tayo'.

Ngunit nakakalungkot lang isipin na hanggang doon lang pala tayo. Iniwan mo akong nasasaktan. Na matatapos din pala yung story nating dalawa na magkasama. Na yung lovestory natin, ngayon ay history na lang.. kasi iniwan mo ako eh.

Sa kabila nung mga salitang nanggaling sayo.. yung mga pangako mo na ipaglalaban mo ako.

Walang nangyari.. dahil yung salitang dapat ay ipaglalaban mo ako.. ay nauwi sa salitang ipinagtabuyan mo lang ako.

Ang sakit.. ang sakit isipin na sa kabila nang kasiyahan na ipinaramdam mo sa akin ay nagdulot sa puso ko ng labis na kalungkutan.

Iniwan mo ako.
Ipinagtabuyan mo ako.
Sinaktan mo ako.

Nagagalit ako sa 'yo pero kailangan ko na rin itong palayain. Gusto kong maging masaya kahit wala ka.

Pero wag kang mag alala.. makaka move on din ako sa 'yo.

Dahil hindi ko sasayangin ang mga luha ko para lang sa 'yo. Ano ka siniswerte?

At sa oras nang pagbabalik mo.. Ewan ko na lang kung kilala mo pa 'ko.. Or ewan ko na lang kung kilala pa kita.

Dahil hindi na ako yung 'Jeanne' na porket alam mong may gusto sayo ay bibigay agad.

Dahil ipinapangako ko sa sarili na itong sakit na ito.. itong kalungkutan na nararamdaman ko nang dahil sa 'yo ay pansamantala lang.

Tulad nang salitang 'tayo' na naging pansamantala lang.

_____ _ _ ___ _ _ _____

- For A While is now
The End -

June 26, 2k18

_____ _ _ ___ _ _ _____

A/N:

Oh ano? Masakit 'di ba? Kulit mo eh.

Read Miss BraveJoan01's note on the next page para malaman mo kung ba't gano'n ang ending.

Thank you for the votes and comments. Love you!!

For A While  | Completed Short Story |Where stories live. Discover now