2nd 💔 Chapter

53 22 0
                                    

Jeanne's POV

"Jeanne..."

"Can I court you?" mga salitang binigkas ni Jared na nagpatigil ng mundo ko. Totoo ba 'to, o panaginip lang? Please, wag niyo na akong gisingin. Choss.

Napatulala lang ako dahil sa sinabi ni Jared. Halos mahulog na nga nang tuluyan yung puso ko.

Ang lahat ay mas nagsitahimik, maging ako ay hindi makapagsalita, napipe na ata ako.

"Ano? Wala ka man lang isasagot? maa-out ka n'yan," sabi ni Jared dahilan para magsigawan ang mga tao dahil sa kilig. Pati itong mga kaibigan ko kinikilig na.

"Oy Jeanne, magsalita ka naman, matuluyan ka n'yang mapipe sige ka," sabi ni Liza dahilan para matawa yung dalawa.

"Ano na? Jeanne liligawan ka daw. Ayaw mo ba?" Pangangantyaw ni Yna.

"No," sabi ko dahilan para magkaroon ng katahimikan.

Nag iba rin ang expression ng mukha ni Jared. Lumungkot.

"Aww!"

"Aray naman!"

"Choosy pa eh."

Rinig kong komento ng mga tao.

"Ah.. No.. I- I mean.. hindi.. hindi 'yon.. uhm.. ano kasi.. ano.. pano ba 'to?" Ano ba itong pinagsasasabi ko? Nauutal na pati ako eh.

"Uhm.. may sinasabi kasi itong mga 'to, kaya sabi ko no," turo ko kina Yna.

"I think, babaguhin ko na lang yung sinabi ko. Hindi dapat tanong 'yon eh," sabi ni Jared.

"Jeanne, I'll court you whether you like it or not," seryosong sabi ni Jared.

"Uhm.."

Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko. Help naman oh.

"Don't worry hindi mo na kailangang sumagot. Besides, I don't need your opinion naman, dahil sa ayaw at sa gusto mo liligawan kita. I just want to inform you," sabi niya habang nakatitig sa 'kin.

"Sino bang nagsabi na ayaw ko?" sabi ko dahilan para mag iba yung expression ng mukha niya. Tila namangha ata sa isinagot ko. Pati yung mga estudyante dito parang nasapian na dahil sa kilig. Nakikita ko pa yung iba na pinapalo yung katabi nila, kawawa tuloy yung katabi.

"So pumapayag ka? Okay lang sa 'yo?" masayang tanong ni Jared.

"Uyy, si Jeanne kinikilig.." pangangantyaw ni Liza.

"Hindi 'no," sabi ko.

"Akala ko ba pumapayag ka na?" sabi ni Jared na mukhang disappointed. Teka nakamic pala ako. Pahamak talaga 'tong si Liza kahit kailan eh.

"Uhm.. ano.. hindi mo na ako kailangang ligawan."

Teka anong sinabi ko? Nabibigla ata ako ah. Paano 'yan?

"So, it means tayo na?" Tila naghuhugis heart ang mga mata ni Jared.

Haaay! No choice.

For A While  | Completed Short Story |Where stories live. Discover now