3rd 💔 Chapter

44 23 0
                                    

Jeanne's POV


Masaya akong bumangon mula sa pagkakahiga ko, dahil ang araw na ito ay isa sa pinakaespesyal na araw sa buhay ko.

Agad kong binuksan ang bintana sa kwarto ko at sumampal sa akin ang sariwang hangin at ang sikat ng araw ay dumapi sa mukha ko.

"Happy Birthday to me!"

Masayang pagbati ko sa sarili ko. Pinagmasdam ko ang paligid sa labas. Napakaganda. Sana maging maganda rin ang araw na ito.

It's Wednesday. So, we have class.

So, I'm go to take a bath muna.

Nang matapos akong maligo ay nagbihis na ako ng uniform at bumaba na ako para mag breakfast.

Nang makarating ako sa dining ay sumalubong sa akin ang...

"Happy Birthday!"

Masiglang salubong sa akin nina dad, mom, ate Jersey, si Jasper na bunso naming kapatid, si manang pati na rin yung iba naming kasambahay pati nga yung mga guard eh,haha. Ang cute.

Mayroon ding confetti na pinasabog ni Ate Jersey. Tapos ang daming pagkain sa lamesa at may cake sa gitna.

Nagpasalamat ako sa kanila at nag wish ako bago ko hinipan yung cake.

Ayy, teka itetext ko nga pala yung tatlo. Nand'yan lang naman sila sa kabilang bahay eh.

"Happy Birthday!"

Speaking of. Nandito na sina Kiera na naka uniform na din at may dalang gift. Buti naman, haha.

"Thanks!" pagpapasalamat ko.

Masaya kaming lahat na kumain.

Sabi mom and dad, kaya daw maaga kaming nagcelebrate kasi may pupuntahan pa sila mamaya.

Si ate Jersey naman may date daw sila nung boyfriend nya. At syempre si Jasper may pasok mamayang hapon. 5years old pa lang sya. Kinder.

Masaya lang kaming kumakain habang nagkekwentuhan hanggang sa matapos kaming magcelebrate. Hindi tuloy kami nina Yna nakapasok ng umaga, but it's okay. Naging masaya naman ang umaga namin.

Nang makaalis na sina mom and dad ay sinundo naman si ate Jersey ni kuya Liam para sa date nila. Ang galing nga eh kasi yung birthday ko eksaktong anniversary nila.

Paalis na sana kami nina Yna nang tawagin ako ni Jasper.

"Oh why baby?" tanong ko.

"Si kuya Jared, when he will come here again ate?" tanong ni Jasper. Napatingin ako sa tatlo na ngayon ay nakangiti at tumingin ulit ako kay Jasper at tumingkayad ako para maging magkapantay kami.

"I don't know baby eh," sagot ko habang hawak ko yung magkabilang balikat nya

"But he will come back, right?"

"Yeah. Next time." Ngumiti ako. "Sige na. I'll go ahead na."

"Okay. Take care ate!" Ngumiti siya dahilan para lumobo 'yong pisngi niya.

"You too baby. Be a good boy, huh?" I kiss and hug him at gano'n din siya sa 'kin.

"Bye Jasper!" Pagpapaalam nung tatlo.

"Bye mga ate," sabi naman ni Jasper at umalis na nga kaming apat.

.
.
.

Nang makarating kami sa University, dumiretso na kami sa room pero wala pa sina Jared.

For A While  | Completed Short Story |Where stories live. Discover now