SpokenPoetry #3

388 32 1
                                    

✍ -003-

     「Mahal kita, mahal mo siya」

Mahal kita pero mahal mo siya,
Nage effort ako sayo pero nage effort ka sa kanya.
Binibigyan kita ng pansin pero iba ang iyong nais na pansinin,
Binigay ko na ang lahat para sayo pero lahat ng iyon ay ibinalewala mo.

Sobrang tanga ko, ang tanga tanga ko,
Sa dinami dami pa ng tao dito sa mundo, bakit ikaw pa?
Ikaw na pinakamamahal kong may mahal na iba.
Wala akong magagawa, basta ang alam ko mahal kita.

Dapat ko nga bang itigil ang katangahang 'to?
Mali, dapat, Kaya ko bang itigil ang katangahang 'to?
Dahil mahal kita, mahal na mahal,
Kaya paano na ito? Ngayong alam kong wala naman akong karapatan para sa'yo.

Masakit mang isiping may minamahal kang iba,
Pero dapat kailangan kong tanggapin dahil alam kong diyan ka sasaya.
Maghihintay pa ba ako na mahalin mo ako o susuko na ako sa laban na ito?
Masayang maghintay kung magiging tayo, at kabaliktaran naman kung hindi.

Huli na 'to, ayoko nang maging tanga, sawa na ako.
Susuko nalang ako kaysa magmukhang tanga kakahintay sa pagmamahal mo.
Ako'y susuko hindi dahil takot ako, kundi ayoko lang magmukhang tanga,
Tangang naghihintay na suklian ang lahat ng inilaan ko para sa'yo.

Poetries [ COLLECTION ]Where stories live. Discover now