SpokenPoetry #25

59 9 4
                                    

✍ -025-

     「Aking Ginoo」

Unang beses palang ng ating pagtatagpo,
batid ko ng may plano ang tadhanang mapaglaro.
Nais na laging kausap ka, lahat sa iyo'y gustong malaman pa.

Hindi maalis ngiti sa'king labi,
paano ako makakabawi? Bawat matatamis na salita mula sa iyo,
iniingatan ko sa aking alaala hanggang dulo.

May mga oras man na nasaktan natin ang isa't isa,
mga nararamdaman ay pilit na tinatago pa.
Hindi tayo sigurado sa hinaharap
pero hindi titigil hangga't ikaw na ay kaharap.

Mga pangarap mo muna bago ako
at ganon din ako sa iyo.
Pag tama na ang panahon,
hindi sasayangin ating pagkakataon.

Ika'y kasali sa bawat dasal,
na sana'y pagiging malapit ng ating damdamin ang mas tumimbang kaysa sa distansyang nakahadlang.
Aking ginoo, ika'y laging nandito.
Sa puso't isip ng binibining nagsusulat para sa iyo.

❦❧❦❧❦❧❦❧❦❧

Ikaw ngayo'y natutulog at nakapikit,
nasa imahinasyon ko at ngayo'y gumuguhit.
Saan nga ba itong nararamdaman ko sa'yo nanggagaling?
Bakit sobrang masaya sa feeling?

Hindi na makapaghintay na makita ka
Ano kayang mangyayari sa araw na ikaw na ay kasama?
Ang araw na kikilalanin natin ang isa't isa
Ano din kayang magiging epekto niyon sa ating dalawa?

Ikaw ang aking pinipili
Kahit ang iba'y sobrang mapanuri
Nararamdaman mo din sana'y totoo
dahil ako'y sigurado na ikaw lang ang gusto.

Sa totoo lang ay hindi ko alam saan ako magsisimula
Hindi ko alam ang mga tamang salita
Ngunit batid kong ito ang nakakapagpasaya sayo
Inaalalayan muli kita ng tulang galing sa puso ko.

❦❧❦❧❦❧❦❧❦❧

RPW

Naaalala mo pa ba aking sinta?
Diyan kita unang nakilala.
Gabi no'n at ako'y hindi ganoon kaabala
Naisipan kong sumali sa inyong pamilya dahil inanyayahan na din ako ng aking kasama.

Noong una'y nag aalangan pa
Iniisip ko kung mag eenjoy ba?
Sobrang sungit mo kasi
Hindi alam ang gagawin sa tabi.

Pinamangha mo ako sa husay mong mamuno
Kaya naman ako'y napahanga sa isang mukhang puno!
Ikaw ang tinutukoy ko
Gano'n man ang tingin ko sa'yo, nasasakop mo na noon ang isip ko.

Akalain mo 'yon at magkalapit lang pala tayo?
Hindi kaya't sign na 'yon ni kupido?
Nagkausap na nga pala dati
Kaya stalker kung tinatawag mo ako parati.
Hindi ko batid na ikaw pala 'yon,
di mapalagay sa isiping pinagtagpo tayo sa ikalawang pagkakataon.

Pero ayokong umasa noon.
Ika'y may minamahal at nararamdaman sayo'y hindi pa naaayon.
Kaya natakot akong bigla
Para sakin ako'y masyado pang bata.
Hindi alam ang nais
sa dapat ay ginagawa.

Ang daming problema bago tayo nakarating sa ganitong estado
Ang daming balakid kaya't hayaan mo akong ikwento.
Mga nais ding sabihin para sayo ng dalagang ito
na hindi makatulog dahil nais ko paggising mo ay ngiti sa labi ang masisilayan ng tao.

❦❧❦❧❦❧❦❧❦❧

Ang mga nangyari noon na hindi natuluyan
Nais ko ngayo'y muling masimulan.
Gusto kitang makilala pa ng lubusan
Isang ginoong alam ko lamang ay paborito ang buwan.

Ika'y laging gumugulo sa puso't isipan,
pati aking mundo'y iyong kinuluyan.
Binigyan mo ng kahulugan
ang muli kong paggawa ng tula na akala ko'y nawala na sa tinatahak na daan.

Simple lang naman kung bakit ikaw ang gusto
Kahit maraming nandiyan at mas talentado.
Ikaw lang ang nag iisang kakaiba sa mata ko,
Tulad mo'y dapat iniingatan kahit hindi perpekto.

Minsa'y iniisip ko, ako ba'y nararapat sa'yo?
Wala akong nakikitang espesyal sa sarili ko
kaya bakit gustong gusto ng ibang tao sa mundo?
Pero dahil sayo ngayo'y nakikita ko.
Madami pala akong kayang gawin kaya salamat sa pagdating mo.

-|-|-|-

@itsfitzgiarodelas, thank you! kinilig siguro 'yung ginawan mo nito.

A/N:

Yo guys! Ito ay likha ng may pangalan sa itaas. Ibinabahagi ko ito dahil ako'y nabibilib at namamangha sa kaniya.

Poetries [ COLLECTION ]Where stories live. Discover now