SpokenPoetry #34

47 4 0
                                    

✍ -034-

     「Bituin」

Gabing gabi na ngunit may nagniningning
Ako'y nakatingalang tumitingin
Pinagmamasdan ang mga bituin
Hindi ako magsasawa hangga't may paningin.

Para kang isang bituin na sobra sa kagandahan
Hindi ko maiwasang hindi pumikit
Hindi ko mapigil ang aking sarili
Dahil sa iyong napakagandang mga ngiti.

Palagi ka nalang nakangiti sa akin
Kaya't paanong hindi ako mahuhumaling?
Iyang mga ngiti mo'y pumukaw ng aking damdamin
Na hindi na makawala't makakaalis sa aking piling.

Malapit na ang mag-umaga
Tigil! Dito ka lang!
Manatiling akin ka lang!
Hindi ako sanay ng wala ka.

Hindi ko lubos maisip kung bakit ganito?
Hindi ko kayang muling mawalay sa iyo
Sa kalahating araw na iyon,
Hindi ko alam kung makakaya ko.

Butuin,
Mawawala ka't aalis ako
Subalit humanda ka't magkikita muli tayo
Ako'y babalik muli sa pagsilay sa iyo.

Hindi matatapos ang tulang ito
Hangga't mayroong gabi na tatayo
Mananatili akong narito
Maghihintay ng napakagandang mga ngiti mo.

-|-|-|-

Requested by my Moon.

Poetries [ COLLECTION ]Where stories live. Discover now