SpokenPoetry #37

43 4 0
                                    

✍ -037-

     「Sa Isang Linggo」

Mula lunes hanggang linggo
Hindi lang ito umiikot sa pito
Ito'y walang tigil at hinto
Araw-araw na hindi naglalaho.

Umaga't gabing walang katapusan
24 oras kada isang araw
Tila'y hindi magpapahataw
Na ako'y masumbungan

Ikalawang araw na
Subalit maganda ka pa
Kitang kita sa iyong mata
Na sa ngayong araw ay mayroong tama.

Miyerkules,
Dalawang araw nalang at sasaya na
Dalawang araw na pagtitiis
At makakamtan din kita!

Huwebes,
Mata'y bumibigay sa tagal
Nagtatanong kung may itatagal pa ba?
Baka sakaling huli na.

Huling araw,
Nagsasaya't nagbubunyi!
Isang araw na pinakamimithi
Ngayo'y aking mararamdaman muli.

Unang araw ng kasiyahan,
Maghapong nakangiti't walang iniisip
Tamang laro at higa lamang
Subalit parang 'di pa ito totoo?

Linggo,
Oras na para magsimba't magdasal para sa Diyos
Hinihiling na mapabuti ang lahat ng tao
Dito 'ko lang nalaman na ang lahat ng ito'y totoo.

-|-|-|-

I just follow what she said for each day, hehe. Requested for assignment. ;)

Poetries [ COLLECTION ]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz