25. Sign

1.6K 32 0
                                    

Aqina's POV

Nang makarating kami sa aming dorm ay kaagad naupo ang mga lalake habang kami naman ay naghanda ng mga pagkain. Alam kong hindi lang ako ang curious sa kung anong nangyari sa nakaraan, maging sila 'din.

Nang matapos kaming maghanda ng mga pagkain ay kaagad naman na'min iyong dinala sa sala. Pagkalapag ng mga pagkain ay nagsi- upuan na rin kami at nagsimula ng magtanong sa magkatid.

"Anong pangalan ng prinsesa?" Ani Airon.

"Andrea Gail."

"Kapangalan ni Andrea na ngayon ay nawawala." Wala sa sariling ani ko. How I miss my BestFriend.

"Kailan siya binasbasan ng Pinakamataas na Diyosa?" Ani naman ni Earthy.

"Kasisilang pa lang 'daw na'min no'nng basbasan siya ng Mahal na Diyosa." Tipid na ani Andrew.

"Kailan nagkakilala ang Reyna at ang Hari?" Ani kong muli.

"May unang asawa ang aming ama. Ngunit kahit gano'n ay hindi niya pinagtuunan ng pansin ang unang asawa niya. Ni hindi nga 'yata niya ito tinabihan sa pagtulog. Ipilit lamang 'daw iyon ng kanyang Ina- inahan. Hindi naman lingid sa ating kaalalaman na nag-asawang muli ang ama ni Papa nung namatay ang aming lola sa panganganak sa aming ama. Naga-aral pa lamang no'n ang aking ama ng masilayan niya si Ina. Niligawan niya si Ina at hindi nagtagal naging sila. Ngunit hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon dahil ikinasal nga si Ama na siyang nagpahiwalay sa kanilang dalawa ngunit ng mamatay ang aming Lolo ay nakipag-hiwalay ang aming ama sa kanyang unang asawa. Kilala niyo ba kung sino ang kanyang unang asawa?" Tanong ni Andrew sa amin ngunit umiling lamang ako. Nakita ko namang nagsipag-ilingan 'din ang iba. "Iyon si Aprentise." Ani niya na siyang nagpa-singhap sa amin. Si Aprentise, siya yung babaeng namatay noong War dahil sa pagligtas kay Prinsesa Andrea. Wow! Sadyang napaka-bait ng unang asawa ng Hari. Si Aprentise 'din ay ang kapatid ng ina nila Earthy. "S-seryoso? S-si Tiya?" Nauutal na tanong ni Eartha kay Andrew na siya namang tumango lamang.

Chezza Academy: The PrincessWhere stories live. Discover now