27. Flerra got stabbed!

1.8K 42 0
                                    


This is my very short update for y'all. Happy new year! 

Sobrang tagal na nitong story at nakaabot na ng dalawang New Year at hindi ko pa rin natatapos hehe. Jan. 2019, tatapusin ko na talaga to.

3 or more chapters to go~! Enjoy!

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

Flerra's POV

Sunod sunod akong napamura ng marinig ko ang mga pagsabog sa labas. Hindi ko akalain na mapapaaga ang pagbibigay nila ng babala. Kaagad akong tumakbo palabas at naabutan ko ang mga kaibigan kong nasalabas na rin.

Kaagad akong naglabas ng apoy na espada at sinaksak ang madadaanan kong kalaban.

"Airon!" Pagtawag ko sakanya ng muntik na siyang tamaan ng fireball na galing sa kalaban. Palibhasa'y pinagtuonan masyado ng pansin ang kalabang nasa harap niya at hindi napansin ang isa sa kanyang likod.

Tumakbo ako palapit sa kanya at hinagisan ko ng fireball ang umatake sa kanya kanina.

"Focus!"

"Sorry, yeah but thanks." Hinihingal na ani nito habang umaatake. Tinanguan ko na lamang siya at nagsimula na rin sa pagatake.

Sipa doon, saksak dito, suntok doon, at patama dito. Yan lamang ang tanging ginagawa ko. Sa sobrang dami nila ay hindi ko na mapigilang gumamit ng kapangyarihan. Ramdam ko na din ang pagkapagod at pagbaba ng aking enerhiya. Nakapaikot na kami ng aking mga kaibigan at iniikutan ngayon ng mga kalaban.

"The baby?" Tanong ko gamit ang telephaty.

"Mom." Matipid na sagot ni Kuya. Tumango na lamang ako at napaluhod. Ginawa kong pangbalanse ang espadang hawak ko. Ramdam ko na ang pagkapagod alam kong maging ang mga kaibigan ko ay gano'n din, ngunit hindi kami maaring sumuko.

Huminga ako ng malalim at muling tumayo, ngunit pagkatayo ko ay may naramdaman akong sakit sa aking tiyan. Nasaksak ako!

Napapikit na lamang ako ng hilahin ng kalaban ang kanyang espada at muling sana akong sasaksakin ng tirahin ko ito ng aking kapangyarihan kaya namatay ito.

Napahawak ako sa aking tiyan at sumuka ng dugo. Ramdam ko ang pagpunta sa akin ng aking mga kaibigan ngunit hindi nila ako malapitan.

Sugatan na sila at nasaksak naman ako. Hindi pa ito ang tunay na digmaan ngunit madami nang nalagas sa aming hanay. Napakarami nang namatay!

Ipinikit ko ang aking mga mata ng muli kong maramdaman ang sakit. Sa muling pagmulagat ko ay isang babaeng may kulay pulang buhok ang aking nakita.

"Princess! What happened?!" Mahinahon na ani nito ngunit bakas sa mukha ang pagaalala.

"W-who are you?" Nanghihina kong tanong. Kaagad naman niya akong sinuklian ng ngiti.

"Ipinadala ako ng prinsesa upang gamutin ka. I'm Fira, the Fire Goddess. Nice to meet you, your highness." Sabi niya ay yumuko ng bahagya pagkatapos ay itinapat niya ang kanyang kamay sa aking sugat at gumaling ito. Hinawakan din niya ang aking ulo.

"Sleep tight, Princess." Malamyos na boses niya ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.

Airon's POV

Kaagad kong nilapitan si Flerra ng matapos ang laban. Nawalan siya ng malay kanina ng may biglang lumabas sa loob niyang isang kulay pulang dragon na may simbolo ng apoy sa noo. Ang alam ko ay iyon ang dragon ng Dyosa ng Apoy kaya batid kong pinagaling na soya ng Dyosa ngunit hindi ko maiwasang hindi mag alala.

Nabalik naman ako sa aking katinuan ng may biglang tumulak sa akin at binuhat si Flerra. Si Lance. Alam kong nagaalala din siya sa kapatid niya kaya hindi ko na pinansin ang kanyang pagtulak sa akin.

Tumakbo na lamang ako kasabay nila papunta sa clinic. Dinaluhan naman kaagad ng mga doctor si Flerra at inilagay sa E.R.

"She'll be ok." Mahinang bulong ni Aquina.

"She will." Isang malamig na boses ang sumunod naming narinig. Nanggaling ito sa pasukan kaya napatingin ako do'n.

Si Andrea. Si Andrea ang pumasok. Napakalaki ng pinagbago niya, ramdam ko ang lakas ng aurang bumabalot sa kanya. Ang kulay ng kanyang buhok, kung dati ay pula ngayon ay puti. Habang ag kanyang mga mata ay ginto. Ang kulay naman ng kanyang balat ay mas lalong pumuti.

Nakita ko namang tumakbo si Aquina at yinakap si Andrea. Gano'n din ang ginawa ko at ng iba pa, bukod kay Lance, na nakatingin pa rin kay Andrea.

Nagtitigan sila bago niya lapitan si Andrea. Hinigit niya ito at hinalikan. Hinalikan, sa harap namin!

Tumikhim naman so Andrew ng hjndi pa rin bumibitaw ang kanilang labi.

"Princes and Princesses, she's fine. Tiyak akong napagaling na siya bago pa siya napunta dito. Mamaya lamang ay maari na siyang gumising." Ani ng doctor kaya nagpasalamat naman kami. Ngumit lang ito at umalis na.

"Andrea! I didn't expect to see you here!" Napapatiling ani ni Aquina.

"I'm here to tell you and give something." Seryosong ani niya at saka kami tinignan isa isa. Nakahwak pa rin si Lance sa bewang niya.

"Sabihin mo na lamang sa amin kapag gising na si Flerra."

"Nah. She already knows."

"So what is it?" Nagtataka kong tanong.

"I'm the Lost Princess." Biglaan sabi niya.

"You're the what?!" Gulat na sabi ni Earthy.

"She's the Lost Princess, our sister and the baby's mother." Pagpapaliwanag ni Andre.

"The baby's mother?!" Pasigaw na ani ni Eartha kaya napatingin sa amin ang ibang doctor at saka kami pinagbawalan.

"Mas mabuti pa kung sa loob na tayo magusap." Mabilis na suhestyon ni Walter kaya sumangayon na kami. Mas mabuti pa nga.

Chezza Academy: The PrincessWhere stories live. Discover now