26. The Baby

1.9K 36 1
                                    

Flera's POV

Ramdam ko ang pagpalit ng kulay ng aking mata kaya huminto ako at dinama ang aking paligid.

Ramdam ko ang unti unting paginit ng paligid kaya kaagad kong binuksan ang aking mata.

"Aroke demus, Pris ar Prie." (Kinagagalak namin kayong makita, Prinsipe at Prinsesa)

"Kor." (Us too) Malamig na turan ni Lance at naglakad na palayo sa amin.

Pinakiramdaman ko ang paligid at nararamdaman kong unti unti ng nagigiba ang mga bulkan. Isang senyales na nalalapit na ang digmaan. Kaagad akong naglabas ng aking kapangyarihan upang maprotektahan  ang mga Bulcanian, at upang maiwasan din ang pagguho ng paligid. Napagplanuhan na namin itong magkapatid. Ang gagawin ko ay ang pagprotekta sa paligid at sa mga tao rito. Habang siya, siya ang hahanap ng lugar kung saan maarin magtayo ng bagong Bulkan na maaring tirhan ng mga Bulcanian, upang hindi sila matunton ng kalaban.

"Kamahalan, nais naming tumulong sa paparating na digmaa, kung inyo nanaisin." Ani ng lider ng Bulcanian, nais man namin ngunit hindi maari. Sinumpa naming kahit anong mangyari ay hindi na muling mapapasabak sa labanan ang mga Bulcanian.

"Hindi maari, Mayon. Nais man namin ngunit hindi pwede. Hindi naman sa minamaliit namin ang inyong kakayahan ngunit hanggat hindi bumabalik ang Prinsesa ay hindi babalik ang dati niyong lakas."

"Ngunit kamahalaan, nararamdaman naming unti unti ng bumabalik ang aming lakas. Alam naming nasa paligid lang ang Prinsesa."

"Kung ganon, sa oras na bumalik na ang inyong tunay na lakas, sige, hahayaan ko kayong lumaban. Fight and Die with the dignity of beeing a Bulcanian. Fight for our Kingdom and for our World."

"Koman, Prie." (Masusunod, Prinsesa.) Ani nito at yumuko ng bahagya. Kaagad naman niyang binigyan ng senyales ang mga ito na magsilikas na.

Maglalakad na  sana ako ng makita ko ang aking kapatid na nagmamadaling lumalakad.

"Problem, brother?"

"There's a baby outside the Academy. I have this feeling that it's mine."

"What?! What kind of mother na iiwanan ang kanyang anak sa labas ng Academya gayong may mga kalaban?"

"Relax, sister. The baby has a protection spell and a cloak spell. Now, move faster." Ani nito at nagteleport na pabalik ng academya.

"Mayon, aalis muna kami." Pagpapaalam ko at kaagad naman itong tumango kaya nagteleport na ako pabalik.

Nakita ko naman ang mga kaibigan ko na naroon na rin. Kumpleto. It means tapos na sila sa kanilang ginawa. Ang kapatid ko ang una kong hinanap at nakita ko siyang hawak ang isang sanggol.

Walang emosyon ang kanyang mukha ngunit ramdam ko, at ramdam ng mga apoy kung gaano siya kasaya. Kung sakanya nga ang bata, sino ang ina?

Iisa lang ang nasa isip ko, si Andrea. Ngunit impossible.

"Who's the mother, Lance?" Nae-excite na tanong ni Earthy.

"Princess." Simpleng ani nito na siyang nagpagulat sa amin.

"Y-you're the Crown P-prince?" Nagugulat kong tanong. Ang kapatid ko ang Prinsepe? Kung siya nga ay ibig sabihin no'n ay siya ang may pinamalakas na kapangyarihan dito sa Chezza.

"I am."

"Oh my god!" Aquina exclaimed. Maging ang mga kaibigan namin ay hindi din makapaniwala sa kanilang nalaman pwera nalang kay Andrew at Andre. Of course they knew.

Inaya na namin si Lance na ipasok ang bata dahil sa itsura palang nito ay alam naming kapapanganak niya pa lang. Hindi maganda sa batang bagong silang palang ang mahamugan.

Kapasok namin sa aming dorm ay nakita namin ang mga Hari't Reyna na nakaupo. Of course, the news is flying really fast. Alam kong naramdaman nila Ina ang kasiyahan ng mga apoy. Ibig sabihin lang no'n ay nalaman na kung sino ang Corwn Prince. Ngayon alam ko na kung bakit napunta kami sa Bulkan kanina. Yun ay dahil upan maibalik ni Lance ang tunay na lakas ng mga Bulcanian.

Maging ako ay ramdam ko ang biglaan kong paglakas. Kaya malamamg sa malamang ay naibahagi na ni Lance at ng Prinsesa ang iba sa kanilang kapangyarihan sa amin. Nagkatagpo na sila sa isang panaginip.

"Where's the princess, Lance? Ano ang kanyang itsura?" Tanong ni Walter.

"She's still the same."

"What are you talking about?" Naguguluhang tanong ni Eartha.

"Still the same Andrea you know."

"What?!"
"Holy sh*t!"
"The hell?!"

Sabay sabay na mura ni Airon, Earthy at ni Walter. Habang kami naman ay dinadigest pa rin ang sinabi ni Lance.

"So all this time, alam mong si Andrea ang nawawalang prinsesa?"

"Of course." What the hell. Hindi ko mapigilang mapamura dahil sa rebelasyong naganap. All this time. All this time kasama pala namin ang prinsesa.

Prinsesang pinakamakapangyarihan sa lahat ay si Andrea! Si Andrea na akala namin ay traydor! Si Andrea na ngayon ay nawawala!

Nang mag sink in na sa lahat ang nangyare ay saka pa lang namin naalala na kasama pala namin ang mga Hari at Reyna.

"Patawarin niyo kami sa aming mga binigkas, Kamahalan." Pormal na paghingi ng tawad ni Walter. Maging kami ay yumuko. Natatakot ako.

Ngayong si Andrea ang prinsesa, at si Lance and magmamana ng korona ng ama ni Andrea. Natatakot ako. Natatakot ako sa aking magiging pamumuno. Hindi ko kaya maging Reyna ng isang kaharian. Hindi ko pa kaya at hindi pa ako handa.

Alam kong matagal pa iyon at alam kong balang araw ay magkakaroon ako ng asawa at katuwang ngunit natatakot ako sa maaring mangyari sa hinaharap.

I can't let many knights die in my legacy. Hindi ko maaring pabayaan ang mga kawal na mamatay sa aking pamumuno. It's a shame! Isang kahihiyan iyon para sa akin!

Iniisip ko na ang hinaharap ko ngunit hindi ko magawang isipin din ang hknajarap ng batang dala ni Lance. Ang pamangkin ko. Sino kaya ang magiging kaugali niya? Well his parents are both emotionless, I wonder. Sana si Andrea na lang. Nakakatakot si Lance. Pero mas nakakatakot yata si Andrea. Hindi ko alam! Pero sana sakin nalang siya magmana. What? He's my nephew kaya maaring sa akin sa magmana. Baka lang naman.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at nilapitan ko ang batang dala ni Lance. Nais ko siya bigyan ng basbas.

"Dalhin mo ang aking basbas, nawa'y walang anumang sandata o armas ang maaring makapanakit sayo. Nawa'y magkaroon ka ng tapang at lakas tulad ng apoy." Mahinang bulong ko at inilapat ko ang kamay sa kanyang noo. Batid kong iyon din ang nais gawin ng aking mga kaibigan kaya inunahan ko na sila. Lumaki ka sanang matapang, Aking Pamangkin.

Chezza Academy: The PrincessWhere stories live. Discover now