29. WAR II

1.5K 35 0
                                    

Finally after so many months I have the courage para magupdate. I didn't proofread this one so please bare with the typos and grammatical errors, thank you! Sorry for the long wait but here's my short update for y'all. Thanks for waiting! ❤️
•••••

Aqina's POV

Sa pagupo namin upang magpahinga ay may narinig kaming boses na tumatawa. Isang nakakapangilabot na tawa ang aming naririnig kaya dali-dali kaming tumayo at pumwesto katabi ng aming mga magulang.

"Ma, sino 'yan?" Dinig kong tanong ni Airon sa kanyang ina.

"Ang pinuno ng mga Greyzian. 'Di ko lubos akalain na darating tayo sa puntong ito. Akala ko tapos na. Ito ang pangyayaring hindi ko nais maranasan niyo." Mahinang bulong ni Tita kay Airon.

Humarap sa amin si Tita Althea at itinaas ang kanyang sandata.

"Hindi man na'tin makakayang talunin ang kanilang pinuno ngunit magtiwala kayo sa aking anak na babae. Hindi na'min siya inilayo sa amin upang maging mahina. Sa mga estudyante, hindi ko na nanaisin pang mabawasan kayo ngunit 'di 'ko 'rin mapipigilan ang hinayupak na'to para hindi sumugod." Hindi ko man nais tumawa sa 'hinayupak' ni Tita ay hindi ko na napigilan pa. Dinig ko 'ring inubo ang aming mga Ama tanda nang pagpigil nila sa kanilang tawa.

"Hindi ko akalain na sa gitna ng laban na ito ay nagagawa mo pang magpatawa, Althea." Nakakapangilabot na banggit nung Pinuno ng mga Greyzian. Kasabay nang pagsabi niya no'n ay biglang sumugod sa'min ang kakaunting Greyzian na natira. Oo, maaring kakaunti na lamang sila ngunit higit na mas malakas sila ngayon. Sa tingin ko ay malakas sila sapagkat binibigyan sila ng kanilang pinuno ng enerhiya.

Sumugod ako. Saksak doon. Saksak dito. Kapangyarihan doon. Kapangyarihan dito.

Hindi ko akalain na maari namin silang maubos. Sa tingin ko ay naubos na'min sila sapagkat nawala ang focus ng kanilang pinuno sa kanila sapagkat inatake na siya ng mga Hari't Reyna.

Malapit na na'min silang maubos ng bigla na lamang kaming nanghina. "What's happening?" Nagpapanic na tanong sa amin ni Earthy nang hindi kami makagalaw. Sinubukan kong gamitin ang aking kapangyarihan ngunit walang lumalabas sa akin.

Pinagmasdan ko ang paligid. Maging sila Tita at Tito ay nanghihina 'din sa hindi masabing dahilan. Kaagad akong napalingon ng marinig ko ang nakakabinging tawa ng demonyong nasa harapan na'min. "Hindi 'ko lubos akalain na ganito ko kayo kadaling matatalo, Chezzians." At humalaihak pa ito na siyang nagpainis sa'kin.

"Pagmasdan niyo ang paligid niyo! Nang dahil sa inyo napakaraming namatay! Napakaraming nawalan ng pamilya- Ina, Ama, at kapatid!" Malakas nitong sigaw at naramdaman ko na lamang ang sariling kong lumulutang.

Sa paglutang 'kong ito, nasulyapan ko ang bawat ina, ama, at mga kapatid na nagdadalamhati ngunit patuloy pa ring lumalaban sa kabila ng kanilang nararamdaman.

'Isa kayong tunay na bayani' tahimik na naiusal ko sa aking isip.

'Andrea, asan ka na? Ngayon na na'min kailangang ang iyong tulong.'

Tanging usal ko sa aking isipan. Umaasang si Andrea ay pupunta rito ngayong labis namin siyang kinakailangan. Bago pa ako makalabang ulit, kahit ako'y hinang-hina na ay naramdaman 'ko ang aking pagbagsak sa lupa.

Hindi pa man ako nakakabawi sa pagbagsak 'ko sa lupa ay biglang may isang malakas ng palahaw ang aming narinig. Iyak ng isang bata. Isang sanggol. Bigla akong napatingin kay Lance nang bigla siyang tumayo na tila ba walang paghihirap. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan para patayin ang mga natitirang Greyzians.

"Paano niya nagawa iyon gayong kanina lamang ay nahihirapan na siya dahil kinakain ng pesten ito ang aming mga enerhiya?" Dinig kong tanong ni Airon sa aming isipan. Nagagamit pa niya ang telepathy!

Isang malaking apoy ang naka-agaw ng aking pansin. Hindi iyon galing sa mga hari't reyna 'kung hindi ay galing ito kay Lance. Ang apoy na iyon ay tila gumawa ng daan na tanging isang makapangyarihang nilalang lang ang makakadaan.

Taas-noong naghintay si Lance sa dulo ng apoy na kanyang ginawa at habang naghihintay siya ay palakas na rin nang palakas ang iyak ng sanggol.

"Mabuti naman at siya'y narito na. Ngunit kaninong anak ang kanyang dinadala?" Makahulugang tanong ng pinuno ng mga Greyzian. Sino ang tinutukoy niya?

Mabilis akong tumayo ng maramdaman kong nagbabalik na akong lakas. Kaninong enerhiya nanggagaling iyon? Sa pagbalik ng aming lakas ay siya ring pagkakita namin sa isang babaeng may hawak na sanggol na tila ba'y isang diyosa kung maglakad. Andrea. Si Andrea habang hawak ang anak nila ni Lance ay naglalakad sa gitna ng apoy na ginawa ni Lance... para sakanya. Ang bawat madaanan niyang Chezzian ay nagbabalik ang lakas at buong galang na sumaludo sakanya.

Hindi ako sigurado kung sakanya ba nanggagaling ang enerhiyang iyon o sa kanyang anak. Wala akong kasiguraduhan sa bagay na iyon.

"Ako ang harapin mo, Gwardo." Malamig na sambit niya nang makalapit siya kay Lance at ibinigay ang sanggol.

"Ikaw lang naman ang hinihintay 'ko, Mahal na Prinsesa." Nakangiti na sambit ni Gwardo, na pinuno ng mga Greyzian.

"Mabuti naman at hindi mo pina-iral ang iyong kaduwagan sa oras na ito, Gwardo. Buong akala 'ko'y mababahag ang sungay mo't 'di 'ka paparito. Alam mo bang kanina pa ako naghihintay sa'yo?" Malamig ngunit mahabang lintaya ni Andrea. Walang emosyon ang pagbigkas niya no'n ngunit bakas sa kanyang mga salita na nais niyang asarin si Gwardo.

Nakita 'ko namang nainis si Gwardo sa binaggit ni Andrea at walang pasabing sumugod ito. Mabuti na lamang at handa si Andrea at mabilis na umilag. Hindi niya pinalitan ang atake ni Gwardo bagkus buong lakas niya kamin inilapit sa isa't isa gamit ang kanyang kapangyarihan at ginawan ng panangga.

"It's better to be safe." Mahinang usal niya at hinalikan sa noo ang kanilang anak. Matapos ay pinaulanan niya ng waterballs at fireballs si Gwardo. Mabilis din ang hinayupak ngunit may iilang hindi niya nailagan dahil bukod sa mabilis ang pagtira ni Andrea roon ay tanga rin siya.

"I wonder if you're laughing on your mind now, Sis." Mahina ngunit natatawang ani Walter, sa palagay 'ko'y kami lamang ang nakarinig no'n.

"Shh. Shut up and watch them. I'm concentrating." Mahina kong pang-bawal sa kanya at kaagad naman niyang nilagay ang hinlalaki at hintuturo niya sa kaniyang labi at umaktong zini-zip ito. Psh!

Patuloy pa rin sa pakikipagpalitan ng atake ang dalawa ngunit sa nakikita 'ko ngayon ay mas malaki ang lamang ni Andrea. Nararamdaman ko rin na nanghihina na si Gwardo sapagkat halos kalahati ata ng stamina niya ay pinagkaloob niya para sa ibang Greyzian. Tanga, but I admired his leadership. Hindi niya pinabayaan ang mga tao niya though I don't like his guts and his intentions.

"Kung mamamatay ako, isasama ko kayo." Mahina ngunit dinig pa rin naming sabi ni Gwardo matapos paulanan siya ng isa sa mga pinaka-malakas na atake ni Andrea na hindi nito naiwasan, ang Cualosiya. Ito ang pinagsama-samang kapangyarihan ni Andrea na nabuo gamit ang isang maliit na bula lamang. Ngunit nabahala ang iba dahil sa kaniyang sinabi, maging ako, aaminin ko oo, nabahala rin ako ngunit may tiwala akokay Andrea. She won't let us down.

Nakita ang pagiipon ng kapangyariha ni Gwardo and he is creating a dark magic spell that can wipe out this world! No way! How did he knew about that?! Ang alam ko'y tanging si Andrea lamang ang nakakaalam no'n. Nag-ingay ang mga tao, alam 'kong alam nila ang ginagawa ni Gwardo. Oo nga't alam ni Andrea kung paano gawin ang dark magic spell na 'yun ngunit 'di pwedeng mawala iyon hangga't walang buhay ng isang makapangyarihang nilala ang isasa-alang alangat si Andrea iyon!

Sana mali ang iniisip 'ko, parang awa mo na. Sana mali. Please.

Chezza Academy: The PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon