Prologue

2.8K 27 2
                                    

"Patricia, you're late again!" sigaw sa kan'ya ng kan'yang guro.

Ilang beses na siya nitong sinigawan ngunit nanatili itong walang imik. Tinitigan n'ya lamang ang guro na galit na nakatingin sa kaniya.

"Nagbebenta ka ba nang illegal drugs tuwing gabi? Araw-araw ka nalang late ah!
Ano bang trabaho ang ipinapagawa ng mga magulang mo? I wonder kung paano ka nakapasok dito kung gayo'y mahirap lang naman kayo!"
Araw-araw siyang pinapahiya at nilalait ng mga tao sa paaralang 'yun ngunit parang wala lang itong narinig.

Titigan n'ya lamang kung sino man ang manglalait sa kan'ya. Hindi ito nagpapakita ng kahit anong reaksiyon. Kaya mas lalong naiinis ang mga ito. Maski ang mga guro ay nagawa siyang ipahiya ngunit katulad ng nakasanayan, hindi n'ya lang ito pinapansin.

"Stupida, upo kana raw sabi ni teacher! Mukha kang tanga d'yan--- oh, 'wag mo akong titigan nang gan'yan! Alam kong g'wapo at mayaman ako pero huwag ka sanang mainlab, 'di kita type!"
Naghihiyawan at nagtatawanan naman ang ibang mag-aaral na nasa silid na 'yon.

Habang naglalakad siya papunta sa kan'yang upuan, may biglang pumatid sa kan'ya. Mabuti't hindi siya nadapa. Tinitigan n'ya lamang ang pumatid sa kan'ya at tumuloy sa paglalakad.

Mga masasamang salita ang kan'yang natanggap pero wala parin itong reaksiyon.

Nang uupo na sana siya, biglang may kumuha sa kan'yang upuan na naging dahilan para mapa-upo siya sa sahig. Nagtatawanan ang lahat at kasama na doon ang kan'yang guro.

Pangisi-ngisi ang kumuha sa kan'yang upuan at parang wala itong ginawang masama.

Hindi siya pinansin ng dalaga bagkus, kinuha nang babae ang upuan at umupo.

"You're weird" mahinang komento ng binata sa tabi n'ya.

Nilingon siya nang dalaga at tinitigan. Medyo naiiling ang binata sa kan'yang mga titig kaya umiwas ito.

Tumawa nang mahina ang dalaga na naging dahilan para mapanganga ang binata.

Dali-daling napalingon ang binata sa kan'ya pero nang tiningnan na niya ito, wala na itong reaksiyon.

"Y-you laughed." nauutal nitong sabi.

Tinitigan siya nang dalaga na ngayon ay nilalaban na ng binata.

Ngunit sa huli, umiwas din ang lalaki at napailing nalang habang nakangiti.

---

Latecomer Where stories live. Discover now