Chapter 4

888 8 0
                                    

Israel

“Iho, gising na.” Napabalikwas ako sa kama nang marinig ko si yaya. Pusang gala!

“Ya, anong oras na ba? Nand'yan na ba sa ibaba si Patricia?” sunod-sunod kong tanong kaya napakunot noo si yaya.

“Who's Patricia?” pag-eenglish ni yaya kaya bahagyang lumaki ang mga mata ko sabay turo sa kan'ya.

“Ya, English 'yon ah!”

“Magaling naman talaga ako sa English, in-underestimate mo yata ako, iho?” pagmamayabang n'ya kaya medyo natawa ako. Hindi ko naman in-underestimate  ang kakayahan ni yaya.

“Nga pala, ya. Nasa ibaba na ba si Patricia?”

Yaya roles her eyes.

Aba!!

“Sino ngang Patricia?”

“Uh. Nand'yan na ba 'yong bisita ko?” tanong ko nalang para hindi na mas lalong humaba ang usapan.

“Wala pa naman. Nga pala 8:30 na, iho. Kakain na tayo sa ibaba. Bilis na diyan!”

“Oho. Susunod nalang po ako. Magbibihis lang. Labas na, yaya!” pagtataboy ko sa kan'ya kaya umikot na naman ang mata ni yaya at tuluyang umalis sa silid ko.

Yaya's only 30 years old. May dalawa na siyang anak na nasa probensiya nila. Lumuwas siya ng manila para kumita ng pera dahil napakaliit daw ng kita niya sa probensiya.

Isang taon na din siyang naninilbihan dito.
At dahil palaging busy sina mommy at daddy, si yaya Linda na ang nag-asikaso sa amin ni Jeyhu. But honestly, hindi namin kailangan ni Jeyhu ng mag-aalaga. We're big enough to take care of ourselves. But our parents insist.

“Aba, bilis na diyan, iho!” nagulat ako ng bumukas ulit ang pintuan at iniluwa si yaya. Hindi pa man ako nakasagot, inirapan na niya ako at padabog na  isinara ang pinto.

Bumuntong hininga ako at mahinang tumawa. Parang hindi pa naka-move-on si yaya sa kan'yang kabataan. She's acting like a teenager. Pero ayos lang naman 'yon. 

Dali-dali akong nagbihis baka bumalik na naman si yaya dito at ibitay ako patawirik.

Pagkatapos kong magbihis bumaba na ako.  Nakasabay ko pa si Jeyhu. As usual, wala na naman kaming imik pababa.

“Oh, mabuti naman at nandito na kayo! Kay tagal eh!” pagsisirmon niya sa amin.

“Tsk.” si Jeyhu at direktang umupo sa kan'yang upuan.

“Kumain na kayo. May aayusin laman akong mga gamit sa itaas.”

“Hindi ka ba sasabay sa amin kumain, ya?”

“Hindi na, Iho.” pagkatapos niyang sabihin 'yon, pumunta na siya sa itaas.

Nagsimula ng kumain si Jeyhu nang lumingon ako sa kan'ya kaya umupo nalang din ako sa tapat niya at nagsimulang kumain.

Kumakain kami ng hindi nag-iimikan. Tanging pag-nguya at tinig ng kutsara't tinidor na lumalapat sa plato lamang ang tinig na maririnig.

Maya maya, marahas niyang ibinagsak ang kutsara't tinidor niya. Tatanungin ko pa sana siya kung anong nangyari ng narinig kong may nagdo-dorbell.

Dali-dali kong tinapos ang huli kong subo at patakbong lumabas ng bahay. At dahil medyo may kalakihan 'tong bahay, matagal-tagal din bago ako nakalabas.

“Kuya guard, who's outside?” tanong ko kahit may hinala na ako na baka si Patricia  'yon.

“Hindi n'ya po sinabi kung anong pangalan n'ya. Ang sabi n'ya, may project po daw kayong gagawin. Pupuntahan ko na po sana kayo upang kumpirmahin pero nandito na pala kayo. Tingnan n'yo nalang po sa labas.” malagang n'yang sabi.

Nginitian ko nalang siya at tuloyang lumabas para makita kung sino ang nasa labas. At hindi nga ako nagkakamali.

Nasa labas si Patricia at walang reaksiyong nakatingin sa kawalan. Nang naramandaman n'ya ata na bumukas gate, lumingon siya sa akin.

“Nandito ka na pala.” pagsasalita ko. Tinitigan niya lang ako na para bang pinakawalang kwenta ang sinasabi ko.

I just silently laughed with my own thoughts bago siya pinapasok ng bahay.

“It's almost nine in the evening, hindi ba mag-alala sa 'yo ang mga magulang mo?”

Tanging pag-iling lamang ang kaniyang naging sagot kaya tumahimik nalang din ako at dinala siya sa sala.

“Just sit here. Kukunin ko lang 'yong mga gagamitin natin sa itaas. Nga pala, kumain ka na?”

Hindi niya ako sinagot bagkus inilibot niya lamang ang kaniyang paningin at tinitingnan ang mga painting na nakasabit sa dingding. Nang mapansin kong wala siyang balak na sagutin ako, dumiretso ako sa itaas at bumaba na dala ang mga gagamitin namin para sa gagawing proyekto.

Nasa hagdan na ako ng marinig ang boses ni Jeyhu kaya napatigil ako.

“What do you want to my brother, weird?”

Wala akong narinig na sagot ni Patricia kaya panigiradong tinitingnan niya lamang ang aking kapatid.

“Speak, weird! What do you want? Money?  Attention? Or his body?” nagulat ako sa tanong ni Jeyhu. What made him think na may kailangan sa akin sa Patricia? We'll just make our project.

“Wala akong kailangan sa kaniya,” ito na 'ata ang pinakamataas niyang nasabi.

“Liar! Don't lie to me, Weird. Alam kong may kailangan ka!” pagalit na sigaw ni Jeyhu. Kating kati na akong lapitan sila pero hindi ko magawa.

“Fine. I need money.” mas lalo akong nagulat kaya nabitawan ko ang mga gamit na dala ko na naging sanhi na mapalingon sila sa akin.

Tiningnan ko si Patricia, tila tinitanong kung hindi ba siya nagsisinungaling sa kaniyang sinasabi. Ngunit wala lang itong emosyon. Parang wala itong paki na narinig ko iyong sinasabi niya.

“I'm disappointed.” malamig kong tugon at umakayan ulit sa itaas.

I'm not mad. I'm just surprised and... Disappointed.

Parang totoo nga ang sinasabi ng mga kaklase ko sa kaniya.

Latecomer Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin