Chapter 7

839 12 0
                                    

Patricia

“Baby Tricia!” kaagad akong napalingon kung saan nanggaling ang boses na tumawag sa akin.

Kaagad kumunot ang noo ko sa nasilayan. Si Zenela ang nagdala sa dalawang maleta habang si Hex tanging pack bag lang ang dala. Parang nag-aapoy na ang mukha ni Zenela sa galit habang si Hex pangiti-ngiti lang at tumatakbo papunta sa direksiyon namin ni Patrick.

“Baby Tricia! I missed you so so so much!” sigaw niya kaya may mga ibang tao na nagtinginan sa amin. “Oh, don't give me that kind of expression, baby. Come here, lemme hug you,”

Hindi na ako nagprotesta. Hinayaan ko nalang siyang yakapin ako. Pahigpit ng pahigpit ang yakap niya at may plano pa 'ayang hindi ako pahingain.

Inipon ko lahat ng lakas ko at buong pwersa siyang tinulak palayo.

“What the– why, baby?”

Nilingon ko si kuya na tawang-tawa sa nangyayari. Alam kong alam niya kung ano ang tunay na intensiyon ni Hex. Imbes na magalit, pinagtatawanan niya lang.

“Baby, why the heck did you push me?” painosente niyang tanong.

“Why the heck did you hug me?”

Gusto kong mainis pero nantili lang akong kalmado.

“Uh, because I missed you!” kunoot noo niyang sagot.

“Stop lying, you monster maniac. You just want to feel my boobs,” pigil inis kong sagot sa kaniya.

Nilagpasan ko siya at kinuha ang isang maleta na dala ni Zenela na tila nangdidiri sa mga pangyayaring nasilayan niya.

“Did I?” natatawang tanong ni Hex. Walang buhay ko siyang tiningnan pero ang sira-ulo, mas lalong lumakas ang tawa.

Nauna na akong lumabas sa airport. Sumunod naman kaagad silang tatlo. Habang naglalakad palabas ang iingay nila. Lalo na si Hex na sinundan naman ni Zenela at patawa-tawa lang si kuya.

Hindi pa rin nagbago ang mga kumag. Si Hex na walang preno ang bibig at si Zenela naman na puro kaartihan ang lumalabas sa bibig.

Hanggang sa taxi ang iingay pa rin nila.

“Omygosh, ang sikip,” reklamo ni Zenela at maarting pinaypayan ang sarili.

“Oo nga pala, bro. Kumusta ka na? Pumapayat ka 'ata ngayon, ah. May pinupormahan ka? Sinasabi ko sa iyo, bro, hindi ka niyan sasagutin. Tingnan mo nga ang sarili mo, nasobraan ka naman 'ata sa pagpapayat, bro!” sabi ni Hex at malakas na tumawa. Nakikisabay lang din si Patrick kakatawa pero halatang peke naman. Palihim namang tumingin sa akin si Patrick, kaya napaiwas ako kaagad.

“So, ano nga, bro, may pinupormahan ka?” nakangiti nitong tanong.

Tumawa ulit si Patrick bago sumagot. “Wala naman,”

“Eh, bakit ang payat mo?”

Napatigil saglit si Patrick. “Ah, trip ko lang,”

Napakunot naman ang noo ni Hex sa sagot ni Patrick.

“Chismoso ka talaga, Hex,” singit ni Zenela sa usapan.

“Ingay mo, Zenela,”

“Waw, nahiya naman ako sa bunganga mo!”

“Nye nye nye!”

Hanggang nagsigawan na silang dalawa.

Ramdam ko namang napabuga ng hangin si Patrick. Mabuti nalang sumingit si Zenela.

Latecomer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon