Chapter 14

711 12 0
                                    

Patricia

Everything will be fine.

Iyan ang naalala kong sanabi niya bago ako nawalan ng malay.

But when does it happen? Hanggan kailan ako maghihintay na magiging maayos ang lahat? Mapakla akong ngumiti. Siguro mangyayari lang iyan kapag umulan na ng snow dito sa Pilipinas.

Mariin akong napapikit nang maalala ang sinabi sa akin ni Erick.

Pinatay nila ang mga magulang namin.

Pinatay nila ang mga magulang namin!

Kung kailan gusto ko ng makalimut sa trahedyang iyon, saka ko pa 'to nalaman. Kaunti nalang, e. Matatanggap ko na sana, e. Bakit?

Hindi pa tuluyang naghilom ang sugat sa puso ko, may panibago nanamang sugat akong natamo.

Gusto kong maghiganti. Gusto kong ipaghiganti ang mga magulang namin. Gusto kong maranasan din nila ang nararanasan namin ni Patrick ngayon. Kung gaano kasakit, kung gaano kahirap.

Gustong-gusto kong manakit. Gusto kong matikman nila ang pait na bumubuhay sa amin ni Patrick.

Parang hindi matahimik ang isip ko kung hindi ko maiparanas sa kanila ang pighati naming dalawa ni Patrick, pero umiiyak na ang puso ko. Pagod na pagod na ito. Sa sobrang pagod, kahit anong sakit ang ang ibinabato sa kaniya, wala na itong nararamdaman.

Sana ako nalang ang nagkasakit at hindi na si Patrick. Parang mas gugustuhin ko nalang ang malalang sakit na iyon nang sa gano'n makapagpahinga na ako... Habambuhay.

Nakakapagod ng mapagod.

Bahagyan akong nagulat nang biglang may mga kamay ang pumunas sa mga luha na hindi ko man lang namalayang tumutulo na pala.

“Magpahinga ka pa. Alam kong sobrang pagod na ng katawan mo ngayon. Sige na, matulog ka na,” bahagyan itong napangiti.

Doon ko lang namalayan na nasa hospital bed pala ako ni Patrick. Kaagad akong napatayo kaya medyo umiikot ang paningon ko.

“Susko naman, Trish. Bakit bigla kang tumayo? Ayan tuloy. Magpahinga ka na muna riyan. Huwag kang mag-alala ayos lang naman ako, sige na.”

Napailing ako. Bakit ba kasi rito ako dinala ni Erick noong mawalan ako ng malay?

“Ilang oras akong nakahiga riyan?” tanong ko.

“Hmm, mga limang oras 'ata? Bakit?”

Umiling ulit ako. “Magpahinga ka na, Patrick. Aalis muna ako.”

“Teka, saan ka naman pupunta? Wala ka pang sapat na lakas. Baka mabinat ka!”

“Don't worry about me, Patrick. Ayos na ako. Sige na. Saglit lang 'to, babalik ako.”

Nginitian ko siya para makasiguradong ayos na talaga ako. Wala na itong nagawa nang lumabas na ako.

Habang naglalakad, tinawagan ko si Erick at nang makompirma ang gusto kong makompirma, kaagad akong sumakay ng taxi.

“Ma'am, nandito na po tayo,” dinig kong sabi ni manong. Sa sobrang lalim ng inisip ko, hindi ko man lang namalayan ang oras. Baka nga kung siraulo lang itong si manong, dinala na ako kung saan. Panigurado, hindi ko man lang 'yon mapapansin.

“Ito po bayad.”

Nang makalabas ako ng taxi, nanginginig na naman ang buo kong katawan.

Hindi puwede. Kailangan kong magmukhang malakas sa harapan nila.

Latecomer Where stories live. Discover now