Chapter 13

710 8 0
                                    

Patricia

Siguro kung hindi lang kami iniwan nila papa, hindi sana kami magkakaganito ngayon.

Iyan ang paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan habang naglalakad ako papunta sa ospital galing trabaho.

Malapit ng mag-alas onse ng gabi at ramdam na ramdam ko na ang kagustuhan ng aking katawan na magpahinga pero hindi naman puwedeng humiga rito sa daan.

Saglit akong napatigil nang may nakita akong upuan sa gilid ng daan. Umupo ako roon at naghintay ng ilang saglit. Bago pa ako nainip, nagpakita na ang kotse na kanina pang nakasunod sa akin. Huminto ito sa aking harapan at lumabas si Erick.

Awkward itong ngumiti sa akin at nanatili naman akong walang reaksiyon.

“Matagal mo ng alam?”

“Hmm?”

“Na sinusundan kita?”

Tumango ako at tumabi naman siya sa akin.

“Bakit?” ang unang lumabas sa bibig ko. Ang dami kong katanungan na nagsimula sa bakit at hindi ko alam kung anong tanong ang uunahin ko.

“I'm so sorry, Trish. I'm such a coward and heartless cousin to you,” nakayuko niyang sabi.

“Why are you doing this to us?”

“Sorry–”

“Enough... Enough saying sorry. Why can't you just tell me truth? The reason behind these shits.”

“Sorry–”

“Enough. I understand.”

Tuluyan ng tumahimik ang buong paligid.

Mas mabuti na rin siguro na hindi niya sinabi ang rason kays magsalita siya pero puro kasinungalingan lang naman ang lumalabas sa bibig niya.

“Whatever the reason, maybe, I still don't have the rights to get mad at you. I just don't get why you have to hurt us. Are we that bad?”

“No! Wala kayong kasalanan. Wala rin kayong ginawang masama. It's just... isa akong dakilang duwag.”

Siguro nga duwag siya. Duwag siya dahil hindi niya man lang sinabi sa amin kung bakit nagawa niya kaming talikuran noon.

“What happened?” tanong ko kahit alam kong hindi niya pa rin sasabihin kung anong nangyari noon. “You used to be my protector, my comforter, my cousin. But what happened?”

I didn't expect that he'll answer my questions.

“Tragedy happened,” bulong niya sa kawalan. “And if I'll tell you, I might end up losing you— totally. You might end up hating me big time, and I don't want it to happen.

“What happened?” I asked.

Last question. Kung hindi niya kayang sagutin, then I have no choice but to leave.

I'm tired.

Bumunot siya ng malalim na hinga bago nagsalita.

“It was not an accident, Trish. Hindi aksidenteng namatay ang mga magulang mo,” nanginginig niyang sabi.

Nang banggitin niya ang pagkamatay ng mga magulang ko, tila nagbalik lahat ng masasakit na alaala sa akin. It was August ten. How can I forget that date? It's my birth date. And the same date with my parents' death anniversary!

August ten.

Nanatili akong tahimik at hinintay ang susunod niyang sasabihin kahit pinagpawisan na ang mga kamay ko at nanginginig na buo kong katawan.

“They was intentionally killed by... My parents, tita Estella, and tito Ryan.”

Suddenly a tear fell from my eye.

Ramdam ko ang mas lalong panginginig ng buo kong latawan at patuloy na pagdaloy ng aking mga luha.

“I'm so sorry, Trish. Kung alam ko lang ang binabalak nila noon, pipigilan ko sila. Pero huli na nang malaman ko. They're already gone. Sinubukan kong puntahan kayo sa bahay ninyo pero pinagbantaan nila ako. Na kapag malaman nilang lalapit o tutulungan ko kayo, isusunod nila kayo. And I can't afford to lose you both! Hindi ko kakayanin kung pati kayo madaday sa kahangalan nila. Hindi ako papayag. Kasi sobrang mahalaga kayo sa akin.”

Nakita kong pinunasan madali niyang pinunasan ang luha niya.

“Wala akong ibang magawa noon kundi sundin anuman ang sinasabi nila. Noong tuluyan na akong magkaroon ng trabaho, hindi na ako nagdadalawang isip na tulungan kayo kahit sa maliit na bagay man lang. Alam kong hindi mababayaran ng salapi ang hirap na nararamdaman ninyo, pero sana, hayaan n'yo akong palihim kayong tutulungan. Kahit sa pamamagitan man lang ng pere.”

Tuluyan na akong napahagulgol.

This is too much!

They're cruel!

Mga hayop! Wala silang awa. Mga walang kaluluwa.

Sobra-sobra na 'to. Paano nila ito magawa sa sarili nilang kapatid?

Tuluyan na nga silang nabulag dahil sa pera.

“I'm so sorry, Trish. Alam kong paulit-ulit, pero sorry talaga. Sorry kung wala akong nagawa noon. Kung sana nalaman ko lang ang binabalak nila, nandito pa sana ang mga mgulang niya, hindi na sana kayo naghirap, hindi na sana kayo nasaktan, at hindi ka na sana nagkaganyan— unti-unting nagiging bato.”

All this time, kasinungalingan na naman pala lahat.

Nabuhay na naman ako sa paniniwalang aksidente ang lahat. At parang sa isang saglit lang, tuluyang sumabog ang bomba at nagising ako sa katutuhanan na kasinungalingan na naman.

This is bllsht.

“Wala na bang mas masakit pa? Gusto ko pa ng mas masakit pa rito! Ano? Sabihin mo na ang lahat ng nalalaman mo, Erick! Kulang pa 'tong sakit na nararamdaman ko ngayon. Kulang na kulang pa 'to. Sige pa, saktan n'yo pa ako. Wala akong nararamdaman! Ano? Sige pa!”

Wala akong nararamdaman kahit ano maliban sa panginginig ng buo kong pagkatao. Para akong niyayanig ng lindol habang patuloy na umaagos ang mga luha.

Patuloy ako sa pagsisigaw. Maski ang pagsigaw hindi ko na makokontrol. Hindi ko na naiintihan ang pinaggagawa ng katawan ko.

Nawawala na ako sarili ko. Hindi ko na maramdaman ang saril ko.

“Please tumigil ka na, please. Please, Trish. Stop it. Stop.”

Naramdaman ko nalang ang mga braso na nakayakap sa akin habang patuloy pa rin ako sa pagwawala.

“Trish, stop it, please,” dinig kong bulong niya gamit ang gumagaralgal na boses at mas lalo pang hinigpitan ang yakap niya.

Unti-unti akong nanghina at pahina rin ng pahina ang hikbi ko habang sa tuluyan ng nanlambot ang mga tuhod ko.

Patuloy niya pa rin akong niyayakap habang tumutulo pa rin ang aking mga luha.

“Gusto ko ng mamatay,” mahina kong sabi gamit ang natitira kong lakas.

Umiikot ang nasa paligid ko. Para akong tinatangay ng hangin. Nawawalan na ako ng lakas.

At hanggang sa unti-unti na akong nawalan ng malay.

“Shh, everything will be fine soon,”dinig kong sabi ng isang lalaki.

Mapakla lang akong ngumiti bago tuluyang nawalan ng malay.

Latecomer Where stories live. Discover now