a bad day

310 8 5
                                    

edited

-

Wonwoo sighed as he went outside his building. Umuulan na naman.

Wala kasi siyang dala na payong, minsan kung kelan dadalhin niya ito ay sobrang maaraw naman. Kailangan niya tuloy tumakbo at gawing silong ang backpack niya. Malayo-layo pa kasi ang stasyon ng tren na sasakyan niya pauwi sa bahay nila ng kaniyang pamilya.

Nagdo-dorm siya dahil nga may kalayuan ang totoong bahay niya sa pinapasukan niyang university. May kaya naman ang pamilya niya. Tuwing biyernes naman, pagkatapos ng klase niya ay umuuwi siya doon at babalik sa dorm ng linggo. Kailangan niya rin ng time para sa pamilya niya, hindi yung puro aral na lang siya.

Napagod na sa pagtakbo si Wonwoo kaya tumigil muna siya sa isang convenience store. Pumunta agad siya sa bahagi ng cs kung saan nakalagay ang mga payong. Aba, kapag minamalas ka naman talaga oh.

Wala ng mga payong na nakalagay doon. Ubos na. Ang galing diba? Siguro lahat ng tao walang payong ngayong araw kaya naisipan nilang pakyawin yung payong sa cs.

Napa-buntong hininga nalang si Wonwoo at lumabas na ng convenience store. Tumakbo na ulit siya dahil baka mamiss na niya ang huling tren. Mag-hating gabi na nga pala.

Halos wala ng tao nang dumating siya doon, siguro dahil last trip na nga ng tren. Dumerecho naman agad siya sa ticketing booth.

"Miss, isang Magallanes nga."

"Sige po. Eto na kuya oh. Dalian niyo na baka mahuli na kayo!!!"

Tinap na niya ang ticket niya sa machine. Pero, kung minamalas ka nga naman talaga oh....

Ayaw gumana nung ticket.

Saktong nandun na rin ang tren kaya nagmadali na siya at bumalik sa bilihan ng ticket.

"Miss! Ayaw gumana!"

"Hala sir!!! Eto oh papalitan ko nalang"

Itatap na sana niya ang ticket niya pero...

Umalis na yung huling tren.

Bumuntong-hininga muli si Wonwoo. putanginang araw 'to.

Kitang-kita sa mukha ni Wonwoo na stressed siya. Umupo nalang siya sa isang bench at hihintayin na lang rin niya ang unang trip ng tren bukas.

Umupo lang siya doon nang biglang....

"HALA WALA NA SARADO NA HUHU ANO BA YAN BAKIT NAMAN GANITO BAKIT BA ANG MALAS MALAS NG BUHAY KO"

He looked at where the voice was coming from, and it was from a tall man, medyo tan ang skin color at medyo maskulado din.

Napatingin si Wonwoo sa mukha nito, ang gwapo niya. sabi nito sa kaniyang isip.

Nakita naman siya ng lalaki at lumapit ito sakanya, "Kuya nahuli ka rin ba sa tren? huhu"

"Oo eh. Pero oks lang, hintayin ko nalang yung unang trip bukas"

"Hala sasamahan na kita! Kailangan ko rin umuwi talaga kundi lagot ako sa nanay ko"

"Oh sige haha, ano nga pala pangalan mo?"

"Kim Mingyu!" pagkatapos ay ngumiti ito.

Di alam ni Wonwoo kung bakit pero parang may something sa ngiti at mga mata nito na nagpapatibok ng puso niya.

Love at first sight? hmmm.

Umupo na si Mingyu sa tabi niya. Nakatingin parin ito sakanya.

Napaisip naman si Wonwoo, I guess it wasn't a bad day after all.

-

hsjshshsh one shot lang dapat to kaso napicture ko yung buong plot hahaha kaya yes, new short story.

kung may magbabasa man nito, thank you in advance!

a bad day. | meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon