001

144 7 1
                                    

di ako makatulog kaya maguupdate ako. time check: 1:37am huhu tapos kailangan ko pa pumunta ng school mamaya hdjdbdhshs tho wala pa naman ako pasok us2 ko lang magpakaearly-bird (lol kala mo naman talaga magpapasa lang ng form 137 eh)

-
< WW's >

Its been like 2 days since I last talked to the guy at the train station. Nakakatawa siya, and ang dami niyang kwento ng mga kagaguhan niya. Gwapo pa. I'll admit, I have a crush on him. Slight lang naman. Happy crush ganon.

Nung gabing 'yon, ang dami naming napagusapan. Akalain mo 'yun, ang dami pala naming mutual friends. Pero, bakit hindi pa kami nagkita kahit once lang?

Edi sana mas maaga ko siyang naging crush. Joke.

Dito lang ako sa dorm ngayong araw. Kakatapos lang ng morning classes ko and wala na akong klase after 10am kaya naisipan kong magpahinga na lang dito sa dorm. Niyaya naman ako nila Junhui lumabas mamaya, kaya hindi ako mabuburyo dito at magpapaka-lonely.

Nagluto na ako ng lunch ko. Yung di-microwave lang. Di kasi ako magaling magluto. Ewan ko ba kung paano ako nakakaraos sa buhay ko eh ang dependent ko sa ibang tao.

Kumain na ako at nagpahinga nalang. Mamaya pa naman kami lalabas, mga 4 pa. Gustong manood ng sine ng mga mokong, eh minsan lang kaya pinagbigyan ko na. And matagal-tagal din kaming hindi nagbonding dahil busy kaming lahat.

Nags-scroll lang ako sa news feed ko sa fb, nanood ng mga viral videos at kung ano-ano pa.

Nagmumuni-muni lang ako habang nakatingin sa dingding nang biglang nagvibrate ang phone ko.

My jaw automatically dropped after receiving the notification.

Kim Mingyu added you on Messenger.

Lord. Kunin niyo na po ako. Joke ayoko pa magiging Mayor pa ako ng Maynila.

Tinitigan ko lang iyon for 5 minutes. Nag-iisip pa kasi ako kung ano gagawin ko.

May 2 options ako: a.) i-view nalang para di na mahirapan and b.) wag mo i-view, magpabebe ka para kulitin ka

Habang namimili ako sa options ko, na-click ko accidentally yung notif. Putang— ayoko na.

Binasa ko nalang yung message niya.

Mingyu: Hi Wonwoo hyung!

Mingyu: Gusto mo sabay na tayo pumunta kila Junhui? Kasama din kasi ako sa gala niyo. Sorry na nasira pa namin ni Seokmin yung bonding niyo hahaha mapilit kasi si Soonyoung eh :)

Mingyu: Nasa tapat lang ako ng faculty of arts and letters building. yung coffee shop don.

Mingyu: See you!! :)

Accept request? Yes No

Gago.

Totoo ba 'to.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Bakit ka ganyan, Crush????

Nagreply naman agad ako.

You: Hahahaha ok lang, see you din. :)

Is this the start of something new?

-

hehe

a bad day. | meanieWhere stories live. Discover now