CHAPTER 2

291 66 26
                                    

I looked around to find a seat nung lumabas kami sa canteen pero mukhang tatayo ata akong kakain ngayon. Do I really need to eat this here? Nakakahiya.

"Nahihiya ka kumain dito? Tara doon tayo sa batibot. Doon na lang natin ipagpatuloy 'yong pinaguusapan natin." Aya niyang sabi sa akin.

"Anong gusto mo? Toge o hotcake?" Tanong niya sa akin at itinuro ko yung hotcake. Hindi pa ako nakakain ng simpleng luto gaya nito. Usually, I put pancakes with whipped cream, strawberry and chocolate syrup on top. Not just like this na margarine and sugar lang ang nakalagay.

Infairness mukhang dugyot yung food but it tastes good.

"Gusto kasi ng mga magulang ko na maranasan ko yung ganitong klaseng buhay. Simple lang. Masyado raw kasi akong i-spoiled so I need to learn from it. Wala naman akong magawa, kaysa bawasan nila ang allowance ko." Iritableng sabi ko sa kanya sabay kagat sa toge na hawak-hawak ko.

"Alam mo, tama naman talaga ang mga magulang mo. Kailangan mo rin maranasan yung buhay na hindi marangya. Sa tutuusin, mas mare-realize mo yung buhay mo dahil mas na-appreciate mo yung mga bagay na wala ka." Paliwanag ni Olivia sa akin dahilan para sumang ayon ako sa kanya.

"Siguro masaya rin maging mayaman? Kasi lahat nakukuha mo sa isang sabi mo lang. Kapag nagugutom ka, madali lang kasi magsasabi ka lang." Nag niningning ang mga mata niya ng sabihin niya sa akin 'yon ngunit napalitan ng lungkot ang mukha niya. "Sana maranasan ko rin 'yon no? Pangarap kong maging mayaman kahit isang araw lang." Pilit siyang ngumiti.

"What if after assessment labas tayo? Don't worry about the expenses." Napayakap siya sa akin. Napangiti ako ng bahagya dahil sa ginawa niya.

"Sabi mo yan ah?" She smiled like she's on cloud nine.

"Why is it called a batibot? After all, it's just a tree with those broken benches around it." Iniba ko ang usapan dahil nainis ako ng maalala ko na naman ang sinabi ng nanay ko sa akin. "By the way, ako nga pala si Nalu Coleis." I extend my hand out to her. "And, baka sabihin mo masungit ako just what you've mentioned a while ago." Dagdag ko.

Olivia and I headed to our room to complete our assessment after finishing our snacks.

I opened my clutch case and took out the limited edition pencil that was worth a million.

Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita niya ang gagamitin kong pencil sa exam.

"Ano 'yan?" She whispered.

"Pencil." Mahinang tugon ko sa kanya. "Mongol number 2 pencil ang dapat gamitin."

Excuse me, what the hell! Seryoso ba siya roon?

Hindi ako mapakali dahil mali raw ang dala kong pencil sabi ni Olivia. "Mukha ba 'yang pencil?" Nagtataka niyang tanong sa akin.

"Olivia." Mahina kong tawag sa kanya. "Do you have a spare? May I borrow it if it's okay with you?" dagdag ko.

"Dapat pala bumili na tayo kanina. Pero ito oh, gamitin mo na nakatasa na rin 'yan." Iniabot niya sa akin ang pencil at bumalik ulit siya sa pag sagot sa kanyang papel.

Tinaasan na nga kami ng kilay nung proctor. Malay ko bang ganitong klase na pencil ang kailangan. Tsaka ang mahal pa naman nung dinala ko tapos di ko lang magagamit.

As I sat down to begin the assessment, I noticed some of my peers exchanging glances with each other, their eyes furtively scanning the room. I couldn't help but shake my head at their blatant disregard for the rules.

"First and foremost, hindi mo magagamit dito ang pagiging mayaman mo. Matuto kang lumugar at umayon sa nakapaligid sayo. Hindi kami ang mag a-adjust para sayo." Sabi nung proctor sa akin. Papalapit na siya at hinablot niya ang mamahaling pencil kong iyon.

I felt a surge of anger and frustration bubbling within me, threatening to consume me.

"Pero, Ma'am. Alam niyo naman pong bago ako rito. Besides, wala naman pong nakalagay sa guidelines niyo kung anong dapat dalhin sa assessment day." Paliwanag ko sa proctor namin. Sinamaan niya ako ng tingin at lumapit siya sa mukha ko. "Iyan ang mahirap sa gaya mong mayaman, wala kang alam." Panlalait na sabi niya sa akin.

Hoy! Pati kaluluwa mo kaya kong bilihin. Mayaman ako pero ginagamit ko naman utak ko sa tama. Nasa posisyon ka nga pero utak mo may sipon! Gago.

Napayuko na lang si Olivia dahil sa eksenang 'yon. Nahihiya na rin ako dahil ako ang sentro ng kahihiyan ngayon. Halos lamunin na ako ng lupa sa kinauupuan ko. "Ibalik mo na yang pencil ng kaibigan mo. Bumili ka roon sa labas. Hindi ko hahayaan na ganyan ang attitude mo."

As I abruptly rose from my seat, my gaze fell upon Olivia, whose silence in my defense against the proctor's accusation left me utterly bewildered. Unjustly, I had been evicted from the assessment room all because of a mere pencil. The proctor's arbitrary decision had left me perplexed and deeply frustrated. What made this particular pencil so different from countless others?

May araw ka sa akin! Don't you ever dare to talk to me like that, bitch.

Terminal SeductionWhere stories live. Discover now