Chapter 1

26 1 1
                                    

"Anak, hindi ka ba talaga sasama sakin?" Tanong sakin ni nanay.

Pupunta daw siya sa kapitbahay namin para maglabada. Gusto niya sumama ako sa kanya dahil madami-dami daw yung lalabhan niya at niyaya niya akong tumulong.

"Pumunta ka mag-isa, ang gawain ng isang tulad ko ay mag-aral hindi mag hanapbuhay" seryoso kong tugon sa kanya.

Nanunood lang ako ngayon ng basketball sa tv kasi wala akong magawa dito sa bahay. Kung nag-aaral pa sana ako, sana may saysay 'tong buhay ko.
Hindi na ako nakapag-college nung namatay si tatay. Hindi sana ganito ang buhay ko. Hindi sana ako ganito.

Sabi nila, naging malala daw ako. Kahit yung mga kapitbahay namin hindi na ako matiis dahil sa sobrang kamalditahan ko.

Marami ng humuhusga sa akin, kaya daw nagkadeleche-leche yung buhay ko dahil sa kamalditahan ko. Hindi ko na lang sila pinapansin, sino ba sila para pagsayangan ko ng oras?

Ako kasi yung tao na walang pakialam sa mga bagay-bagay sa paligid ko. Sadyang si tatay lang ang pinapahalagahan ko pero ngayon wala na siya kaya napuno ng galit ang puso ko.

Siya lang kasi ang nakakita nang halaga ko.

"Alam mo naman anak na wala tayong naitabing pera para sa pag-aaral mo" mahinahong sabi ni nanay.

Problema ko ba 'yon? Dapat siya ang gumagawa ng paraan dahil ina siya.

"Sana hindi nalang si tatay yung namatay" iritadong sabi ko sabay pasok sa kwarto ko.

Nakakainis lang dahil wala siyang magawa para makapag-aral ako.

Ganito ang palaging naging eksena ng buong araw ko. Gumigising tas kain, nuod sa tv tas matulog.

Hindi ko gusto gumawa ng gawaing bahay dahil wala akong alam. Kasi nung nabubuhay pa si tatay ay hindi niya gusto mapagod ako dahil gusto niyang pagtuonan ko ng pansin ang pag-aaral ko kaya siya na lahat gumagawa ng bagay dito sa bahay. Tinatrato niya ako bilang isang prinsesa niya at siya yung prinsipe ko. Siya ang naging mundo ko.

Ayaw kung lumabas ng bahay dahil naiinggit ako sa mga katulad ko dito na nag-aaral. Bakit sila nakapag-aral kahit mahirap lang din sila? Wala kasing matinong nagawa ang nanay ko, nakakainis!

Gabi na ng dumating si nanay. May dala siyang damit, baka tatahiin niya 'yon. Tumatanggap kasi siya ng tahiin at marami pang iba.

"Anak, kumain ka na ba?" Tanong ni nanay, parang pagod na pagod siya pero hindi niya pinapakita. Dapat lang noh! Nang dahil sa kanya, nawala lahat sakin! Yung nag-iisang taong pinakamahalaga sa akin.

"Anong kakainin ko eh wala namang ulam" naiinis kong sabi sa kanya dahil gutom na ako. Pumunta ako sa kanya at bigla kong inagaw ang dala niyang ulam.

"Kain kana, pasensiya na kung 'yan lang ang nabili ko para sayo" nahihiyang sabi niya.

"Wala namang bago" sarkastiko kong sagot at saka kumain na.

"Anak parang magkakasakit ako, ang sakit ng katawan ko eh" sabi niya. Pakialam ko? Tsk.

"Eh ano ngayon?" Walang ganang tugon ko sa kanya.

"Pwede bang bilhan mo ako ng gamot para mawala nato bukas, may natitira pa kasing mga damit na hindi nalabhan" mahinahong sabi niya.

Ang lakas niyang mang-utos, akala mo kong sino. Baka hindi niya alam na hindi ako utusan!

"Ayoko. Maaga akong matutulog ngayon dahil may lakad ako bukas at para malaman mo na hindi mo ako maid para utusan" tumayo ako at nilagay ang plato sa lababo.

Napagtanto ko kanina na pupuntahan ko yung baklang kaibigan ko para magtanong kung may alam siyang pwede kung mapapasukan dahil mag-iipon ako para sa pag-aaral ko. Alam kung hindi ako sanay magtrabaho pero handa akong matuto at tsaka madali lang naman akong turuan.

Isang buwan na lang kasi pasukan na naman ulit at ayaw kung dumaan na naman ang isang taon na hindi ako nag-aral.

Pinangako ko kasi kay tatay noon na magtatapos ako ng pag-aaral at tatayuan siya ng isang malaking bahay at restaurant. Kaya hindi ko ipapako ang pangako ko kay tatay kahit wala na siya.

Kung alam mo lang tay, na ikaw ang dahilan kung bakit parin ako nabubuhay.

Naiinip na rin kasi ako dito sa bahay, wala akong magawa at alam kung wala ring magagawa ang ina ko para makapag-aral ako.

"Saan ka naman pupunta bukas? Nag-aalalang tanong niya.

"Bakit ka ba laging nangingi-alam?" 

Hindi ko naman siya pinakiki-alaman. Kahit kailan talaga wala siyang matinong nagawa, akala mo imbestigador kung makapagtanong. Alam ko namang wala talaga siyang paki sa akin.

"Nagtatanong lang naman ako anak para malaman ko kung saan ka pupunta" tumayo siya at lumapit ng bahagya sa akin.

"Kahit kailan talaga sakit ka sa ulo! Magtatrabaho ako. Okay na? May iba ka pang tanong?" Sarkastiko kong sagot.

Parang naguguluhan siya. "Magtatrabaho? Bakit?"

"Ang daming tanong!" Iritadong sabi ko at tumalikod na.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng magsalita siya ulit. "Hangang kailan ka ba ganito? Kunting respeto naman oh" naiiyak niyang sabi.

Sobrang drama niya, papasa na siguro siya sa star hunt.

Huminto ako at hindi nagsalita pero agad siyang nagsalita muli. "Kailan mo ba ako mapapatawad? Hindi ka ba nahihirapan na palagi nalang tayong ganito?"

Humarap ako sa kanya at tinitigan ang kanyang mata. Kapag tinitigan ko talaga siya, napupuno ng galit ang puso ko.

"Gusto mo malaman ang sagot?" Tanong ko sa kanya pero hindi siya nagsalita.

Nakikita kong namumuo na ang mga luha sa mata niya. "Nahihirapan na akong pakitunguhan ka. Alam mo kong bakit? Dahil kapag nakikita kita, naaalala ko kung paano namatay sa harap ko si tatay dahil sayo kaya hinding hindi kita mapapatawad." Galit kong sabi sa kanya.

"Hindi mo ba nakikita na pinagsisihan ko na lahat ng ginawa ko kaya nga nandito ako ngayon para sayo" naiiyak na siya.

"Maibabalik ba ng sisi mo si tatay? Hindi diba!?" Sobrang galit ko na. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko kapag si tatay yung pinag-uusapan.

Napahagulgol siya, alam kung nasasaktan siya sa mga sinasabi ko at wala akong pakialam 'don. Kulang pa nga 'tong ginagawa ko para pagbayaran niya yung ginawa niya sa amin ni tatay!

"Alam mo kung anong pinagsisihan ko? Yung ikaw ang naging ina ko!"

Agad niya akong sinampal kaya napahawak ako sa pisngi ko. Galit akong tumingin sa kanya at nakita ko kung paano niya pinagsisihan ang ginawa niyang pagsampal sakin.

"Anak, patawa--" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil lumabas na ako ng bahay.

Anong karapatan niyang saktan ako!?

Dinala ako ng mga paa ko sa simbahan. Malapit lang kasi yung bahay namin dito. Napaupo ako sa harap mismo ng pintuan. Sirado na kasi dahil gabi na.

Pag-upo ko, bumuhos lahat ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Hindi niya alam kung paano ako nagdusa ng namatay mismo sa harap ko si tatay. Hindi niya alam yung pinagdaanan ko nung namatay yung kaisa-isang taong pinakamamahal ko! 

○●

Hi po! Thank you for stopping by and reading this story. Sana po subaybayan niyo 'to hihi. Wait for my next update, tomorrow. Mwa.

BlindnessWhere stories live. Discover now