Chapter 4

8 0 0
                                    

Ang sarap pala sa pakiramdam na may kayakap muli pero may sakit rin palang dala sa 'kin.

Ang huli ko kasing kayakap nun ay si tatay at 'yon rin ang huling araw na nakasama ko siya. Parang kailan lang 'yon nangyari, ang sakit parin pala.

Bumitaw na siya sa pagkakayakap niya sakin. Ngumiti siya. "Salamat ate ha?"

"Para saan?" Naguguluhang tanong ko.

"Kasi nandito po kayo at pinakingan niyo po ako" mangiyak-ngiyak niyang sambit.

"Ano ka ba. Maliit na bagay lang 'to"

"Akala ko po kasi wala kayong pakialam sa nararamdaman ng iba pero mali pala ako" hinawakan niya yung kamay ko.

Agad tumaas ang balahibo ko dahil sa ginawa niya. Tomboy ba siya? Agad naman niyang binitawan dahil nakita niyang nagulat ako.

Ngumiti siya at nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako sa kanya dahil gabi narin kasi.

Pagdating ko sa bahay naabutan ko si nanay na kumakain.

"Anak, may ulam dito" masayang tugon niya sakin.

"Hindi ko tinatanong" walang emosyong sagot ko sabay pasok sa kwarto ko.

Pagdating ko sa kwarto ay agad kung kinuha yung business card na bigay sakin ni Maria para tawagan yung tuturuan ko.

Agad naman itong sumagot. "Hi good evening. Who's this?"

Boses ng isang matanda at sobrang seryoso ng boses nito

"Ahm good evening rin po. Ako po si Louise Garcia" nauutal kong sagot.

"Okay, how may I help you?" tanong nung nasa kabilang linya.

"Ahmm..naghahanap po ba kayo ng tutor? Gusto ko po sanang mag-apply" diretsong sagot ko.

"Ah yeah. Ite-text ko sayo kung kailan ka pupunta dito sa bahay and by the way you're hire" seryoso parin niyang sabi.

Nagulat ako. Hire? Agad-agad? Parang nagdadalawang-isip akong ituloy 'to. Baka--ah bahala na, kaya ko ang sarili ko.

"Sa-salamat po"

Pagkatapos naming mag-usap, agad akong natulog kasi pakiramdam ko ang sama ng pakiramdam ko.

Umaga na at babangon na sana ako pero agad akong napahiga ulit. Bakit ang sakit ng katawan ko?

"Anak 'wag ka munang babangon. May lagnat ka" nag-aalalang tugon ni nanay.

May sakit ako? Pero bakit? Kung minamalas ka nga naman oh!

"Gusto mo bang kumain?"

Hindi ako sumagot dahil wala akong ganang magsalita. Pinikit ko muli yung mga mata ko at tumalikod ng pahiga sa kanya.

"Magpahinga ka na muna anak. Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako" hinalikan niya yung buhok ko.

Nakaramdam ako ng sakit. Bakit nagawa niya parin akong alagaan kahit ang sama ko sa kanya? Bakit nandito parin siya kahit palagi ko na siyang tinataboy?

Parang nakokonsensiya na ako sa mga ginagawa ko sa kanya--hindi! Hindi pwede!

Imumulat ko na sana yung mga mata ko nang maabutan kong umupo si nanay sa higaan ko.

"Alam mo anak kung anong pinagsisihan ko? Yung iniwan ko kayo ng ama mo" panimula niya.

"Pero kailangan ko kasi talagang umalis nun dahil may nangangailangan sa akin"

BlindnessWhere stories live. Discover now