Chapter 5

10 1 0
                                    

Pagkatapos naming mag-usap ni Loisa ay umuwi na ako. Kumain ako kaagad at agad pumasok sa kwarto para matulog dahil maaga ako bukas. Bukas na kasi ako pinapapunta nung tuturuan ko.

Nagising na ako at agad naligo at kumain. Kailangan kong maagang dumating dun dahil first day ko pa lang. Baka kung anong sabihin nung seryosong matandang kausap ko kahapon.

Tiningnan ko yung address nila at nahanap ko naman kaagad. Nag doorbell ako at naghintay ng ilang minuto para pagbuksan ako.

Ang laki ng bahay nila. Sobrang yaman pala ng tuturuan ko. Bakit hindi sila kumuha ng private tutor? Eh kaya naman nilang bayaran 'yon? Baka may sira sa ulo yung tuturuan ko.

"Ah good morning po, ako po si Louise Garcia" sabi ko kay manong guard.

"Oh hija, ikaw ba yung nag-aapply bilang tutor?" Nakangiting sabi ni manong guard at tumango naman ako kaya pinapasok na niya ako sa bahay.

Natulala ako dahil sa ganda ng bahay nila. White and black ang motif. Sobrang yaman siguro nila.

May bumati kaagad sa akin na isang matandang lalaki. Parang nasa 50's na siguro siya. Pero sobrang gwapo parin niya. Siguro nung kabataan nito, habulin ng mga babae. Suwerte nang napangasawa niya.

"Hi Miss Garcia, I'm Edward Collins" nakangiti niyang bungad sakin.

"Ah hello po, magandang araw" agad ko namang sagot.

May inabot siyang maliit na sobre sa 'kin. "Para saan po 'to?" Naguguluhang tanong ko.

"That will be your salary"

Bakit ang aga naman?

"I just need to give that to you now because I will not be here in the next couple of days or maybe months"

Ah kaya pala dahil sobrang busy ni tandang gwapo.

"Salamat po" ngumiti ako sa kanya.

"Don't mention it"

Englishero si tanda baka ma nose-bleed ako nito, delikado.

"By the way, you will be tutoring my son"

Son?

"He's in his room right now, and you can now go there" sabi niya sakin at agad niyang tinawag yung kasambahay nila para ihatid ako.

Bakit kailangang sa kwarto pa ng anak niya? Baka kung anong gawin nun! Ang assuming ko naman tsk.

Focus Louise, focus.

"Sir Jack, nandito na po yung tutor niyo" tawag nung kasambahay nila sa amo niya.

So Jack pala ang pangalan ng tuturuan ko? Nice name.

"Come in" maikling sabi nung lalaki, si Jack pala.

Mukhang masungit siya, baka hindi kami magkakasundo nito.

Pagpasok ko sa kwarto niya, ang dilim ng buong kapaligiran. Tanging liwanag lang ng tv ang nagbibigay ilaw.

"Please turn on the lights" seryoso niyang tugon.

Ang lakas ng loob utusan ako ah? Parang nababad trip na ako.

Binuksan ko na yung ilaw at nakita ko siya na nakahiga sa kama niya at naglalaro ng ps4 at naka boxer lang kaya agad akong napasigaw.

Nagulat naman siya sa ginawa ko. "Why?" Naguguluhang tanong niya.

"Pu-pwede bang magsuot ka ng da-damit"

Bakit ako nauutal!?

Agad naman siyang nagbihis. Mabuti na lang dahil masunurin siyang tao.

"Did you already accept your salary?" Seryoso niyang tanong.

BlindnessWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu