Desire 2

10.2K 233 9
                                    

"Roux, almost 7 years na si Lux pa din?" Kausap ko ngayon si Ziti na kauuwi lang galing sa charity event na inattendan nito. Bestfriend ni Kuya Sevan si Ziti at kapag wala ang Kuya Sevan ay ito ang laging nandiyan sa tabi niya. Sinasabihan niya ito ng mga sikreto niya sa buhay. Tinuturing din niyang best friend ito.

"Zi, ang hirap e." Sabi ko dito sabay higop sa inorder kong milktea.

"Ewan ko ba sa'yo Roux. You've seen Lux making out with other girl pero ito ka pa rin deads na deads sa kaniya." Prangka nitong sabi sakin. Bakit nga ba kasi patay na patay pa rin ako sa kaniya kahit masakit?

"Zi, alam mo naman na siya talaga ang first love ko di ba? Ikaw ba Zi hindi mo ba namimiss si—-" Hindi na ako pinatapos nito ng sasabihin at pinalsakan ako nito ng kinakain niyang garlic bread.

"Don't start Roux. Ayokong marinig ang name niya. He just ruined—ugh! Basta!" Irita na sabi nito at gigil na kinain ang pabirito nitong pasta. Natatawa na lang ako sa reaksyon nito.

"Fine, but kinakamusta ka niya sa akin." Pangaasar ko dito.

"Well, I don't care Roux pakisabi." Natatawa ako ng umirap pa talaga ito.

"Well, I care." Napalingon naman kami mula sa baritonong boses at hindi ko maipaliwanag ang magiging reaksyon ko na nagmistulang labanos ang mukha ni Ziti.

"Kuya Thay." Bati ko dito sa pagkakaalam ko dapat kasama nito si Lux at iba pang modelo mamasyal kasi dapat ang mga ito.

"Hey there princess and munch—" Hindi natuloy ni Kuya Thayer ang pagbati niya ng tumayo si Ziti.

"Roux, gotta go na. I just feel suffocated na." Sabi nito at umakto pang pinapaypayan ang sarili narinig ko naman ang pagtawa ni Kuya Thayer.

"You just can't handle the hotness." Sagot ni Kuya at nakita ko ang pagirap ni Ziti dito.

"I can't connect the dots may hangin atang nagsalita. Anyways, Bye Roux." Pamamaalam nito sa akin at nagmadali nang umalis sa Restaurant.

"So—what was that Kuya?" Tanong niya agad sa kapatid.

"I just love I mean like teasing her." Presko nitong sabi at naupo sa pwesto ni Ziti kanina.

"Ewan ko ba sa'yo Kuya. Anyways, why are you here?" Tanong niya sa kapatid.

"Just strolling around." Cool na sagot nito sa kaniya. Dahil iniwan nga siya ni Ziti ang Kuya Thayer na lang ang kasama niya kumain. Nagkuwentuhan sila at nalaman niya din ang buhay nito ng umalis ito sa Pilipinas.

"Oh—Princess, I have to go but ihatid muna kita." Sabi nito sa kaniya.

"No need na kuya. I can handle myself besides may bibilhin pa ako." Pagpapaliwanag naman niya dito. Pumayag naman ang kapatid sa sinabi niya basta magtexf lang daw siya dito kapag nakauwi na siya.

"Goodbye princess. Make sure to drop a message." Sabi nito sa kaniya at ginulo pa ang buhok niya. Nagmamadali din kasi itong umalis. Ganon ba talaga ang buhay ng mga modelo? Ganon kaya din si Lux?

Napahinga na lang siya ng malalim sa naiisip. Ayaw niyang sumakit ang ulo niya isipin ang nangyayari dito. Mukha din naman seryoso na ito kay Yvoree pero sabi nga kung mahal mo ipaglaban mo di ba.

Naglalakad siya sa mall ng makita niya si Lux at Yvonne sa isang restaurant kaya naman ay agad siya nagtago. Para siyang tanga na nakamasid sa dalawa. Nararamdaman na naman niya ang pamumuo ng luha sa mga mata.

"Ano ba ang meron siya ng wala ako?" Bulong niya sa sarili pero siya na nga ata ang bulag dahil pisikal na kaanyuan pa lang ay walang wala na siya dito. Napagpasyahan niya na din umalis ng hindi na niya makaya ang nakikita.

Carnal Desires 1: Lux ConteWhere stories live. Discover now