Desire 7

11.3K 307 63
                                    

Lux Conte and Bethina Bonelli spotted happily talking in Lova Café weeks after rumoured break up.

Sinarado niya ang tablet ng makita ang isang article mula sa isang sikat na newsmagazine. Ayaw niyang basahin ang article dahil alam niya na magbibigay lang ito ng sari-saring emosyon sa kaniya. Ayaw niya din mastress sa mababasa niya kaya napili na lamang niya magbrowse ng  pictures sa laptop niya.

One month na din niyang dinadala ang bata sa sinapupunan niya pero sabi nga ng mga nakakaalam na buntis siya mukha lang daw siyang busog. Napailing na lang siya sa komento ng mga ito. Tumitingin siya ng pictures mula sa photoshoots ng matigil siya sa isang picture.

"Magiging kamukha ka kaya niya? Sana oo pero huwag kang gagaya sa kanya." Hinawakan niya ang maliit na tiyan habang nakatingin sa picture ni Lux noong nakaraan na photoshoot. Nagtagal siya ng ilang minuto sa picture at napagpasyahan na din na patayin na ang laptop.

"Sweetie, may bisita ka." Sabi nga ng mommy niya na nasa pintuan. Tumayo naman siya sa kinauupuan at bumaba para tignan kung sino ang bisita niya.

"Mommy! Bakit siya nandito?" Mahina pero inis na tanong niya sa nanay niya ng makita niya sa Lux na nasa sala nila. Paano na lang siya makakamove on nito kung nandito ito ngayon at nakaupo sa sala nila at may dala pang bulaklak.

"Anak, gusto lang ni Lux na kausapin ka niya." Mahinahon na saad ni mommy sa akin pero hindi ko ito pinakinggan. Hindi pa siya handang kausapin ito at buti na lamang nakakubli siya sa malaking vase para di siya makita ni Lux.

"Mommy, lahat ng nangyari last week hanggang doon na lang yun.We've already talked at tapos na. Ayoko na. Narinig niyo din naman na hindi niya ako pananagutan." Sabi nga niya sa ina. Nakita naman niya ang paghinga ng malalim ng ina at akma pa nga ito magsasalita ng pigilan niya ito.

"Mommy, please." Mahinahon niyang sabi dito at umalis na nga ang mommy niya at pinuntahan si Lux.

"Ah, Lux hijo. Masama kasi ang pakiramdam ngayon ni Sienna. You know mood swings kapag buntis." Sabi nga ng ina niya kay Lux. nakita naman niya ang dismayadong mukha nito pero agad din naman ngumiti sa ina niya.

"Ganon po ba. Ayos lang po ba siya? May gusto po ba siyang kainin o ano? I've done my research on woman pregnancy po and found out na madalas po sila magcrave." Paliwanag nga ni Lux sa ina. Napataas naman ang kilay niya dito. So-ngayon interested na siya sa pagbubuntis ko?

"Nagawa pa magresearch about sa kabuntisan tapos makikipagusap ng masaya sa syota niya? Manloloko!" Mahina niyang sabi. Napaisip naman siya sa sinabi hindi kaya buntis din si Bethina? Nakaramdam naman siya ng kirot sa kaniyang puso isipin na nabuntisan din nito si Bethina pero agad din naman nawala iyon ng naisip niya ang mga sinabi nito noong sumugod sila ng magulang niya sa bahay ng mga ito.

"Don't worry hijo. Sienna will be alright soon." Sabi nga ng ina kay Lux. Nakikinig pa siya sa usapan ng dalawa ng magvibrate ang phone niya bahagya naman siyang nagulat at pasalamat na lang na nakasilent ang phone niya.

From: Doc Thiago

Hope you're doing fine. Eat fruits and take your vitamins. :)

Kinilig naman siya sa text ni Doc Thiago kaya nawala ang atensyon sa paguusap ng nanay niya at si Lux. Nireplyan agad niya ito at nakita na lang na wala na nga si Lux sa sala.

"Nasaan na siya?" Nakakunot na tanong niya sa ina.

"Hindi ba at sabi mo paalisin ko kaya ayun umalis na si Lux. Ito nga pala pinabibigay niya sa'yo." Iniabot naman ng ina ang isang bouquet ng bulaklak sa kaniya.

Tinignan niya ang bigay nitong bouquet na nakalagay sa bilog na box punong puno ng kulay peach na rosas ang mga ito at may lavender din na bulaklak. Napukaw naman ng isang pamilyar na rosas ang atensyon niya. Kulay peach din ito pero kakaiba talaga ito sa lahat. Nalaman naman niya na isa ito sa mahal na rosas sa mundo. Juliet Rose.

Carnal Desires 1: Lux ConteΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα