Desire 4

9.5K 236 16
                                    

"Sienna!" Napabangon naman ako dahil sa pagtawag sa akin ni mommy. Tinignan ko ang orasan at 11 am na pala. Nagulat ako na tanghali na ako nagising as in literal na tanghali.

Bakit ko ba kasi iniisip yung bonding namin kahapon? Catching up lang naman yun pero bakit iba talaga ang epekto sa akin.

"Sienna!" Sigaw pa ni mommy kaya natigil ako sa pag-iisip. Binuksan ko na nga ang pinto ng kwarto at pinapasok si mommy.

"Buti naman gumising ka na sweetie. Napagiiwanan ka na sa party." Sabi nga ni mommy sa akin.

"Mom, pang-bata lang yung morning session ng party atsaka mamaya pa talaga yung event." Pagpapaalala niya sa ina.

"Sabi ko nga. Oh siya maligo ka na and isuot mo itong damit na binili namin—I mean nabili ko." Sabi ni mommy sa akin at pinakita ang tatlong malaking paperbag.

"Andami naman ata niyan mommy. Aanhin ko yan?" Tanong niya sa ina. Wala naman malakihang okasyon para bilhan siya nito.

"Malamang isusuot mo yan mamaya sweetie sa party. Special mamaya ang event syempre naguwian mga anak ng Tito at Tita mo kaya special. Oh siya balik na ako sa pavillion may gagawin pa kami. Bye." Namaalam na nga si mommy at hinalikan ang pisngi ko.

Binuksan ko ang isang paperbag at naglalaman ito ng kahon ng sapatos binuksan ko na nga ito at nakita ko ang isang magarang sapatos na kulay itim.Tinignan ko ang presyo ng sapatos at nagulat na nga lang kasing presyo na kasi ito ng isang lens ng camera o mas mahal pa nga.

Sunod ko binuksan ang kulay itim na paper bag na may laman na dress. V-neck cut ito na napupuno ng sequin may mesh din ito na tela na pantaklob sa dibdib pero mukhang hindi naman dahil kita din ang dibdib dito. Bigla akong nailang sa dress. Hindi naman kasi ganito ang tipo kong suotin. Siguro ay hahanap na lang ako ng iba na isusuot mamaya.

Nagpunta nga ako sa cabinet at nakita na ni-isang dress ay wala ako. Nagulat naman ako dahil nung isang linggo lang nakita ko na may mga dress dito pero ngayon ay wala na. 7 pm pa naman ang simula ng mismong party kaya may oras pa ako.

"Gotcha!" Kinuha na nga niya ang wallet at tinignan ang credit card. Magbabyahe na lang siguro siya papunta sa mall pero bago muna yan ay maliligo muna siya.

——
"Lux!" Bati sa kaniya ng ina niya na nakita siya. Kakagaling lang kasi niya sa gym kasama ang mga kaibigan.

"Hey, mom!" Bati niya dito. Kakaiba ang kislap ng mata ng mommy niya paniguradong may kailangan ito.

"Spill it mom. Why are you smiling like that?" Tanong niya sa ina na nagbabasa ng magazine.

"Wala lang anak. Proud lang ako na makita ka sa magazine na binabasa ko ang cool lang kasi. Anyways, don't be late mamaya ha. Magtatampo ako sa'yo." Pagpapaalala nga nito sa akin patungkol sa party mamaya.

"Yes, mom. I'll be there. Anyways, nakwento ko sa'yo si Bethina di ba." Sabi niya sa ina bigla naman lumukot ang mukha nito. Nararamdaman niya na kahit hindi pa nga nakikita ng ina ang girlfriend niya ay ayaw na nito dito. Well—wala naman magagawa si Mama dahil mahal ko si Bethina. 

She's the woman for me. Siya yung taong sumuporta sa lahat ng gagawin ko. Lagi siyang nasa tabi ko kapag may problema ako. We started as best buds dahil nagmomodel din siya paminsan-minsan and ayun yung simula ng story namin. I thought I will be stuck in the past pero siya yung tao na nagmulat sa akin na maganda din naman pala ang present. She's also my number 1 fan.

"Oh, yeah. Ano meron sa kaniya?" Sabi nito habang patuloy na nagbabasa sa ng magazine.

"I want you—the family to meet her. She's excited to meet all of you." Kwento niya sa ina pero wala naman siyang nakitang kakaibang emosyon sa mata nito.

Carnal Desires 1: Lux ConteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon