Desire 6

8.9K 232 20
                                    

"What are your plans?" Tanong ni Trevon sa kaniya habang naglalaro ito ng chess at kalaro ang kakambal nitong si Trevion.

"Yeah. Thay is so furious right now. He wants to meet you bud." Sabi pa ni Trevion at sumimsim ng alak. Napabuntong hininga na lang siya at tumingin sa mataas na ceiling.

"I don't know. Things happened so fast and it's a dumb move for me for saying na hindi na lang ituloy ni Sienna ang pagbubuntis niya." Sagot ko sa mga ito. Tinignan ko naman ang mga ito at nakakunot lang ang ulo ng dalawa.

"The heck man! Nasa katinuan ka ba?" Biglang singit ni Leto na kakatapos lang magtreadmill. Umupo ito sa tabi niya at inakbayan siya.

"Hey!" Saway niya dito pero hindi pa rin natanggal ang pagkakaakbay nito sa kaniya.

"Lux, Saying to Sienna na huwag na ituloy yung pagbubuntis is a f*cking dumb move. Women have maternal instinct bud. Hindi pa man buo yung baby niyo may bond na agad sila ng bata. Think about it Lux." Payo sa kaniya ni Leto at nagpunas na ng pawis nito.

"Tama si Leto, Lux. We're here for you no matter what pero hindi ka namin kukonsintihin sa mga mali mong gagawin." Sabi ni Trevon sa akin at inalok ako ng iniinom na beer.

"Lux!" Nagsitinginan naman kami sa galit na galit na si Thayer na papalapit sa akin. Kasunod ito ni Rhyke at Gid para pigilan ito pero wala na ang mga itong nagawa ng tumama ang suntok ni Thayer sa mukha ko.

"F*ck you Lux!" Mura nito sa akin at inambahan pa ako ng suntok nito. Hindi ako nanlalaban sa mga binibigay nitong suntok dahil alam ko na deserve ko ito. I deserve all Thay's punches. I deserve it because sinira ko ang promise ko sa kaniya.

"Thay, Stop it!" Pigil ni Rhyke at hinila na nga ito palayo sa akin.

"Why, Lux? Bakit ang kapatid ko pa? You broke your promise!" Sigaw nito sa akin. Nanatili akong tahimik habang minumura ako ni Thayer. Ang gago ko kasi.

"Ano? Hindi ka makasagot? F*ck!" Sumbat pa nga nito sa akin. Pinapahinahon pa din ito nila Gid pero nanatili itong galit.

"I don't know what really happened Thayer. Pareho kaming biktima ni Sienna dito. Hindi namin alam kung ano ang nangyari ng gabing iyon. If I can turn back time, hinding hindi ko yun gagawin kay Sienna dahil alam mo na mahal ko siya. Alam ko din na kahit mahal ko siya ay hindi pwede dahil nirerespeto ko ang pagkakaibigan natin Thay. I'm sorry dahil nasira ko ang pangakong yun sa'yo." Sabi ko dito. Nanahimik na ito at napaupo na lang din sa floor. Nagulat na lang din ang iba naming mga kaibigan na naroon sa maliit na rest house.

Yes, I love Sienna simula pa noon pero kahit na mahal ko siya bawal dahil nirerespeto ko ang pagkakaibigan namin ni Thayer. He said I can f*ck and love all the girls I want but not Sienna. Not his sister. I respect that at tinry kong kalimutan si Sienna pero kahit na nakilala ko si Bethina at siya na nga ang mahal ko hinding hindi pa rin mawawala si Sienna sa puso ko.

"I guess kailangan niyo muna magusap." Sabi ni Gid at sumangayon naman ang mga kaibigan namin at umalis na ang mga ito.

Namuo ang katahimikan sa loob ng bahay at parehas lang kaming nakatingin sa kawalan ni Thayer.

"Papanagutan mo ba ang kapatid ko?" Sambit ni Thayer sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago siya sagutin. Napagisipan ko na din ito sa lumipas na mga linggo at buo na ang desisyon ko. It's now or never.

"Yes. I'm willing to take the responsibility for what I've done." Sabi ko kay Thayer. Ngumiti naman ito at umiling.

"Are you sure about it? How about Bethina? Does she knows?" Sunod-sunod na tanong nito sa akin.

"I'm really sure about it Thay. Not yet pero sasabihin ko din sa kaniya." Pagpapaliwanag naman nito dito. Sinamaan naman siya nito ng tingin at hinablot ang kuwelyo niya.

Carnal Desires 1: Lux ConteWhere stories live. Discover now