KABANATA 1

32 8 2
                                    


This dorothy character  is not the dorothy you used to know in wizard of oz.

Usually witches are using witch craft and wand. Casting spell or making potion.

But this one is different. Instead of wand and witch craft stuff. They using a rare item called ARMs. So beware of the differences minna!😉

Share ko lang paki niyo ba? Di joke lang hehe


Short story lang talaga 'to promise!





"Dorothy." Tawag kay Dorothy ng kanyang nakakatandang pinuno ng Kaldea.

"Opo."

"Paparating na siya."

"Nararamdaman ko po kagalang galang na pinuno." Seryosong saad niya sa matandang pinuno. Tumanggo naman ito.

"Sana ay makaya mo siyang talunin." Sabi ng pinuno na sa kanyang isip ay nagaalala para sa prinsesa. Nababatid niyang malaki ang mababago pagkatapos ng labang ito sa pagitan ng magkapatid.

"Gagawin ko po lahat ng aking makakaya pinuno." Wika ni Dorothy.

"Nandito na ang mga kalaban!" Sigaw ng isa sa mga kawal ng kastilyo. Humigpit naman ang pagkakuyom ng mga kamao ni Dorothy.

Sa kanyang isip ay kaya na niyang patayin ang traydor na kapatid sa kanilang paghaharap.

"Aalis na po ako." Paalam niya sa kanyang nakakatandang pinuno.

"Magiingat ka Dorothy. Kailangan mong mapatay si Dianna para sa ating kaharian. Huwag kang magtitira ng awa para sa kanya dahil iyon ang magpapahina sa'yo. Tandaan mo. Batas natin ang paiiralin at alam mo na iyon."

"O po pinuno." Magalang na yumukod si Dorothy at nagpaalam.

Ang sinasabi ng kanyang pinuno na batas iyon ay ang parusang kamatayan sa mga taksil na kagaya ni Dianna. Ang kanyang nakakatandang kapatid na nanloob sa sarili nilang palasyo at ninakaw ang mga bukod tanging mga ARMS.

Ang ARMS ay isang uri ng kasangkapan na ginagamit sa katawan ng tao. Gaya ng kwentas, singsing, palawit, pulseras at iba pa. Meron ding mga kasangkapan sa bahay.

Pero hindi sila pangkaraniwang mga palamuti lang at kasangkapan.

Dahil ang karamihan sa mga ARMs ay nagmula sa kaharian ng Kaldea ibig sabihin ay may angking mahika na nakapaloob sa mga iyon.

Meron din silang tinatawag na Guardian ARMs. Ito ang iba't ibang uri ng mga mystical beast na nakapaloob sa mga palawit, pulseras, singsing.

Maswerte ka kung makakuha ka ng bukod tanging ARMs na kun tawagin nila ay rare ARMs.

At ang iba nga sa mga rare ARMs ng palasyo ay ninakaw ng kapatid ni Dorothy na si Dianna at ginamit sa kasamaan.

"Kumusta, mahal bunso kong kapatid? Matagal rin tayong hindi nagkita." Nakangising bungad ni Dianna sa kanyang kapatid na si Dorothy.

Naging alisto naman ang huli lalo pa't maraming mga alagad ang nakapaligid sa kanyang nakakatandang kapatid.


"Anong ginagawa mo rito Dianna? Nagsawa ka naba sa iyong kaharian sa Lavesta?" Nanunuyang balik tanong ni Dorothy dito.

Lalo namang lumapad ang ngisi ni Dianna. "Bakit naman ako magsasawa Dorothy kung nakukuha ko ang lahat lahat." Anito at malademonyong humalakhak. "Narito ako para kunin ang mga natitirang rare ARMs sa secret chamber ng palasyo."

Ngumisi si Dorothy. "Sa tingin mo aking kapatid ay hahayaan kita? Nagkakamali ka." Mariing bigkas ni Dorothy.

"Hindi mo ako mapipigilan Dorothy."

"Tignan natin." Ani Dorothy at itinaas ang kaliwang kamay. "Guardian ARM....Brikin!" Tawag niya sa kanyang Guardian. Nasa palasingsingan nakalagay ang ARM na si Brikin.

Bago paman ang laban nila ni Dianna ay nilagay na ni Dorothy ang mga malalakas niyang ARMs sa battle mood.

At ngayon nga ay nasa harapan na nilang lahat ang Guardian ng lupa. Brikin. Ang pinakamalakas at pinakamalaking rock type  ARMs   ni Dorothy.

"Ako na ang bahala sa aking kapatid. Puntahan niyo na ang secret of chamber ng palasyo! Alam niyo na kung nasaan iyon!" Sigaw ni Dianna sa kanyang mga tauhan. Kailangang makuha niya ang kanyang pakay sa Kaldea!

"Brikin! Huwag mo silang padaanin!" Inutusan naman ni Dorothy ang kanyang Guardian na sugurin ang mga alagad ni Dianna.

Hinding hindi makakapayag si Dorothy na magtagumpay ang kanyang nakakatandang kapatid.

"Masyado ka talagang pakialamera Dorothy." Galit wika ni Dianna. Inuubos talaga ng kanyang kapatid ang natitira niyang pasensya.

"Galit ka na niyan?" Nakangising turan ni Dorothy. "Guardian ARM! Flying Leo!" Tawag pa ulit ni Dorothy ng isa pang Guardian. "Flying Leo. Huwag mong hahayaang makalusot ang mga iyan!" Anito sa kanyang Guardian. Ang Guardian na si Flying Leo ay isang uri ng Lion na may pakpak. Ito ang minsang ginagamit ni Dorothy para lumipad. "Kayo mga kawal! Tulungan niyo sina Brikin at Flying Leo!"

"Masusunod kamahalan!"

"Hindi mo talaga gagawing madali ito para sakin aking kapatid ano?" Wika ni Dianna. Wala na siyang ibang magagawa kung hindi ay ang gumamit ng ibang paraan para mawala sa daraanan niya ang kanyang bunsong kapatid.

"Ha! Ano ka ngayon Dianna? Wala ka nang pagasang makuha ang iba pang mga ARMs na pagaari ng palasyo." Nakangisig saad ni Dorothy. Seryoso lang si Dianna'ng nakatingin sa kanya.

Sa isip ni Dianna ay magsasayang siya ng oras para labanan ang kanyang kapatid kaya gagamit siyang ng ibang paraan.

Inilabas niya ang isang kakaibang ng ARMs na nag uumapaw sa kapangyarihan.

Si Dorothy naman ay kinabahan dahil sa inilabas na ARM ng kanyang kapatid. Ngayon lang niya nakita ang ganoong anyo ng isang ARMs.

"Magpaalam kana sa Kaldea bunso kong kapatid."

"Anong ibig mong sabihin?" Kinakabahang tanong ni Dorothy. Nararamdaman niya ang malakas na aura ng ARM na iyon. Kakaibang kapangyarihan!

"Dimensional ARM. Activate." Bigkas ni Dianna at laking gulat nalang ni Dorothy na bumuka ang isang pintuan sa kanyang paanan.

"Ano...?" Napasigaw nalang siya ng mahulog siya sa lagusan na iyon. "Hindiiiiiiii!"






The Infamous Witch Dorothy (On Hold)Where stories live. Discover now