Kabanata 3

20 2 0
                                    

"Kuyaaaaaa! Help usss!!"  Nagpupumidlas na sigaw ni Azu. Ang panganay sa dalawang magkapatid.

"Kuyaaaa!" Si Aries naman ngayon. Ang bunsong kapatid.

"Tumahimik kayo! Ang iingay niyo!" Sigaw nang mga kidnappers. Gusto na nilang bulusan ang bibig ng dalawang  bata para manahimik na. Kanina pa sila naririndi sa boses ng mga ito.

"Kuya help us!"

"Hoy! Mga tangna niyo! Manahimik kayo kundi papatayin ko na kayo!" Banta ng isa sa mga kidnappers. Lalong natakot ang dalawang bata sa mga ito.

"Ano kaba! Hihingan pa natin ng ransom ang mga iyan. Nagot tayo kay boss nito pagnapano iyan." Ungot ng isang kidnapper. Masyado talagang mainitin ang ulo ng kanyang kasama.

"Eh sa naririndi na ako eh." Anya at binalingan ang dalawang bata na hindi parin tumigil sa pagiyak at pasigaw. "Pasalamat kayo at pakikinabangan pa namin kayo. Kung hindi ay kanina pa namin kayo tinapos!" Inis na dagdag niya.

Sa isip ng dalawang bata naman ay sana dumating na ang kanilang kuya at iligtas sila. Gusto na nilang umuwi sa kanilang bahay.

Nangako din silang magpapakabait na sa kanilang mga yaya. Nangyari kasi sa kanila ito dahil tinakasan nila ang kanilang mga yaya. Naging pasaway sila at hindi nakinig. Ayan tuloy. Nakidnap sila ni Ares.

"Tawagan mo na si boss. Ipaalam mong nakuha na natin ang dalawang bat----"

"Hoy kayo! Anong ginagawa niyo sa mga batang iyan?" Sigaw ni Dorothy ng makalapit sila ni Crazy Kilt.

Nanlaki naman ang mga mata ng dalawang kidnappers sa kanilang nakita.

"N-Nakasakay sa walis at nakalutang sa ere!"

"May kasama pang Chaka doll!" Nahintakutang sigaw ng dalawang kidnappers. Samantalang namangha naman sina Ares at Azu sa nakita.

"Uulitin ko. Anong ginagawa niyo sa mga bata?" Seryosong tanong ni Dorothy na nakababa na sa kanyang walis.

"Dorothy. Baka tinakot nila ang mga bata kaya umiiyak." Singit ni Crazy Kilt.

"S-Sino b-ba kayo?"

"Ako si Crazy Kilt! Kumusta!" Ani Crazy Kilt na sa isang iglap lang ay nasa harapan na ng mga kidnappers. Natarantang lumayo naman ang dalawa dahil natatakot sila sa manikang gawa sa barang na nakalutang sa harapan nila.

"L-Lumayo k-ka samin t-tsaka dal!" Takot na sigaw ng isa sa mga kidnappers.

"Ngayon may dahilan na ako kung bakit ayoko sa mga manika!" Sabi naman ng isa na takot na takot din.

"Tsakadal...tsakadal...tsakadal!" Histerikal na sigaw ni Crazy Kilt at lumingon kay Dorothy. "Dorothy..ano iyong tsakadal?"

Eh? "Aba malay ko! Bakit hindi sila ang tanungin mo." Inis na sabi ni Dorothy at nilapitan ang dalawang batang nakatali.

"Hoy, ano iyong tsakadal? Pagkain ba iyan? Laruan. Aba kung ganon, mahilig si Crazy Kilt diyan. Alam niyo kasi. Minsan lang palabasin si Crazy Kilt ni Dorothy do'n sa mundo ng kawalan. Kaya  nababagot si Crazy Kilt do'n. Marami ring hindi alam si Crazy Kilt----tulad ng tsakadal na sinasabi niyo........"

Kanina pa naririndi ang dalawang kidnappers sa manikang ito. Ni hindi manlang ito tumigil sa pagsasalita. Ang nakakabanas ay mas marindi pa ito sa mga batang dinukot nila.

Mayrong kung ano  sa boses nito na parang sisirain ang kanilang mga tenga.

".......kaya kapag nakalabas si Crazy Kilt sa mundong ibabaw ay agad na maglalaro si Crazy Kilt. Alam niyo bang kapag nasa labas na si Crazy Kilt ay lumalanghap talaga si Crazy Kilt ng sariwang hangin at tumatakbo sa buong kapaligiran......oo ng pala! Marunog din kumanta si Crazy Kilt! Gusto niyo parinig ni Crazy Kilt sa inyo-----"

The Infamous Witch Dorothy (On Hold)Where stories live. Discover now