kabanata 4

6 0 0
                                    

Atem just stared at the woman in front of him.

Sinusuyod din niya ng tingin ang babae mula ulo hanggang paa.

'Damn! She's really weird!' But breathtakingly beautiful...

Hindi niya napansin ito kanina doon sa paaralan. Masyado niyang iniintindi ang kakaibang aura nito kanina at ang buhok at kasuotan.

May babae bang kulay pink ang buhok? Ito lang. May babae bang parang mangkukulam manamit? Ito lang.

"Huwag mo kong tignan ng ganyan. Tusukin ko mata mo eh." Angil ni Dorothy sa antipatikong binata. Mapanghusga kasi ang tinging ipinukol nito sa kanya.

"I just fine you weird that's why I'm looking at you." Ani Atem at ngumisi. Nakabusangot namang inilihis ng dalaga ang paningin sa kanya at bumaling sa kanyang mga kapatid.

"May sayad ba siya? Ba't iba ang lengwahe niya kaysa sa inyo?" Kunot noong tanong ni Dorothy sa dalawang bata.

"Nah. Nageenglish lang ang kuya namin." Ani Azu. At bumaling sa kanyang kuya. "Kuya. Wag po kayong mag english. Di po kayo maintindihan ni Ate Dorothy kasi hindi siya marunong niyan."

"Halata nga." Nakaingos na sabi ng binata. Napairap naman si Dorothy rito. Hambog! Kulamin kita diyan eh!

"Ay kuya. May alam kabang Kaldea?" Singit ni Azu. "Lugar po iyon ni Ate Dorothy. Gusto napo kasi niyang umuwi. Nagtanong siya samin kanina kaya lang wala kaming maisagot kasi wala namang Kaldea sa mapa ng Pilipinas eh." Ani Azu. Gusto lang niyang tulungan na makauwi ang kanyang Ate Dorothy para makabawi man lang silang magkapatid dito.

"Kaldea?" Narinig na iyon ni Atem mula sa babaeng werdo pero  wala talaga siyang alam sa lugar na iyon.

"Aries. May map ka naman sa Philippines hindi ba?"

"Opo kuya Azu. Required naman yun sa history namin eh." Aries said and frown.

"Pahiram. Hahanapin ko lang ang lugar ni ate Dorothy. Baka andiyan lang yan at di natin makita."

"Sige po!" Masiglang ani ni Aries sa kuya nito.

"Ate. Dito kalang po muna ah? Hahanapin lang namin ang lugar mo sa Philippine map." Ani Azu. Tanging tanggo lang ang naisagot ni Dorothy dahil wala naman talaga siyang alam sa mga pinagsasabi ng dalawa.


Katahimikan ang namuo sa dalawang taong naiwan ng magkapatid. Pero unang binasag yun ni Atem.

"Anong hitsura ng mga kumidnap sa mga kapatid ko?" Seryosong tanong ng binata. Nabaling naman ang atensyon ni Dorothy dito.

"Dalawang lalaki. Mukhang shukoy ang isa at ang isa naman ay mukhang unggoy. Siguro nandon pa sila ngayon sa pinagiwanan namin sa kanila." Sagot ni Dorothy.

"Matutunton mo paba ang lugar naiyon kung pupunta tayo dun ngayon?" Anito at nagtatagis ang mga bagang sa galit. Nakaramdam si Dorothy ng panganib mula sa binatang kaharap niya ngayon.

"Oo naman kung bibilisan lang natin." Ani Dorothy.

"Okay. Wait for me----i mean hintayin mo ako rito. Magbibilin lang ako." Sabi ni Atem at  mabilis na tinalikuran ang dalaga. Kailangan niyang malaman kung sino ang gustong kumidnap sa mga kapatid niya.

Iniisa isa niya binilinan ang mga tao sa bahay na wag basta magpapasok na kahit sino. Ibinilin rin niya sa mga yaya nina Azu at Aries na bantayang mabuti ang dalawa niyang makukulit na kapatid. Hindi na siya ng paalam sa mga ito dahil wala na siyang oras.

The Infamous Witch Dorothy (On Hold)On viuen les histories. Descobreix ara