part two, Attacked

366 14 0
                                    


Cat pov

Na saan ako? Bakit ang dilim..na saan sila Rix..si Dylan. Bakit may naamoy akong malansa? Bakit malagkit at basa ang kamay ko?

"Come here!"

Sino yon?

"Who are you?"

"Halika na, bago nila tayo maabutan!"

Hinila ako neto, madilim pa rin kaya hindi ko makita ang muka o katawan neto. Tumakbo kami ng tumakbo hanggang tumigil kami sa tapat ng liwanag, unti unti naglakad ang humila sa akin sa liwagan kaya sinundan ko ito...

"Here!"

Binilisan ko ang paglalakad para masundan agad ito, ng nasa harap ko na ay humarap ito sa akin, duguan..duguan ito

"Anong nangyari sayo?" Tanong ko sabay hawak sa muka niya pero tinabig niya ito at sumigaw

"Pinatay mo ako! Kami! Pinatay mo kami!!!!!!!!!"

Nakakabingi ang sigaw niya, hindi..hindi ako pumapatay! Ipinikit ko ang mga mata ko at baka panginip lang ito. Tumigil ang sigaw kaya binuksan ko ang mata ko para tignan ang paligid

"Hindi"

Bakit ako nakagapos? Ano bang nangyayari!

"Tulong! Help me! Tulongggg!" Sigaw ako ng sigaw pero walang nakaririnig sa akin

Isang malakas na tunog ang nanggaling sa likuran ko, hindi ko makita kung ano ito dahil nakagapos ako sa isang railing, palakas ng palakas ang yabag nito palapit sa kinalalagyan ko

"Tulungan mo ko.. please" hinging tulong ko baka nandito siya para tulunga-----

"Ahhhhhh ouchh"

Pero hindi. Nanuot ang kirot at hapdi sa katawan ko, ng iangat ko ang mata ko ay nakaharap ako isang babae, iyong babae kanina

"Bakkit?"

Bakit niya ako sinasaktan? Malakas na tumawa ito, masakit sa tenga

"Because you're a murderer! You killed us! Ako! Ang pamilya ko!"

Umiling iling ako dito, hindi totoo iyan!

"No! Baka nagkakamali ka lang.. hindi ako pumapatay!"

Tumawa ito ng tumawa, ng tumigil ito ay ibinagsak niya ang latigo na may tusok tusok at hinataw ang katawan ko

"Ahhhhhhhh! Sstop.. ple..ase ahhhh!"

Hinataw niya ako ng tatlong beses, nanghihina na ako. Masakit at makirot ang katawan ko. Narinig ko it ong naglakad at nagbukas ng gamit at lumapit ulit sa akin, tinignan konito na may hawak na galon

"Ano yan.. please pakawalan mo na ako!"

Tumawa lang ito dahilan para magdugo ang mata, bibig at unti unting natutuklap ang muka niya

"Please wag! Wag please. Wala akong kasalanan!"

Pero patuloy ang itong tumawa habang ibinubuhos ang gasolinang nasa galon.. no!

"Wag! I didnt do anything, please believe me!"

Tumigil naman ito, pero ganoon pa rin ang kanyang muka, duguan

"Oo! Naniwala kami sayo! Naniwala ako! Pero nagsinungaling ka! Ngayon ipaparamdam ko sayo ang ginawa mo hahahahahaha"

At sabay sindi ng posporo sa katawan ko, unti unting nagliliyab ang suot kong damit, mahapdi, maiinit masakit

"Ahhhhhhhh tulong ahhhhh please tulungan ninyo ako!ahhhhhhh no! Help me!"

-----

"Ahhhhhhhhh....no!.. No!"

In The Name Of Gun, DieWhere stories live. Discover now