Chapter 15

49.2K 735 84
                                    




"James, aray. Masakit." Papaano ba naman kasi kung hinalain ako netong si James sobrang higpit. Hindi niya ako pinansin at dire-diretso kami sa kanyang kotse. Binalibag pa ako nito sa may front seat at tumungo na siya sa may drivers seat. Nakakapagtaka naman. Bakit ba siya ganyang kung umasta? Wala naman akong nagawang masama ah.

"Stay away from that girl." Seryosong saad nito sa akin. Hindi siya nakatingin sa akin at sa may harapan niya siya nakatingin.

"Bakit naman?"

"Just stay away from her! I don't trust her guts."

"Pero kababatang kaibigan ko kasi yun--"

"Fuck Shaya! I don't care. Ayokong makikita kang kasama mo siya!" Sigaw nito sa akin. Hindi ko pa nga natapos ang aking sasabihin eh. Natakot kasi ako bigla, sigawan ka daw ba kasi sa harapan mo?

"Okay..." mahina kong sabi at yumuko nalang. Pati ba naman kababata kong kaibigan ayaw niya rin? Nagsimula na siyang istart ang kotse niya at pinaandar ito.



****

"Saan ka pupunta, James?" Kakagising ko lang nang makita ko si James na naka-formal attire atsaka ang aga pa. Napatingin ako sa orasan at nakitang 9:00 am na.

"My dad texted me, kailangan ko daw pumunta sa business event." Lumapit ako sa kanya para ayusin ang kanyang neck-tie dahil sa hindi ito marunong. Dumating na pala ang papa ni James galing Saudi, sa totoo lang natutuwa ako sa tuwing magkasama ang papa ni James at siya. Dahil sa hindi naman sila palagi nakakapagbonding alam ko kasing hindi close itong si James sa tatay niya.

"Ah ganon ba, magiingat ka ah?" Malambing kong saad sa kanya. At nang matapos kong iayos ang kanyang neck-tie. Niyakap ako nito ng mahigpit.

"H'wag mo na kong antayin mamayang gabi, baka malate ako ng uwi." Matapos niyang sabihin iyun tumango nalamang ako bilang sagot. Kinuha niya ang kanyang car keys at lumabas na sa unit namin.

Ngayon magisa nanaman ako, napansin kong napapadalas ang alis ni James tuwing weekends, pero naiinitindihan ko naman iyun dahil na para din ito sa kinabukasan niya. Si James kasi ang tagapagmana kaya dapat imanage niya ang lahat ng business nila ng maayos.

Makalipas ang isang oras nagulat ako nang may biglang magbell sa unit namin. Baka may nakalimutan lang siguro si James. Tinignan ko sa may camera kung sino iyun, bale sa may gilid ng pintuan ng unit namin may camera na parang cctv sa labas para makita namin kung sino ang bisita.

Nabigla ako ng makita kong si Cherry iyun. Muntik pa ngang matapon ang juice na iniinom ko eh. Ano naman kaya ang ginagawa niya rito?

Binuksan ko ang pintuan at nakita ko ang Cherry na nakangiti sa akin.

"Hi, Shaya." Masaganang bati nito sa akin.

"Ah-- hello." Medyo nagtataka kong bati.

Nagkatitigan lang kaming dalawa ng magsalita ulit siya. Ewan ko ba pero kinakabahan ako sa kanya.

"Can I come in?"

"Ah sige... pasok ka." Pinapasok ko siya sa may unit namin ni James, at nang makapasok siya, pinagmatyagaan niya maigi ang loob ng unit na ito. Tumungo siya sa may sala at napatigil nang mapadaan siya sa isang lamesa na puno ng pictures naming dalawa ni James.

"Wow, ang tagal niyo na pala." Nabibighani nitong sabi habang tinitignan ang mga pictures namin.

"Ah oo, 7 years na kami this year." Nakangiti kong saad. Hindi niya pinansin ang aking sinabi at nagpatuloy sa paglilibot ng unit na ito. Nang mapansin niya ang painting na nasa pader, pinagmatyagaan niya itong maigi.

SHAYA: My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now