Chapter 23

47.6K 713 32
                                    





Sa mga sumunod na araw ay ang malaking pagbabago ang nakikita ko sa taong mahal na mahal ko. Unti-unting napapatawad ko na lahat ng masasama na kanyang ginawa sa akin. Sino ba naman ako para hindi magpatawad, diba? Tao rin naman ako. Kung hindi ko siya mapapatawad, papaano nalang ako magiging masaya? Kung siya mismo ang nagkukulay ng black and white kong buhay.

Ramdam ko ang mahigpit na pagyakap nito sa akin, nang makauwi siya galing paaralan.

"Shaya, I miss you." Anya nito sa akin habang may paghaplos sa aking likuran. Niyakap ko rin siya pabalik. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti dahil sa pagyakap nito sa akin.

Siya nga pala, hindi muna ako papasok sa school dahil na rin naghihilom pa ang mga sugat sa aking mukha. Pero once na gumaling na ito. Papasok na ako, at kakausapin ko nalang ang iba kong propesor.

"James, nakikita mo pa ba si Cherry?" Anya ko rito. May gusto kasi akong malaman, hanggang ngayon kasi hindi parin niya sinasabi sa akin ang about sa kanilang engagement wedding. Mas mabuti siguro na siya mismo ang magsasabi sa akin.

Kumunot naman ang noo nito sa aking tinanong at sabay sabing. "Let's not talk about her. "

"Huh? Bakit naman?" Tanong ko rito.

"Shaya. That bitch is crazy." Umalis siya sa pagkakayakap naming dalawa at tumungo sa may sofa ng sala namin. Problemado siyang umupo roon.

"May gusto ka bang sabihin? Handa naman akong makinig." Lumapit ako sa kanya kung saan nakaupo siya. Tumingin lang ito sa akin at ako naman itong hinihintay ang sunod niyang sasabihin.

"Shaya kapag nagpakalayo ba tayo sasama ka sa akin? Yung tayong dalawa lang." seryosong tanong nito sa akin, mukhang malalim ang kanyang iniisip.

"Paano naman si Tita Delia at Janna? Alam mo namang favorite ka ng mama mo. Sigurado akong malukungkot yun." Tumabi ako sa kanya at niyakap ko siya.

"Ah! Basta. "Naiiritang anya nito sa akin na pinangtaasan ko ng kilay. Hindi ko mabasa kung ano man ang nasa isipan niya

"James, alam mo namang gustong-gusto ko makapagtapos ng pagaaral, diba?"

"I know..." Huminga siya nang pagkalalim-lalim bago ako nito hinalikan sa aking mga labi. Si James talaga, alam na alam niya kung papaano patakbuhin ng mabilis ang puso ko.

Sa di malamang dahilan tumugon na rin ako sa kanyang mga halik. I really missed this. This kisses that makes my heart melt. Unlike before it is a passionate kiss. Hindi kagaya nang dati na agresibo siya at mapanakit. Nang maalala ko ang kanyang ginawa sa akin, naitulak ko siya nang bahagya. Once na masanay ako rito, hahanap hanapin ko ito. How can I let him go? If I will be addicted on it.

"I am sorry..." Pagpapaumanhin ni James sa akin, dahil sa nadala na kaming dalawa sa init ng sensasyon.

"Halika kumain ka muna." Hindi ko na ininda ang kanyang susunod na sasabihin dahil mabilis kaagad akong kumawala sa kanyang pagkakayakap sa akin.

****

"Lance!" Sigaw ko sa kanya nang mahagip ko ang likod nito. Lumingon naman ito sa akin at nan-laki ang mga mata nito ng makita niya ako.

Tumakbo ako patungo sa kanyang direksyo habang nakangiti ng matamis sa kanya.

"Kamusta?" Tanong ko rito nang tuluyan na akong makalapit sa kanya. Pero pumikit-pikit pa ito ng mga mata niya at sinusuguradong ako nga ang nasa harapan niya. "Para ka namang nakakita ng multo." Natatawa kong anya rito. Nang mabalik na ang suwesyon niya ningitian ako nito.

"Shaya. I was worried about you, 2 months and 3 weeks kang nawala." Anya nito sa akin.

"Binilang mo talaga ah."

"Oo naman, malay ko ba dyan sa Boyfriend mo kung ano nang ginagawa niyan sayo." Nagaalala na saad nito sa akin. Hindi ko nalang ininda ang kanyang sinabi at ningitian ko nalang siya.

Kung ano man ang nangyari sa loob nang bahay namin James, saamin nalang iyun. Mas maganda na si James at ako lang ang nakakaalam ng mga pinaggagawa niya sa akin kaya minaliti kong tumahimik nalang.

"Are you alright?" Tanong nito sa ako.

"Ayos naman ako. Na-miss kita, grabe."  Totoong namiss ko itong si Lance lalo na yung matamis niyang ngiti sa akin at sa tuwing nagaalala ito sa akin hindi ko mapigilang isipin na parang nakakatandang kapatid ko siya. Basta mga ganoong bagay.

Napakamot naman ito ng buhok niya na para bang nahiya sa aking sinabi.

"Anyway Shaya alam mo na ba yung about kay James at Cherry?" Tanong nito sa akin. Napagdesisyunan na rin naming maglakad patungong cafeteria dahil na doon rin naman ako pupunta.

"Ah oo..." maikli kong sagot sa kanya.

"Anong sabi ni James?"

"Hindi ko naman siya tinatanong about dun, kung kami talaga ang nakatadhana edi kami, pero kung hindi talaga I will let him go." Malungkot na saad ko na nagpatigil sa aking paglalakad. Sa tuwing naalala ko kasi talaga iyun hindi maiwasang hindi malungkot.

"Shaya, it's better if you will ask him." Nakatingin lang ito sa aking mga mata. This is the reason kung bakit gustong-gusto ko kausap si Lance hindi siya kagaya ng ibang lalaki na magsasabi na kesyo ako nalang, oh di kaya iwanan mo na yang si James. Lance really know how much I love James.

"Lance, may tamang panahon naman doon." Nakangiti kong saad sa kanya.

"I understand. I just hope he won't hurt you." If you only know how much he hurts to know that someone you love is getting married soon. It just breaks my heart.

Kahit na masama sa aking kalooban pinilit ko paring ngitian si Lance. Mas maganda na hindi niya malaman na sasaktan na talaga ako, sino nga ba ako para hindi masaktan, diba? Bakit kasi hindi mo pa kayang sabihin, James?

How can I let you go if you cannot let me go? Kung mismo ang tadhana mismo ang naglalayo sa atin. I don't know pero unting-unti nalang at mapupuno na talaga ang hinanakit sa aking puso. I just want to give up but I can't because I still have my hopes that after this is happy ending that is waiting. I am willing to hold him until my last breath.

Matapos naming magusap ni Lance. Doon naman ang saktong pagdating ni Janna upang sunduin ako. Ang sabi niya hinahanap raw ako ni Tita Delia. Kaya ayun sumama na rin ako.

SHAYA: My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now