Chapter 94

4.8K 95 0
                                    

QUEEN POV

"Hayss baby.Hindi parin nagpaparamdam si daddy hanggang ngayon."

Kinakausap ko si baby habang naka-higa siya sa kama.Ako naman nakadapa din sa kama.

Kahapon lang nangyari yung sagutan namin ni Perv.At wala pa talaga siyang paramdam.Walang tawag o text manlang.Ayoko naman na ako ang gagawa nun, may kasalanan din naman siya 'no.Hmmp!

"Baby..Andito na si daddy." Napalingon ako sa likod ko.Saglit niya lang rin akong tinignan tsaka lumapit kay baby at kinarga ito.

Ha. Parang wala lang ako ah?Wala manlang 'Hi my Queen'. Oh kahit simpleng 'Hi' manlang sana.Pssh.
Nang makarga niya si Yurika ay lumabas na rin siya sa kwarto.Wth.Bumangon na rin ako at umupo sa gilid ng kama.

Inhale ..

Exhale ..

Inhale ..

Exhale ..

Okay lang yan Queen.Wag mo nalang din siyang pansinin.Yun naman ang gusto niya eh.

Bumaba rin ako sa sala, kasama ni Rick si kuya Storm.Nag-uusap sila habang nilalaro si Yurika.Pumunta nalang ako sa kusina at tinulungan si mommy sa pagluluto niya.

"Mom..?" Tawag ko sa kanya.

"Hmm?" Tugon niya habang naghihiwa ng ingredients.

"Nag-aaway ba kayo ni dad?" Tanong ko habang nagsusuot ng apron.

"Oo naman.Normal naman sa mag-asawa yun,nak." Sagot niya at saglit akong tinignan at ibinalik din naman agad ang tingin sa ginagawa niya.

"Nagkakaayos po ba kayo agad?" Tanong ko ulit at lumapit sa kanya.Kinuha ko yung ibang liquid ingredients ta's inilagay ko na sa maliit na mangkok.

"Oo naman.Hindi kami natutulog nang hindi naayos ang away namin." Nakangiti niyang sagot.I sighed.Buti pa sila.

"E sino po ang mas madalas na magbaba ng pride sa inyo?Yung nauuna pong magsorry?" Tanong ko ulit.Tumingin sakin si mommy,then saglit siyang nag-isip.

"Ang daddy mo madalas.Pero minsan naman ako.Pero madalas talaga siya e.Haha.Siya kasi yung mas hindi nakakatiis na tumagal pa yung away namin." Ahh.Buti pa si daddy,kayang magbaba ng pride para kay mommy.E si Perv?Pssh. "By the way,bakit mo nga pala natanong?Magkaaway ba kayo ni Rick?" I sighed first,tsaka ako tumango.

"Sino ba ang may kasalanan?" Tanong ni mommy.

"Siya po." Sagot ko agad.

"Sigurado ka ba?" Tanong niya ulit.I sighed again.

"Ahm..Ako po." Sagot ko at yumuko.Ok,I admit it.Mukha namang ako talaga ang may kasalanan e.

"Nak,kung alam mo naman sa sarili mo na ikaw ang may kasalanan,dapat ikaw na ang lumunok ng pride mo." She said then she tapped my shoulder. Then lumapit na siya sa stove at nag-umpisa nang magluto.Haysss.

"Mom,labas nalang po ako." Sabi ko at inalis na ang apron.Tumango lang naman si mommy.

So lumabas na nga ako sa sala.Si Perv nalang ang nandun,wala na si kuya Storm.
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya.Kaso napaatras ulit ako.Ewan ko! Parang nahihiya akong ewan!

Tsk.Bumalik nalang ako sa kwarto sa taas,pssh,wala pala si ate. Pumasok sa company.Complete attendance yun e.Katrabaho ba naman si Zander -__-
Kinuha ko nalang ang phone ko.Tapos nag-online ako sa facebook.Hayyy.

*riiiing ri--*

Sinagot ko na agad ang tawag ni Violet.

[Girl,nakausap ko na yung receptionist.Okay na yung reception.]

"Ahh.Sige.Thanks."

[Oh?Bakit ang tamlay mo yata?]

"Magkaaway kami ni Rick e."

[Tsk tsk.Ayusin niyo na yan girl.Friday na oh,sa sunday na ang binyag niyang baby niyo.]

"Hayss.Ok girl.Tatry ko,bye."

[Sige.Bye.] *toot toot*

Humiga ako sa kama at tinitigan ang kisame.
"Kakausapin ko na ba siya?" Tanong ko sa kisame.Hay nako.Nababaliw na 'ko.Kapag talaga ayang kisame sumagot, kakaripas ako ng takbo palabas.
Dali-dali akong napabangon nang pumasok si Perv.

"Tulog na siya." Sabi niya lang at dahan-dahang inihiga sa kama si baby Yurika.
Nang maihiga na niya si baby ay tumayo na siya agad at akmang lalabas na.Ha! This is it!

"Perv.." Tawag ko sa kanya.Tumigil naman siya sa paglalakad niya.
Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya,then niyakap ko siya mula sa likod.

"Sorry.Sorry kung naging unfair ako sayo.Sorry sa lahat,kung may mga pagkukulang man ako bilang girlfriend mo.Sorry talaga Perv,please.Kausapin mo na 'ko." Ibinaon ko ang mukha ko sa likod niya.Naiiyak ako.Ewan ko kung bakit.
Unti-unti siyang humarap sakin.

"Sorry din." He said. "Sorry sa mga nasabi ko kahapon." Dugtong niya pa.

"Ok na yun.Basta magkaayos na tayo.Ok na." I said.Ngumiti naman siya,then niyakap niya ulit ako.Hayss.Mabuti naman at naayos agad namin.

Kumalas siya sa yakap namin,then he held my chin up,kaya nagtama ang mga mata namin.Then unti-unti na siyang lumapit sakin and he kissed me.A slow and gentle kiss.

"I love you my Queen." Sabi niya after ng kiss at muli akong niyakap.

"I love you too,Perv."

--

Yurika's Baptism Day

"Baby bunso,bilis na.Baka ma-late tayo sa simbahan." Nagmamadaling sabi ni ate Corrine.Binilisan ko naman na ang pagsusuot ko ng damit.

"Oo ate!Malapit na." Sigaw ko.Nasa loob kasi ako ng kwarto at nasa labas siya.

Aish.Ayaw pang masara nung zipper sa likod!Hindi ko abot!

**knock knock**

"My Queen?Tara na." Dali-dali akong lumapit sa pinto at binuksan yun,hinila ko siya papasok sa loob ng kwarto.

"Oh sht." Tumalikod siya agad ng marealize niyang nagbibihis pa pala ako.

"Aish Perv!Tulungan mo 'ko.Isara mo yung zipper sa likod!" Sabi ko sa kanya at lumapit ng patalikod.
Aish.Kung alam ko lang na magiging hassle 'tong pagsusuot ko ng dress na 'to, sana hindi ko nalang binili!

"No.Ayoko." Nakatalikod paring sabi niya.

"Ang arte mo!Dali na.Male-late na tayo!" Sabi ko.Humarap naman na siya kahit napipilitan lang.Tapos sinara na niya yung zipper sa likod ng dress ko.

"Wait,hintayin mo 'ko." Sabi ko habang sinusuot yung sandals ko.Isa pa 'tong hassle,kung bakit naman kasi ang daming tali!

"Tara na." Sabi ni Perv nang matapos ako sa sandals ko.
Lumapit naman na ako sa kanya at humawak sa kamay niya.

"Nasan si Yurika?" Tanong ko.

"Hawak ni tito." Sagot niya.
Nang makababa na kami sa sala ay kinuha ko na si Yurika mula kay daddy.

"Tara na guys.Baka ma-late na tayo!" Sabi ni Sammy at patakbo nang lumabas sa bahay.
Lumabas na rin naman kami.Then kanya-kanya nang sakay sa mga kotse.Siyempre dun ako sa kotse ni Perv,kaming tatlo lang nila baby.

"Tara na daliiii." Sabi ko kay Perv.He started the engine and so we headed our way to the church.

--

@ the church

Nasa labas palang kami.Hawak naman ni Perv si baby ngayon.
Nang makapasok kami sa loob,ang daming tao.Tsk tsk.
Pero okay na yan.The more ninangs and ninongs,the more blessings to come kay baby.Haha!

--

The Pervert Gangster's Queen (SLOW UPDATES)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora