Chapter 127

4K 83 19
                                    

RICK POV

Sumama ako sa mga pulis. Papunta kami ngayon sa lugar kung nasaan si Queen. Yes, we've found out where she is through locating where my call was answered.

Rinig na rinig ang maingay na sirena ng mga mobil ng pulis.

Maya-maya pa ay nakarating kami sa loob ng isang village. Takang napapatingin ang mga tao sa mga sasakyan ng pulis na tumatahak sa lugar nila. They don't know what's going on, of course.

Nang marating namin ang pinakadulong bahay, malayo sa karamihan, ay nagsibaba ang mga pulis. Pinalibutan nila ang buong bahay.

Bumaba rin ako at nanatali lamang sa tabi ng sasakyan.

Nagulantang naman ako nang may magpaputok ng baril mula sa loob ng bahay. Mukhang naalarma sila dahil sa mga pulis.

Inakyat na ng mga pulis ang bakod tsaka pumasok sa loob. Tutal wala naman akong maitutulong, bumalik nalang ako sa loob ng police mobil habang nanonood lang sa mga nangyayari.

My God, please keep everyone safe. Especially Queen, sana.. Sana okay lang sya.

-

QUEEN POV

"What the fuck." Bigla akong hinila ni Ace nang marinig ang sirena ng sasakyan ng mga pulis.

I still don't know why he's here. Hindi niya naman ako sinasagot kanina nang tinatanong ko sya.

"Ahh!" Tili ko nang makipagpalitan sya ng putok sa ilang pulis.

"Bilisan mo nga!" Malakas ang pagkakahawak niya sa pulso ko, at halos pakaladkad ang paghila niya sakin.

"Ace!" Napalingon ako, it was Rinrin who called him.

"Bilisan mong tumakas!" Ace shouted back. Tumango lang si Rinrin at tumakbo na, sa magkaibang daan ang tinahak namin. Masyadong malaki tong bahay.

"W-wait, asan si Dwight?" Tanong ko. Saglit na napatigil si Ace, wala na rin namang pulis na nakasunod samin.

"Oo nga pala. Damn baka--"

*bang*

Nabitawan ni Ace ang kamay ko nang tamaan siya ng bala sa braso. Sinenyasan naman ako ng pulis na tumakbo na.

Nilingon ko muna si Ace, pinaputukan siya ulit ng pulis at tinamaan sa binti.

Nagsimula na akong tumakbo papunta sa gawi ng pulis.

Pero di pa man ako tuluyang nakalalayo..

*bang*

*bang*

Naramdaman ko ang pwersang dalawang beses na tumama sa likuran ko. Biglang bumigat ang pakiramdam ko, ang paghinga ko. Parang ngayon ko naramdaman lahat ng pagod. Parang.. Parang gusto ko nang magpahinga.

"Mam!"

-

RICK POV

Sunod-sunod na putok ng baril parin ang naririnig ko mula dito sa sasakyan. Ang sakit sa tenga.. A-ang sakit sa ulo.

Napahawak ako sa sintido ko nang maramdaman ko nanaman ang sobrang sakit na nararamdaman ko nitong mga nakaraan lang, tuwing naoospital ako.

Damn, hindi ko nanaman kinakaya ang sakit.

"Ahhhh!" I can't do anything but shout. Walang nakakapansin sakin dahil lahat ng kasama kong pulis ay busy sa pakikipagpalitan ng putok sa loob ng bahay.

"A-ahh!! Ouuuuch!"

"Will you marry me my Queen?"

"Flat chested."

"I love you my Queen!"

There are so many scenes that are now flashing on my mind. Masyadong marami na lalong nakakadagdag sa sakit na nararamdaman ko!

"I love you pervert gangster!"

"I love you too pervert gangster's Queen!"

A-ang sakit! Ang sakit-sakit!

"Ahhhhhhhhhhhh!"

Isang mahabang sigaw ko. Wh-- what..

"Queen." I muttered her name. N-na.. Naaalala ko na.. Lahat.. Lahat-lahat..

"Queen!" Muling sabi ko at dali-daling lumabas sa sasakyan.

Pero halos bumagal ang pag-ikot nang mundo dahil sa nadatnan ko. Kasabay ng unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko. Bumalik din yung sakit ng ulo ko.. Anong nangyari..

"Queen.." Bulong ko ng pangalan niya tsaka patakbong sinalubong ang pulis na may buhat sa kanya. "A-anong nangyari sa kanya!?"

Unti-unting bumagsak nanaman ang mga luha ko. Puro sya dugo.. Wala syang malay..

"Sagutin mo ko, anong nangyari!?" Galit na bulyaw ko sa pulis at pilit na kinuha sa kanya si Queen para ako ang bumuhat dito.

"Binaril po siya ng suspect sa loob."

"Queen!" I called her name. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.

Mukha lang taimtim na natutulog ang Reyna ko. Pero alam kong hindi.. Alam kong..

"Sir, andito na po ang ambulance." Hindi ko na pinansin ang pulis at dali-dali nang tumakbo papunta sa ambulansya.

Tinulungan pa ko ng ibang medical assistants na maisakay si Queen. Tsaka ako umupo sa tabi nya at hinawakan ang kamay niya.

"My Queen.. Wake up please. I'm so sorry sa mga nasabi ko kanina. Sorry for everything.. C'mon, wake up my Queen. Wag m-mo kong iiwan.."

Nilagyan sya ng oxygen at hindi tumitigil ang nurse sa pag-aagap kay Queen.
Pero hindi talaga ako mapakali hanggang sa makarating kami sa ospital. Dito rin sa ospital kung saan ako galing.

"Sir, ididiretso na namin siya sa operating room. Baka hindi sya maagapan kung matatagalan pa." Sabi sakin ng isang nurse. Sunod-sunod na pagtango nalang ang nagawa ko.

"Yes. Yes p-please. Do e-everything to save her. P-please.."

"Yes sir." Yun lang at sumunod na sya sa mga nagtutulak sa stretcher ni Queen.

Nanlulumo nalang akong sumunod habang umiiyak.

Two dead bodies in just a day?
Damn. Hindi ko yata kakayanin yun. Kanina si Jean.. T-tapos ngayon..
No.. H-hindi mangyayari yun. Wag s-sana.. Please..

Nagulat ako nang makita ko si mama. Yes, my mama.

"Rick, son--"

"Ma!" Dali-dali akong lumapit at yumakap sa kanya. Ramdam ko ang kanyang pagkagulat.

"A-anak.. N-nakakaalala ka na ba?" Tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot at patuloy na nag-iiyak. "A-ano bang nangyari? Hindi ka p-parin tumatahan--"

"Ma, si Queen! She's currently under an o-operation in the OR, ma.. M-mama, di ko kaya pag nawala sya sakin.."

"What!? Anong nangyari sa kanya!?"

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat kaya napatingin ako sa kanya. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

"N-nabaril sya ma.."

"What!?"

--

The Pervert Gangster's Queen (SLOW UPDATES)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang