Chapter 135

2.6K 60 12
                                    

Months later

(A/N: Hi, namiss niyo ba ako? Este sila Queen at Rick? Ito na silaaaaa. Sorry natagalan. Di pa nga ko nabibilhan ng new phone e, sa December na raw HAHAHA skl. I-eending ko na rin to, di ko na maasikaso e. Mwa.)

QUEEN POV

"I think mas maganda tong cake na to, Perv." I said at itinuro ang isang page sa cake magazine.

"Hmm, maybe. I don't know my Queen, you decide kung anong cake ang bibilhin para sa kasal natin." He said at ngumiti. Hmm bakit...

"Ang panget mo ngumiti Perv."

"Ha?" Takang tanong niya.

"Ewan ko. Ang panget ng mukha mo. Nakakainis. Umalis ka nga!" Sabi ko at inirapan siya. Itinuon ko nalang ang pansin ko sa pagpili pa ng cake.

"What the fuck." Rinig kong bulong niya bago naglakad palabas nitong Pastry shop na pinipilian namin ng cake.

Yeah, 2 months ago, muli siyang nagpropose ng kasal sa akin. And I accept it once again. Tutal pareho kaming balo na sa mga una naming asawa. Hindi rin pala ako nakasuhan sa nangyari kay Dwight. Naka-move on na rin ako sa nagawa ko sa kanya, but I still pray for his soul though. We're all doing fine now. Matiwasay at payapa na ang buhay namin. Nasa kulungan parin naman si Ace.

"Mam, may napili na po ba kayong cake?" Tanong nitong staff ng pastry shop.

"Can't you see that I'm still choosing?" Taas-kilay na tanong ko. Arghhh. Ewan ko ba kung bakit ang init ng ulo ko ngayon.

"Sorry po mam." Inirapan ko lang siya.

Asan na ba si Perv? Nakakainis naman yun. Bakit biglang nawala? Arghhh!

Padabog akong tumayo at lumabas ng shop. Naabutan ko siya sa loob ng kotse niya. Nagmamartsa akong lumapit at kinalampag ang bintana.

"What the hell!??" Gulat na sabi niya at binuksan ang bintana.

"How dare you leave me there!?" Inis na inis na sigaw ko.

"Sabi mo umalis ako diba?" Kunot noong sabi niya. Lumabas siya ng kotse at pumunta sa harap ko.

"Kahit na! Dapat hindi ka umalis!"

"Seriously Queen? Nung isang araw ka pa ganyan! Hindi na kita maintindihan." Halata ang inis sa mukha niya. Agad naman na nag-init ang gilid ng mga mata ko. Naiiyak ako.

"Bakit mo ko sinisigawan?" Mahinang sambit ko. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mata ko.

"Damn, you're crying. I'm sorry my Queen." Agad niya kong niyakap at hinalikan sa ulo. Niyakap ko nalang din siya at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

"Bakit ang baho ng pabango mo?" Tiningala ko siya. Muli namang kumunot ang noo niya.

"Hindi naman ako nagpalit ng pabango. Ayan parin yung binili natin na pinili mo last month." Nagtatakang sabi niya.

"Ha? E bakit bumaho." Sabi ko at nagpout. Umalis na ko sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang luha ko.

"Hahaha ewan ko sayo." Kinurot niya ang ilong ko. "Nakapili ka na ba ng cake?"

"Hindi pa nga e."

"Tara. Pumili na tayo."

Hinawakan niya ko sa bewang at sabay kaming pumasok sa loob ng shop.

--

RICK POV

"Kamusta naman ang preparations niyo for your wedding?" Tanong sa akin ni tita Lorraine.

"Ayos na po yung iba tita." Nakangiting sagot ko.

"Tapusin niyo na dapat agad lahat. You're getting married a month from now."

"Opo tita."

"Sige. Aakyat na muna ako sa taas. Nasan nga pala si Queen?"

"Nasa kwarto po natutulog."

"I see. Sige, aakyat na ko--"

"Tita, can I ask?"

Lumingon siya sakin.

"What is it?"

"May napansin po akong changes kay Queen this last few days.."

Kinuwento ko kay tita ang mga pagbabagong napapansin ko kay Queen.

"Hmm.." She only said at pinaningkitan ako ng mata pagkatapos kong magkwento. "I think she needs to visit an OB."

--

The Pervert Gangster's Queen (SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon