Chapter One

25.4K 287 1
                                    

“HAY, Alexis, ang guwapo mo talaga,” mahinang sambit ni Carrie habang pinapanood ang mga players na naglalaro sa field. Kasalukuyan siyang naroon sa soccer field kung saan nagaganap ang isang match.

Namilog ang mga mata niyanang maka-goal ang player na may suot na jersey number eight. Napalakpak pa siya sa sobrang tuwa. Napatingin tuloy sa kanya ang ilang katabi. Marahil ay nagtataka ang mga ito sa ginawa niya. Kasi naman, imbis na school niya ang suportahan ay sa kalabang team pa siya nag-tsi-cheer. And it was all because of the handsome guy in jersey number fifteen. Alexis Mariano. Her ultimate crush.

Kilala itong member ng soccer varsity team ng kalaban nilang unibersidad. Matagal na rin niya itong crush pero hanggang pantasya lang siya.

“’Sabi na nga ba’t nandito ka lang, eh.”

Nilingon niya ang nagsalita. It was her bestfriend Andrea. Naupo sa tabi niya. “Akala ko ba, mag re-review ka sa library?” tanong niya rito. “Bakit nandito ka?”

Nagkibit-balikat ito. “Tinamad ako bigla, eh. Ikaw nga, imbis na mag-review, puro pag-tambay sa soccer field ang inaatupag mo.” Pumalatak ito. “At sa kabilang team pa ang sinusuportahan mo. Mahiya ka naman.”

They were bestfriend since first year college. Magkaklase kasi sila sa kinukuhang kurso. Sa kasalukuyan ay pangatlong taon na nila sa kursong Journalism.

Nag-pout siya. “Eh, ikaw ba, sino ba’ng bet mo?”

Andrea rolled her eyes. “’S’yempre yung team natin.”

“Ikaw talaga. Wala ka talagang support sa kapatid mo.”

“Loyal ako sa school natin, eh,” giit nito. “At saka hindi kawalan iyon sa kanya dahil marami nang mga babaeng nagtsi-cheer for him. At kabilang ka na doon.”

She smiled sheepishly. “Alam mo namang matagal ko nang crush iyang kuya mo, eh.”

Andrea snorted. “At matagal ko na ring sinasabi sa’yo na lubayan mo na ang pagkahumaling sa kuya ko.”

Nakakatandang kapatid ng kaibigan niya si Alexis. At ito ring kaibigan niya ang dahilan kung bakit hanggang pantasya lang siya kay Alexis. Tuwing napag-uusapan nilang dalawa ang kuya nito ay nagiging ganoon ang reaksiyon ng kaibigan niya. Lagi nitong sinasabi na lubayan na niya ang pagkahumaling sa kuya nito. Ilang ulit nga niyang ipinakiusap dito na ipakilala naman siya nito sa kuya nito pero tigas ang pagtanggi ng kaibigan niya. “Tell me Andrea, bakit ba ayaw mo akong ipakilala sa kuya mo mo? Pati cellphone number niya hindi mo man lang maibigay sa'kin,” medyo naghihimutok na sambit niya. “Maganda naman ako, ah. Sexy pa. Bagay naman kami. At saka hindi naman kasiraan sa lahi niyo kapag ako ang napangasawa niya.”

She heard her sighed. “I just don't want you to get hurt, Carrie. Alam mo namang playboy si Kuya ‘di ba? Walang sineseryosong babae iyon. Isa pa, masama rin ang ugali no'n.”

Alexis is twenty three years old and a fifth year engineering student sa isang sikat na unibersidad. Actually, kalaban nga ng eskuwelahan nila ang pinapasukang university ng binata. Limitado lang ang alam niya tungkol sa lalaki. Kapag kasi nagtatanong siya kay Andrea tungkol sa kapatid nito ay hindi naman siya nito sinasagot. “Alam mo Andrea, ikaw lang ang kilala kong tao na sinisiraan ang kapatid nila.”

“Sinasabi ko lang naman ang totoo, eh,” nakaingos na sagot nito. “Kaya hindi kayo bagay ni Kuya. You deserve someone better.”

“Ang sama mo talagang kapatid. Isumbong kita sa Kuya mo, eh.”

“As if naman magkakilala kayo.”

Inirapan niya si Andrea. “Nakakainis ka talaga. Basta kahit anong sabihin mo, crush ko pa rin si Alexis. Don't worry, crush lang naman, eh.”

Maid in Heaven (Published under PHR/Unedited Version) Where stories live. Discover now