Chapter Three

10.5K 198 3
                                    

“SIR Alexis!”

Nandito si Carrie ngayon sa tapat ng pinto ng condo unit ni Alexis. Nag-doorbell muna siya bago pumasok. Baka kasi maabutan na naman niya itong naka-boxer’s, mahirap na. Nang walang sumasagot ay pumasok na siya sa loob gamit ang spare key nito. Kunsabagay, tanghali na rin kaya malamang ay nasa university na ito. Napataas ang isang kilay niya nang maabutang maayos ang pad nito. Agad siyang dumiretso sa nakabukas na silid ng binata. Nagsalubong naman ang kilay niya sa nakita. Napakagulo ng silid nito. Nagkalat ang mga unan sa lapag. Magulong-magulo rin ang bedsheet. Natutop niya ang bibig. Hindi ba't iniwanan niya ang binata na kasama si Angel kagabi. Isa-isa niyang niligpit ang mga nagkalat na gamit nang hindi inaasahang mahagip ng tingin niya ang isang piraso ng gamit na condom sa sahig. Nasagot ang hinala niya. Nandidiring pinulot niya iyon at itinapon sa basurahan. Sabi na nga ba at talagang may nangyari nga kay Akexis at sa malanding Angel na iyon. Bumalik ang init ng ulo niya. Talaga nga palang napaka-babaero ni Alexis. Hindi niya lubos maisip kung gaano na karaming ang babaeng dinala nito sa pad nito at nakaulayaw nito sa kama.

Asar na tinapunan niya ng tingin ang litrato ng binata na nakapatong sa bedside table. “Sana magka AIDS ka,” nanggigigil na sambit niya.  Subalit agad din niyang binawi ang sinabi. Mabuti rin na gumagamit ito ng proteksyon. Baka kung ano pang virus at sakit ang makuha nito sa mga babae nito.

Ibinaling na lang niya ang sarili sa paglilinis ng buong pad. Pinalita niya ng bedsheet ang kama. Pialitan din niya ang mga unan at kumot ng binate. Sinigurado niyang walang maiiwang bakas ng ibang babae sa silid nito. Pati mga maruming damit ng lalaki ay nilabhan na rin niya. Hindi niya inalintana ang pagod na nararamdaman. “Nakakainis ka naman Alexis!” sambit niya habang kinukusot ang damit nito. “Next time nga, huwag ka nang magdadala ng kung sino sinong babae dito sa condo unit mo! Lalo na iyong Angel na iyon. Ayoko sa kanya.”

“Carrie!”

Napatigil siya sa ginagawa nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Alexis. Bakit ang aga yata nito ngayon? ‘Di ba dapat ay mamayang gabi pa ang uwi nito. Tumayo siya at hinanap ito. Naabutan niya itong nakaupo sa sofa at nanunuod ng TV.

“Sir, napaaga ka yata ng uwi.”

Nagkibit-balikat lang ito. “Wala lang. Pakikuha mo nga ako ng juice.” Then she smiled at her.

Agad na sinunod niya ito. Pagdating niya sa kusina ay napansin niya ang pamumula ng kanyang mga kamay. Dahil siguro iyon sa paglalaba niya. First time niya kasing gawin ang bagay na iyon. Pagbalik niya ay nagmamadali niyang ipinatong ang juice sa mesa. Baka kasi mapansin ng binata ang kamay niya. Akmang tatalikod na siya nang muli siyang tawagin nito.

“May iba ka pa bang ipag-uutos, sir?”

Tiningnan nito ang kamay niyang pilit niyang itinatago sa likod niya. “Ano'ng nangyari sa kamay mo?”

“Ha?” pagmamaang-maangan niya. “Ano'ng sinasabi mo, sir?”

“Your hand. Patingin ako.”

Umiling lang siya.

“Maupo ka rito.” Tinapik ng isang kamay nito ang sofa.

Hindi niya alam kung susundin ba niya ito. “Sir, marami pa akong gagawin, eh.

“Ang sabi ko maupo ka muna rito.”

Wala na siyang nagawa kundi sundin ang utos nito. Pag-upo niya sa tabi nito ay agad itong humarap sa kanya. “Now, give me your hands,” utos nito. Napakalapit na ng mukha nito sa mukha niya. Napatingin siya sa mga mata nito. Bigla niyang naramdaman ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso lalo na nang maramdaman niya ang masuyong paghawak nito sa kamay niya. Para bang may dumaloy na maliit na boltahe ng kuryente nang magdikit ang mga kamay nila.

Maid in Heaven (Published under PHR/Unedited Version) Where stories live. Discover now