Chapter Two

10.5K 208 5
                                    

SAPO ang ulong pinagmasdan ni Carrie ang sala ng condo unit ni Alexis. Nagkalat ang mga lata ng beer at kung anu-anong balat ng chips. Kagabi lang ay umalis siya nang nakaayos at malinis ang lugar pero pagdating niya ngayon ay parang dinaanan na ng bagyo ang pad nito. Pumalatak siya. Tiyak na mahihirapan na siyang linisin iyon.

Dumako siya sa kwarto nito. Binuksan niya ang pinto ng kwarto nito at tumambad sa kanya ang... ang hubad na katawan nito. Tanging boxer shorts lang ang suot nito. Agad na tumalikod siya at sinapo ang dibdib. Ang lakas ng tibok ng puso niya. Imagine, nakita niya sa ganoong ayos si Alexis. Nakakahiya. Mabuti na lang at tulog pa ito. Dahil kung hindi baka kung ano na lang ang isipin nito sa kanya. Pero infairness, ang ganda ng katawan nito. Ang macho at hot pa! Ipinilig niya ang kanyang ulo. Bakit ba niya naiisip ang mga ganoong bagay.

“Hey, anong ginagawa mo diyan?”

Napasinghap siya nang marinig ang boses na iyon. Shucks! Ibig sabihin ay nakita siya ni Alexis. “A-ah, sorry, sir.”

“Ano ba'ng sinasabi mo? Humarap ka nga sa’kin.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Naku, sir. Huwag na. Aalis na ako.”

Hindi siya nakarinig ng sagot mula rito. Nagsimula na siyang humakbang paalis nang maramdaman niya ang paghawak nito sa braso niya. Napaharap tuloy siya. At iyon na nga. Nasa harap na niya ito ngayon habang naka boxer short lang. Dali-daling ipinikit niya ang mga mata.

“Bakit ka ba biglang pumikit?” nagtatakang tanong nito.

“K-kasi sir...wala kang damit.”

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. “Ngayon ka lang ba nakakita nang lalaking naka-boxers lang?”

S’yempre nakakita na siya. Pero sa TV at magazines lang. “Ngayon lang, sir. Wala kasing lalaking naghuhubad ng ganyan sa probinsya naming, eh,” nasabi na lang niya habang nakapikit pa rin.

“Saan ba’ng probinsya mo?” Nahimigan niya ng amusement ang tinig nito.

“Batanes po.” Siyempre nagsisinungaling lang siya. Ni hindi pa nga niya napupuntahan ang lugar na sinabi niya, eh.

“You can now open your eyes,” sa halip ay sabi nito.

“Sigurado ka, sir?” Nananatili pa rin siyang nakapikit.

“Yeah.”

Dahan-dahang iminulat niya ang mga mata. Nakasuot na ito ngayon ng sando at cargo shorts. Ibig sabihin pala ay nagbibihis ito habang kausap siya. In fairness, napakaguwapo pa rin nito kahit bagong gising. Ang cute tingnan nang gulo-gulo nitong buhok. Shucks, umagang-umaga kinikilig na agad siya.

Tumikhim ito. “Siguro naman okay na sa'yo ‘tong suot ko?”

Napangiti siya. “Okay na, sir.”

Nagulat siya nang bigla siya nitong hilahin papunta sa kusina.

“Ang sarap ng afritada na niluto mo kagabi,” nakangiting wika nito.

Unang beses nitong ngumiti sa harap niya. Ba't parang biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya. “Thanks.”

“At dahil doon, ipagluluto mo ulit ako ngayon.”

Napalitan ng matinding kaba ang kilig na nararamdaman niya. “Ipagluluto kita ngayon? As in ngayon na talaga?”

“Uhuh. Bakit, may problema ba?”

“Eh, baka naman puwedeng mamaya na lang, sir. Pag-uwi mo na lang galing school.”

Kumunot ang noo nito. “Wala akong pasok ngayon.” Binuksan nito ang fridge at kumuha ng malamig na tubig. “Siga na, magluto ka na.”

Maid in Heaven (Published under PHR/Unedited Version) Where stories live. Discover now