16 장

242 6 1
                                    

EUNBI'S POV

'hay ano bayan! bakit nya naman ako tinakbuhan?'
hingal na hingal kong sabi matapos kong hindi maabutan si Sakura at agad na syang sumakay sa taxi

'pano na to? san ko na sya hahanapin? pano ko pa masusundan yung taxi? hayss ano bayan! sundan ko na nga!'

*at agad akong nagdali-dali para kunin ang car ko at nang masundan ko pa si Sakura kung san man sya pupunta*

'Pero nag tataka lang talaga ako kung bakit nya ako tinakbuhan?'
sabi ko sa aking sarili at patuloy padin ako sa pag da-drive para maabutan ko siya
.
.
.
.
.
.
*makalipas ang ilang minuto ay hindi ko na makita ang taxi na sinakyan nya sa sobrang daming taxi sa unahan ko*

'Hayss ano ba to! ngayon pa talaga nag traffic no! pano ko na sya masusundan ngayon ha?'
pasigaw kong sabi

*at agad kong kinuha ang aking phone para makahanap ng way kung saan walang traffic*
.
.
.
.
*ng biglang*
.
.
.
.
"Ayun! sawakas nakita ko din!"
pasigaw kong sabi ng makakita ako sa phone ko ng way kung saan walang traffic

*paalis na sana ako ng biglang...*

"Ma'am! ayos kalang po ba?"
sabi nung traffic enforcer na agad kong ikinagulat

"AY KALABAWWW!"
sigaw ko sa enforcer

"Grabe ka naman po Ma'am! opo pangit ako pero hindi po ako kalabaw :("
malungkot na sabi ng enforcer

"Ay nako hindi po! pasensya napo kayo nagulat lang ako!"
pagpapaliwanag ko

"Haysss.. sige napo Ma'am abante na kayo kanina papo nakaraos yung traffic ohh..."
sabi nung enforcer at agad akong tumingin sa aking paligid kung totoo nga ang sinasabi nito

"Oo nga no! pero....."
sabi ko ng bigla nyang pinutol ang sasabihin ko

"Oo na po Ma'am sige na! abante na kayo sir...."
sabi nung traffic enforcer at agad na syang lumayo sa car ko

'ay grabe si kuya! galit kaya sya sakin? di ko naman sinasadya yun eh!'
sabi ko sa sarili ko at agad ko ng pinaandar ang aking car

'Ano ba yan! may nahanap pa naman akong alternative way!'
panghihinayang na sabi ko habang patuloy padin ako sa pag da-drive

'ay grabe almost 30 minutes pala akong naipit sa traffic nayun! diko manlang namalayan!'

*maya-maya pa ay napansin kong wala na akong sinusundan na taxi*

'hala! asan na yung taxi na yun? pambihira naman oh! san ko na sya hahanapin?'
naiirita kong sabi

*agad kong hinanap sa paligid ang taxi pero hindi ko ito mahanap...  inisa-isa ko na din ang mga taxi kung may naisakay silang babaeng maganda na patakbong sumakay sa taxi nila eh wala daw... kahit yung taxi na hindi naman yun ang plate number eh tinanong ko padin*

'oo tama nanaman kayo! medyo naaninaw ko nga yung plate number eh pero anong silbi nun kung diko naman sila makita'

*mag iisang oras ko na silang hinahanap pero hindi ko parin sila matagpuan kaya naisipan ko nalang umalis sa lugar kung saan ko sila hinahanap*

'hayss! mukhang wala na nga akong pag-asa neto!'
sabi ko sa sarili ko

*agad na ko ng pinaandar ang aking car upang lumipat ng ibang lugar na pwedeng puntahan ni Sakura ng biglang may matanaw ako mula sa malayo na isang familiar na taxi*

The Way I Love YouWhere stories live. Discover now