Tigang ako, okay!

5.5K 119 15
                                    

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay halos di ako makatingin nang deretso sa Boss ko.

Iniiwasan ko rin siya at iyong ibinigay niyang  mga assistants ko ang palagi kong ipinahahatid ng mga files na kailangan niya.

Sosyal ko noh? Ako iyong secretary na may assistants. At di lang isa, take note dalawa sila. Astig!

Agad akong napatutok sa computer ng isang assistant ko na si Roma, kunwari busy-busyhan nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina namin ni Jiron at iniluwa siya mula roon.

Oo, namin dahil nasa loob ng office niya ang totoong table ko at doon naman talaga ako dapat nakaupo ngayon habang nagtatrabaho pero dahil sa nangyari sa amin ay halos dito na ako naglalagi sa table ng mga assistants ko which is nasa labas lang ng office.

Dito ako noon tumatambay basta may kalokohan akong ginagawa tulad noong pagpapasok ko sa fans club niya pero nitong mga nakaraang araw pagkatapos nung nangyari ay naging permanent resident na ako dito.

Hindi ko naman narinig na nagkomento si Jiron pero ramdam ko palagi ang masana niyang tingin tuwing napadaan dito sa kinapupwestuhan ko.

Narinig ko ang pagsinghap ng dalawa kong assistant na nasa tabi ko lang.

Ewan ko ba sa dalawang ito at laging tensiyonado tuwing nasa paligid ang Boss namin.

"May kailangan kayo Mr. Dela Merced?"  alanganing tanong ni Gemma, iyong kasama ni Roma.

Pauso talaga ng kulugong ito, Mr. Dela Merced! Tunog matanda!

" Dimasaling, gusto mo bang ipatapon ko na lang sa basurahan iyong table mo sa loob ng office ko?"  malamig niyang  tanong .

Mas lalo kong pinag-igihan ang busy-busy-han kong drama.

Bahagya ko lamg soyang sinulyapan bago mabilis na binalik sa ginagawa ang atensiyon ko.

Nakahalukipkip siyang  nakatayo sa harapan ng table ng mga assistants ko kung saan ako nakaupo. Kahit saglit lang iyong pagsulyap ko sa kanya ay kitang-kita ko ang masamang tingin niya sa'kin.

"Ok lang, dito na lang ako—"

"Ginagalit mo ba talaga ako?"
Malakas niyang sigaw kasabay ng pagkahulog ng hawak na files ni Roma.

Napilitan tuloy  akong mag-angat ng tingin mula sa kunwarian kong pagtatrabaho.

Iyong dalawa kong assistant ay di na mapakali sa kanilang kinauupuan at parang gusto nang mag-iyakan dahil sa galit na hitsura ng Boss namin.

"Ano bang problema mo? Ikaw iyong may gustong itapon iyon di ba? Pumayag lang ako tapos galit ka na?"

"Gusto ko lang naman itapon iyon dahil lagi kang wala doon! Nagpapabaya ka na ba sa trabaho mo?" mariin niyang  tanong.

Lalong sumama iyong  tingin niya  sakin, parang pinapatay niya na ako sa titig niya kaya siguro iyong mga assistant ko parang gusto nang magsitakbuhan palayo.

" Kahit wala naman ako doon ay nagagawa ko naman nang maayos iyong trabaho ko. May reklamo ka ba sa trabaho ko?"

"Ou...kailangan ay lagi kang nasa table mo!"

"Bakit pa? Nagagawa ko naman ng maayos iyong trabaho kahit wala ako doon ah!"

"Di nga pwedeng wala ka doon sa table mo."

"Ano bang kaibahan ng
nandoon ako at nandito ako at bakit mas kailangang nandoon ako?"

"Kasi gusto kitang nakikita pag nagtatrabaho ako!"

Ms. SUNGIT meets Mr. MAS MASUNGITWhere stories live. Discover now