di na ba masakit?

5.1K 112 4
                                    

Ngayon na ang fiesta sa barangay namin. Mayroong parada ng patron namin at street dancing na sinalihan ng mga bata.

Ang cute ng mga costumes nila at mga props kaya tuwang-tuwa akong kumuha ng mga pictures.

Pagkatapos nitong parada at street dancing ay may malaking salo-salo sa kapilya at sponsor lahat iyon ni Jiron.

Speaking of kulugong kasama ko ngayon , ako ang itinalagang maging guide ng lalaking ito habang dinadaos ang kasayahan.

Mukhang okay naman siya so far kasi kahit pinagpawisan na ay hindi pa rin niya ako sinisigawan kahit na lagi ko siyang inuutusang kuhaan ako ng picture kasama ang mga nag-street dancing.

Wala akong narinig na reklamo kahit konti at parang tuwang-tuwa pa siyang sinusunod lahat ng utos ko.

Sa aming dalawa ay siya pa ang nagmukhang alalay dahil lagi siyang nakaalalay sa'kin at ayaw niyang bitiwan ang kamay ko dahil baka daw masagi ako ng mga taong nakikisabay sa sayawan ng mga batang nagsasayawan kasunod ng patron namin na nasa pinakaunahan ng nagaganap na parada.

Maipit lang ako nang kaunti dahil sa dami ng tao ay nag-aalala agad siya at kulang na lang ay isuksok ako sa katawan niya para di ako madutdot.

Kahit nga noong dumugin siya ng mga tao para magpa-picture kasama siya ay di niya ako binitawan kaya hayon imbes siya lang dapat ay kasama na rin pati ako. Nakikisawsaw sa kasikatan ng lalaking dito sa lugar namin ang kagandahan ko.

Di ko naman maiwasang kiligin tuwing mapasulyap ako sa kanya kasi naman kahit nakasimpleng polo shirt at cargo pants lang siya ay nag-uumapaw pa rin ang kagwapuhang halos ayaw nang lubayan nang ti ginng mga kababaehan.

Parang di ako makapaniwalang ang gwapong lalaking ito na ayaw bumitiw sa'kin ay mapaghalataang  baliw na baliw sa  alindog ko.

Haba ng hair ko!

Habang nagkagitgitan ang mga tao sa paligid namin ay pasimple akong dumitkit sa kanya. Para na tuloy siyang nakayakap mula sa likod ko.

Tirik na tirik ang araw pero mas hot pa sa araw itong kasama ko kaya sarap tsansingan.

Naghiyawan at lalong naggitgitan ang mga tao sa paligid namin nang dumaan ang grupo ng mga kabataang bet nilang manalo sa street dancing kaya ang pasimple kong pagdikit kay Jiron ay naging totohanan na.

Napasinghap ako nang pumulupot sa baywang ko ang isang braso niya upang mas lalo akong kabigin palapit sa
kanya.

Ramdam ko ang matigas niyang katawan na lumapat sa likod ko.

Napapaypay tuloy ako sa sarili ko hindi dahil sa init ng araw kundi dahil sa init na nagmula sa matipunong katawan ng lalaking nakayakap sa'kin.

Mahina akong napaungol nang maramdaman ko ang umbok niya na kumiskis sa ibabaw ng pang-upo ko.

Juice mio marimar! Mukhang lumalaki yata iyon!

"Damn it! You're giving me a boner," mahina niyang  bulong sa tainga ko.

Halos di naman ako makakilos at baka may makapansin sa mga taong nasa paligid namin na ang pamumula ng pisngi ko ay hindi dahil sa init ng araw kundi ay dahil sa binulong sa'kin ng lalaking halos nakayakap na mula sa likuran ko.

" Ang bastos ng bibig mo! Manahimik ka nga diyan!" natataranta kong bulong pabalik nang may iilang napatingin sa puwesto namin.

Dahil sa pagkilos ko ay mas lalong naipit sa pagitan naming dalawa,  ang malaking umbok niya.

"Shit!Shit! We have to get out from here," nagmumura niyang pahayag at iginiya ako patalilis sa umpukan ng mga tao habang di pa rin bumibitiw  mula sa  pagkakayapos sa'kin.

Ms. SUNGIT meets Mr. MAS MASUNGITWhere stories live. Discover now