Are you crazy?

4.4K 126 25
                                    

"What's the meaning of this?"

Malakas kong naitulak si Jiron nang marinig ko ang boses ng kapatid ko sa pintuan ng silid ko.

"Aray! Ano ba? Bat mo ako tinulak?"  masungit na reklamo ni Jiron habang tumatayo mula sa pagkakabuwal.

Nang mapatingin si Alicia kay Jiron ay kulang na lang tumalon at gumulong sa sahig ang panlalaki ng mga mata nito.

" Oh my God! Mga taksiiil!"  parang sa teledrama na sigaw ng baliw kong kapatid.

May panginig-nginig pa ng kamay habang nakaturo sa'min ni Jiron!

Nabaling naman dito ang pansin ni Jiron.

Napakunot ang  nito nang makita ang wari ay shock at maluha-luha kong kapatid.

"Who are you?"  masungit nitong tanong sa kapatid ko.

Napahilamos na lang ako ng mukha sabay pikit ng mariin!

Good luck nalang kay Jiron, first hand niyang ma-experience ang kabaliwan ni Alicia.

" Tinatanong mo kung sino ako? Ako lang naman ang ina ng magiging mga anak mo! Ako, ako ang naghirap at nagtaguyod sa bubuuin nating pamilya,"  madramang simula ni Alicia.

Tulala namang napatingin dito si Jiron habang ako gusto ko nang lumubog sa kinahihigaan ko.

"Are you crazy?" bulalas ni Jiron.

" Ou, baliw ako! Nababaliw ako sa kakaisip kung kumain ka na ba? Kung nakatulog ka ba nang maayos o kung may sakit ka ba!"

Lord, iyong kapatid ko pakibatukan po, nakakahiya na siya!

"Pero ano? Ano itong nadatnan ko?? Nakita ng dalawang mga mata ko! Hinahalikan mo ang anak ni Gabriela Silang na tagahasa ng itak sa himagsikan!"

Parang nabato nang nakatingin sa kapatid ko si Jiron.

Masyado kasing emosyonal ang delivery ng baliw kong kapatid.

"Miggy ng buhay ko, sinaktan mo ang puso ko! Ang puso kong nahmamahal sa'yo! Miggy, sana ako na lang, sana, ako na lang ulit! Ano bang mayroon sa anak ni Gabriella Silang na wala sa akin?" may paluha-luha pa nitong patuloy na pagdadrama sa harapan nang natulalang si Jiron.

" Oy Alicia! Tumigil ka nga  diyan bago pa ako makabangon dito at mahambalos kita ng dustpan!! Di ka si artistahim  kaya manahimik ka nga! " Galit na galit kong bulyaw sa kapatid kong inaanay na iyong utak.

"Grabe ka ate, nahalikan ka na ng Miggy ng buhay ko pero masungit ka pa rin. Patawas ka kaya." nakairap nitong sabi sa'kin.

Maarte nitong pinshid ang mga luha bago ubod namg tamis nangumiti kay Jiron.

" Hi Miggy...pasensiya ka na sa Ate ko hah. Ganyan talaga iyan, masungit kasi malapit ng maging matandang dalaga." Pa-cute nitong baling kay Jiron na mukhang di pa naka-recover sa nasaksihang episode ng kapatid ko.

At sa akin pa talaga magpasensiya si Jiron, sinisiraan pa ako ng magaling kong kapatid!

"Ako nga pala si Alicia,   Ally na lang para bagay tayo. Ang gwapo mo!" Parang kiti-kiti pa itong kinikilig habang nagpakilala kay Jiron.

Si Jiron naman ay mukhang na-trauma yata dahil nakatanga lang  siya sa kapatid ko.

" Pwede ba Alicia, lumayas ka dito sa silid ko!"  bulyaw ko dito.

"At para masolo mo si Miggy? No way!" Mabilis nitong tanggi.

At nanghuhusga akong tiningnan na para bang may masama akong gawin sa Miggy niya!

Ms. SUNGIT meets Mr. MAS MASUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon