✓Chapter 9 - Lost Memories

33.4K 817 23
                                    

*Winter POV*

_Kinabukasan_

Hay....happy 18th birthday to me....
As always morning routine...
Utos here...Utos there...Utos everywhere na naman.

Pagkatapos ng mga pinagagawa nila agad narin akong nag-ayos ng sarili ko.

Magsisimba ako ngayon.. at pasasalamat sa Diyos dahil naabot ko ang edad na ito.

Ngunit kanina pa talaga may bumabagabag sa isip ko eh.

Kanina pa ako kinakabahan.
Parang may mangyayaring hindi maganda ngayong araw.

Di ko na muna yun iniisip kahit binabagabag ako nito.

Pagkatapos kong magdasal at magpasalamat sa simbahan umuwi ako mag magtatanghali na kasi.

Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong tinawag ng stepmother ko.

Nasa second floor sila ng mga anak niya.

"Na sayo ba ang pera at mga alahas ko ha!!!"galit na sigaw ng stepmom ko.

"Wa-" di ko na natapos ang sasabihin
ng sampalin niya ako.

"May balak ka pa talagang magsinungaling sakin ha! Ano naman ang mga nakita ko sa ilalim ng kama mo ha..magnanakaw ka!!" Galit na galit na sabi niya..

"Wala akong ninakaw" bored kong sabi.

Akmang aalis na sana ako ng bigla niyang hinila ang buhok ko at pinagsasabunutan at pagkatapos pinaharap niya ako sa kanya at pinagsasampal.

Kahit masakit ang ginagawa niya pinabayaan ko nalang itong gawin kung ano man ang gusto niyang gawin hindi ako kailan man magpapakita ng kahit anong emosyon..namatay na ang kalahating ako nung mawala ang taong kaisa-isang tumanggap at nagmahal sakin.

"Magnanakaw ka pagkatapos ka namin kupkupin ito pa ang igaganti mo sakin walang modo" galit na galit na sigaw nito sakin habang patuloy akong sinasabunutan at pinagsasampal.

Di pa siya natapos at pinagtutulak niya ako .....nasa may banda hagdanan na ako isang tulak nalang ma o-out of balance ako.

Kala ko'y di na niya ako itutulak pero nagkamali ako tinulak niya ako ng malakas na agad kong ikinahulog sa hagdan.

Di ko na alam ang nangyari at nakita ko nalang ang sarili ko na inilabas nila ako ng bahay at itinapon sa labas, nakahandusay sa sahig at may bahid ng dugo sa bandang ulohan ko na sa tingin ko'y nabagok na naman ang ulo ko pagkatapos mahulog.

"Wag ka nang babalik dito impakta ka" narinig ko pang sigaw nito bago pumasok sa loob.

Para akong manhid na hindi ko manlang naramdaman ang sakit pero kasabay nun biglang sumakit ang ulo ko at may mga imahe akong nakita.

And everything went black.

~dream~

Nasaan ako? Bat ang dilim dito pinatay ba nila ang ilaw? Sa pagkaka alala ko kanina tinulak ako ng stepmom ko ng malakas at nahulog ako sa hagdan.

Wait! It means I'm dead pero diba dapat liwanag ang nakikita ko pero bat ang dilim?

Maya-maya may narinig akong mga tinig.

Parang napunta ako sa ibang lugar.

"Anong pangalan mo?" Tanong ng isang batang babae..malabo ito sa aking paningin lalo na pag tumingin ako sakanya.

"Ace Ferno my princess"Sabi ng isang batang lalaki..kumpara dito malinaw kong nakikita ang mukha nito.

May kahawig tong batang lalaki na to pero hindi ko lang maalala.

Nasaan ba talaga ako?

"Are you the Fire Prince?" Tanong na naman ng batang babae.

"Yes and someday you'll be my queen and a mother of our future children" Sabi ng batang lalaki.

Kahit malabo ang paningin ko sa batang babae alam kong kinilig ito dahil napangiti ang batang lalaki sa reaksiyon ng batang babae.
Napangiwi naman ako sa aking nasaksihan. Mga bata palang naglalandi na.

"Hahaha...magiging kumpare na kita ngayon King Clint" masayang sabi isang lalaking may pulang lining sa buhok pati narin ang katabi nitong babae at mayron silang mga korona..na nanonood pala sa mga bata..maski ako ngayon ko lang din sila napansin.

"Oo nga.." Sabi ng isa pang lalaking may gold linings sa buhok parehas din dun sa babaeng kasama nito na may korona rin sa ulo.

Ang saya nilang pagmasdan.

Nalipat na naman ako sa ibang lugar.

_Next Scene_

"Happy birthday princess" masayang bati ng isang batang lalaki na sa tingin ko'y nasa pitong taong gulang.

"Thanks kuya" masayang sabi ng batang babae kanina sa tingin ko'y magkapatid sila..malinaw na nakikita ko ang likod ng batang babae..ngunit nung humarap ako dito naging malabo na naman ang pagtingin ko sa mukha niya..bakit malabo?

"Princess tara laro tayo" Sabi ng isang batang lalaki.

"Tara kuya sa room tayo nila mom"masayang sabi ng batang babae.

Pagkarating nila sa silid ng kanilang magulang ay bumati muna ito at naglaro.

Lumapit naman ang babaeng may crown na may gold linings sa buhok sa dalawang batang naglalaro.

"Happy birthday my dear princess"
Sabi nito siguro ay anak niya itong batang ito at nakita kong may isinuot siyang kwentas rito.

Tiningnan ko kung anong klaseng kwentas ang isinuot ng babae na I think ang Reyna ito.

Wait??

Malinaw ko itong nakikita! Yung kwentas? Paano?

Winter Eliza...

Whaaat????

Bakit kapangalan ko ang batang ito?
Bakit nasa kanya ang kwentas ko?

Pagkatapos isuot ng babae ang kwentas ay bumalik ito sa kanyang asawa at masayang punagmasdan ang mga anak nila ng...

~bogggggggsssssshhhhh~

Bakit ko toh nakikita kanino itong alaala?..bakit blur na mukha Lang ang nakikita ko sa batang babae? ako ba ang batang ito? Pero impossible bakit may Hari at Reyna? Bakit may kastilyo? Bakit may mga nagliliparang creatures? Sino ba talaga ako?

______________________________________________

Hello hello hello..
How's doing?

Hope you enjoy reading.

E L I Z A B E T H    D.

The Long Lost Goddess Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now