✓Chapter 20 - Forbidden Garden

31.6K 747 5
                                    

*Winter POV*

Hanggang ngayon di pa ako makatulog.

Time check: 11:53 PM

Auugghhh naman bat di ko makalimutan ang mga salitang yun..

Bat sobra sobra ang epekto ng mga salitang yun?

Sino ba ang traydor? At sino ang magsasakripisyo?

Kung nandito na ang prinsesa bakit hindi pa siya nagpapakita?
Sigurado akong siya ang tinutukoy nung mga salitang lumabas kanina.

Dahil makapangyarihan ang prinsesa.
Kailangan ko ring hanapin ang mga magulang ko.
Nalalapit na ang digmaan..kailangan kong bilisan ang mga gagawin ko.

I better find out..who are my parents is..

Dahil sa hindi ako makatulog napagpasyahan kong lumabas muna.

Pumunta ako sa tinatawag nilang forbidden garden.
Nalaman ko ito sa mga sabi sabi ng mga estudyante dito.
Hindi sa chismosa ako ha narinig ko lang.

Pagkarating ko dun.
May placard na nakalagay na bawal pumasok dun, more dangerous creatures, no trespassing chu-chu tssk as if takot ako..baka sila pa nga ang matakot eh!

Sa labas mapapansin mong creepy siya pano ba naman para ng haunted forest toh na maiisip mo agad na marami talagang nakakatakot na creatures sa loob.

Tssk. Pumasok na ako sa loob.

Kung mapapansin maawa ka sa lugar na ito.
Yung lupa hindi na tinutubuan ng damo.
Yung mga puno dito halos patay na.
Ang tahimik at creepy ng lugar na toh nakakakilabot idagdag mo pang gabi na at malamig ang simoy ng hangin.

Pero namumukod tangi ang kaisa-isang puno na nag nining-ning sa ganda.
May mga nakapalibot ditong mga munting nilalang na lumilipad at pinapalibutan nila ang puno na para bang ito nalang ang kaisa-isang puno na kanilang pino-protektahan.

Fairy? Tama fairy nga..ang mga munting nilalang na toh.

Ngunit bakit nanghihina sila?
Bakit? Anong nangyayari sa kanila?

Lumapit ako sa kinaroroonan nila.
Napansin kaagad nila ako.

"Bakit ka narito binibini ikaw na ba ang hinihintay namin?" Nahihirapang sabi ng isang purple na fairy.

"P-Princess?" nanghihina sabi ng isang yellow na fairy.

"A-Anong nangyari sa inyo? S-Sino ang g-gumawa sa i-inyo ng g-ganito?" ang kaninang blankong ekspresyon ay napalitan ng lungkot.

Naawa ako sa kalagayan nila..nanghihina at pagod na pagod ba sila.

Hindi ko napansin na tumulo na pala ang luha ko.

*Third Person POV*

Pagka tulo na pagka tulo ng luha ni
Winter sa lupa ay agad itong nagliwanag.

May nabuong isang gintong bulaklak
Na nagniningning sa ganda
At ang nakakaakit nitong halimuyak
Na lalong nagpapatingkad sa ganda nito.

Agad itong napansin ni Winter.

Kanya itong hinawakan.
Pagkalapat na pagkalapat ng kanyang daliri sa bulaklak ay mas tumingkad pa ang liwanag nito.

Nabalot ang lugar ng liwanag biglang nagbago ang lahat.

Ang kaninang patay na mga puno ay kumikinang na at buhay na buhay.
Ang kaninang lupang Hindi na tinubuan ng damo ay tumubo na.

Ang kaninang creepy na aura ng lugar ay nabalot ng sigla at kapayapaan kahit gabi na ay makikita parin Ang ganda nito.

Mayron palang lake sa may likod ng punong kumikinang ang ganda parang paraiso ang tubig nito ay sing linaw ng Crystal at may mga isdang masayang lumalangoy.

Maski ang mga fairies ay gumaling at masayang masaya na bumalik ang kanilang dating tirahan.

Samantalang si Winter naman ay nagbago ang kasuotan.
Masasabing isa nga siyang tunay na dyosa.

Ang kaninang naka jeans at T-shirt lang ngayon ay naka dress nang white at may tiara pa ito sa ulo.

Bigla nalang siyang napaluhod at naluha sa hindi malamang dahilan.

*Winter POV*

Hindi ko na kinaya pa ang mga naalala at nalaman ko.

Nagbalik na ang mga alaalang nawala sakin..nagbalik na ang alaalang matagal ko nang inaasam na malaman.

Ako at ang batang nasa panaginipan ko ay iisa.
Ngayon naiintindihan ko na.
Namimiss ko na ang mga magulang ko! Ang kuya ko! Si kuya Ezekiel.
Hindi parin ako makapaniwalang
Ako ang nawawalang prinsesa ng Diamond kingdom.

It's like my mind is about to explode when nung maalala ko ang lahat..this is unexpected.

Ngunit kailangan kong mag-ingat.
Kailangang wala munang makaalam ng totoo kong pagkatao.
Gustohin ko mang umuwi at makapiling ang pamilya ko.
Di ko sila ilalagay sa kapahamakan.
Parating na ang madugong labanan.

Lalo na ngayong may traydor na darating at magpapanggap bilang ako.

Hindi dapat ako magpadalos dalos.
Nasa kamay ko ang kaligtasan ng aking mga nasasakupan.
Ang Haven's Acre World.

______________________________________________

Hope you enjoy reading guys..

Keep reading.

Have a nice day..

Kamsahamnida
_saranghae_

E L I Z A B E T H    D.

The Long Lost Goddess Princess (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum