✓Chapter 60 - Devaju?

24.2K 515 8
                                    

*Winter POV*

"I-it's Joanna, right?" Naiiyak kong tanong dito.

"Hush now kitty, yes she's the girl" Sabi nito saka niyakap ako.

"Iligtas natin siya teddy!! Gusto ko pang masaksihan ang love story nila..ang ganda kasi" Sabi ko dito habang pinupunasan ang luha.

"Mas maganda pa ang love story natin sakanila" bitter na sabi nito.

"Eh!! Mala fairy tale kasi story nila..kung sa mortal world ang princess ang naghahanap ng kanilang true love but this, it's really unique and very interesting love story I've ever heard" mahaba kong sabi dito sabay nguso.

"But Ours are more magical than a fairy tale" seryosong sabi nito..gosh di ba siya nagsasawang pakiligin ako..kahit na cold ako sa ibang tao sakanya ko talaga naipapakita ang iba't-ibang emosyon ko.

Naramdaman ko naman ang pamumula ng pisngi ko.

"Your cute kitty, when your blushing!" Natatawa niyang sabi.

Napairap naman ako sa sinabi nito..

Narinig ko naman siyang hulakhak..gosh..nasapian na siya.

Sinimangutan ko siya at tumalikod sakanya.

Tumigil naman ito sa pagtawa at naramdaman ko naman na yumakap ito sa likod ko.

"Sorry na kitty, I just miss you..gosh" Sabi niya.

"Hmmp" Sabi ko dito.

"I love you kitty" Sabi nito sakin..palihim naman akong napangiti.

"I love you too teddy" sagot ko dito..

Pinaharap naman ako nito at akmang malalapat na ang aming mga labi ng makarinig kami ng isang malakas na pagsabog..Teka parang dejavu lang ito ha?

Agad naming pinuntahan ang pagsabog at napag-alamang nanggaling iyon sa labas ng gate ng academy..

Pagkarating namin mapapansin ang laking crack ng barrier na nakapalibot sa buong WMA.

Oh my..nagsisimula na sila.

Ilang sandali lang ay dumating ang mga royalties kasama sina ama at ina pati na ang kambal.

"Nagsisimula na sila" seryosong sabi ni ama.

"What do you mean Aven?" Naguguluhang sabi ni kuya Ezekiel.

"Kailangan na nating maghanda..nalalapit na ang digmaan ang ginawa nila ngayon ay isang babala na malapit na silang sumugod" Sabi ni Ina.

"Pano mo naman iyon nasabi Care?" Tanong ni Marianne kay ina.

"Dahil sa simbolong iyon" Sabi ng isang tinig..agad kaming napatingin sa nagsalita only to find out that it's Angelica na nakaturo sa labas na parte ng barrier na may itim na flag at nakaimprinta Doon ang pinag ikis na espada at sa gitna nun ay isang bungo.

Gosh so creepy.

Nakita ko namang nababakas ang takot sa mga Mata ng mga royalties.

"Wala kayong dapat ikatakot mabibigay lamang ito ng lakas sa mga kalaban pag nakikita nila ang takot sa mata ng kanilang kalaban kaya't hangga't maari wag kayong papadala sa takot niyo bagkus ay gawin niyo itong lakas ng loob para mapuksa ang mga taong naghahasik ng lagim sa mundong Ito" Sabi ko sakanila..agad naman silang napatango..

"I'm sorry Winter" panghinging paumanhin ni Anna.

"Me too I'm sorry" Sabi ni kuya Ezekiel.

Hanggang sa sinundan na Ito ng iba..napangiti nalang ako at pinatawad sila.

"It's okay guys, for now we will have to save an important person" seryoso kong sabi sakanila.

"Then whose this person" tanong ni Vince.

"You'll find it out later" Sabi ko sakanila.

Naghanda na kami sa pagpunta sa Darkian kingdom kung saan nasa dark dungeon nakakulong ang lalaking nais naming iligtas.

Naging madali lang ang pagpunta namin dahil humingi ako kay Joanna ng isang stone portal..marami siya nito dahil sa binibigyan siya ng Hari ng kadiliman nito dahil sa siya ang nagsisilbing espiya nito dito sa WMA.

Nang makapasok na kami sa portal isang madilim at nakakakilabot na lugar ang tumambad samin.

Ngunit kapansin pansin ang kaharian na sumisigaw sa kasamaan ng mga taong nasa loob nito..

Agad kaming pumunta doon at nagtago..

Gumawa muna kami ng plano.

Napagdesisyonan namin na hatiin sa dalawang grupo ang aming pangkat.

Unang pangkat:

Ako, Ace, Ama, Ezekiel, Anna

Pangalawang pangkat:

Vince, Marianne, Florence, Ina, Lyn Rose

Sa unang pangkat kami ang papasok sa palasyo at magpapanggap na tagapagsilbi at kawal upang hindi mahalata at mapuntahan ang mga bihag nito.

Samantalang sa pangalawang pangkat sila na ang bahala sa portal at ang mga taong ililigtas namin.

Nagsimula na kami at dahan dahan na pumunta sa pinakalikod ng palasyo kung saan andun ang mga tagapagsilbi..pinauna na namin ang mga lalaki dahil maghahanap sila ng kagamitan pangkawal.

Nakita namin ang ilang tagapagsilbi na naghahanda para sa hapunan yata ng Hari..ngunit mapapansin sa mga ito ang mga sugat at pasa sa katawan.

Siguro ay mga bihag sila na ginawang tagapagsilbi dito..nakita ko naman sa di kalayuan ang isang babaeng nahulog ang ihahain na sanang pagkain para sa Hari ngunit mabitawan nito kaya't walang awa siyang pinagsasampal, sipa, at ang mas matindi ay nilalatigo siya..

Mga walang puso..susugod na sana ako ng pigilan ako ni Anna.

______________________________________________

Hintay hintay na naman ulit ng update.

Tiis tiis muna..don't worry ilang chapters nalang po matatapos ko na ang story na toh.

Sana'y patuloy niyong suportahan ang story na toh at sa mga susunod na story ko..

Love you all.

Kamsahamnida.

Ms. Winter Rose

The Long Lost Goddess Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon