Two Points

1.1K 38 3
                                        

"Dad, di ko naman po talaga sinasadya eh. Aksidente lang po yun" pagmamakaawa ko kay Daddy. Di na ako magtataka kung itakwil nila ako dahil sa kalandian ko.

"Hoy Jackque Gyl, tumayo ka nga diyan. Daig mo pang nasa teleserye may pagluhod ka pang alam" tumayo naman agad ako.

"Di ka po galit? Di niyo po ako itatakwil? Di niyo po ako papalayasin?" sunod na sunod na tanong ko habang nakangiti sila Mommy sakin.

"Sa wakas Anak may bago na akong aalagaan na apo" tuwang-tuwa si Mommy.

"Mi? Dad? Di ba po dapat galit kayo?" Anong nangyayari sa mga magulang ko? Dapat magalit sila dahil buntis ang kanilang unica hija.

"No Anak, makakasama lang sayo kapag nagalit kami. Ganito na lang, Mi,magluto ka. At ikaw Jaki, tawagan mo ang ama ng magiging anak mo para makausap na namin" excited na sabi ni Daddy. Halata ang saya sa kanilang dalawa ni Mommy habang ako naman ay gulong gulo.

"Yun na nga Daddy eh,hindi pa po niya alam na nabuntis niya ako" tinabihan ako ni Daddy sa sofa at inakbayan.

"Eh di ipaalam mo. Karapatan niya naman sigurong malaman, alam ko namang may pinagsamahan kayo" napalayo ako kay Daddy. Kilala ba niya ang tinutukoy ko.

"Dad! Wala naman kaming pinagsamahan ng bwisit na yun" singhal ko. Naiinis talaga ako kapag naaalala ko yung kabayong yun. Ang gagong baklang iyon!

"Anong wala? Ano isusuko mo ang pagkababae mo sa lalaking hindi pinakisamahan at hindi mo boyfriend?!!" napatango na lang ako sa sinabi ni Daddy. Napasapo na lang siya sa noo dahil sa pag-amin ko.

"Ano bang pinasok mo?!" Tanong ni Mommy na biglang nawalan ng malay.

"Mommy!!!" aligagang nilapitan namin siya ni Daddy at sinugod sa pinakamalapit na ospital.

May mangyari lang masama sa Mommy ko!! Lagot sa akin ang kabayong iyon.

"Tumaas lang po ang dugo ng misis niyo pero stable na po ang kondisyon niya"pagbabalita sa amin ng doktor. Agad naman naming pinuntahan sa kwarto niya si Mommy.

"Mi?!" gising na pala siya. "Mi, sorry po. Kasalanan ko naman eh" mangiyak-ngiyak ako habang nakayakap kay Mommy.

"Ikaw talaga bunso simula bata ka ang tigas ng ulo mo, sana hindi yan mamana ng magiging anak mo"sinilip ko si Mommy bago siya humalik sa ulo ko.

"Hindi ka po galit?" umiling siya at hinalikan ang noo ko. "Tanggap namin ng daddy mo pero anak, ang isang pagkakamali ay hindi maitatama ng isa pang mali. Kailangan nating ituwid 'yang kasalanan mo"

"Ano pong ibig niyong sabihin?" takang tanong ko.

"Magpakasal kayo ng ama ng magiging anak mo" gulat na gulat ako sa suwestiyon ni Mommy. Kailangan pa ba yun?

"Ano ready ka na?" tanong ni Madc sa akin. Nagpahatid kasi ako sa kanya sa isang restaurant na pagkikitaan namin ni Vice.

Oo, siya nga. Hindi ko naman alam na ina-apply pala niya sa buhay yung pagiging mabilis niya. Ayun, nadali ako ng santong paspasan na yan.

"It's now or never Bes" nagpaalam na ako sa kanya at bumaba ng sasakyan niya.

Inihatid naman ako ng waiter sa table na pinareserve ko. Wala pa yung baklang na yun.

"Baby, basta kahit anong mangyari always remember na mahal ka ni Mommy. Tanggapin ka man o hindi ng daddy mo, hindi kita papabayaan" tutal wala akong kausap ay napagdiskitahan kong kausapin ang tiyan ko.

The Unicorn and The PiggyWhere stories live. Discover now