Expect every other chapter may Berdeng Mansanas hahahaha
This one wala. Pure ka-emehan lang siya.
Katatapos lang ng Showtime, hindi muna ako umuwi dahil sa ilang detalye na kailangan naming pag-usapan ng team ko. Plano kasi nilang magcelebrate sa successful concerts ko kaya naman todo paghahanda ang lahat.
"If gusto niyo magbeach then doon na lang tayo. Kayo bahalang magdecide kasi mas madami kayo, for sure naman masaya iyan kasi magkakasama tayo" suggest ko kila Bonita.
"Settled na? Beach outing na talaga. Okay, ipa-reserve na lang natin ang place tapos gora na" saad ni Bonita. Nagligpit na ako ng gamit ko at kinuha ang bag ko.
"Hindi ka sasabay Meme?"
"Hindi muna, aayain ko sana lumabas ang Lablab ko. Makabawi manlang sa dalawang araw na pagkabusy ko" nakakalokong ngiti ang ibinigay nila sakin.
"Level up ka na talaga! We are so happy for you" saad ni Neggy sa tabi ko.
"Mga siraulo! Sige, mauna na ako. Balitaan niyo na lang ako sa plano basta sabihan niyo na ang iba para madami tayo" nagpaalam na ako sa kanila bago bumalik ng studio. May dance rehearsal pa kasi ang Lablab ko.
"Sinong hinahanap mo?" Tanong ni Ate May sa akin.
"Saan ang girlfriend ko?" Ang dami kasi nila sa stage, Hashtags, Girltrends, XB Gensan pati ibang dancers kaya hindi ko makita ang hinahanap ko.
"Hala! Meme kanina pa umuwi si Jaki" sagot ni Melvie sakin.
"Huh? Bakit di nagsabi sa akin? Umasa pa naman ako na nandito siya"
"Nagpaalam sa akin kanina na hindi daw siya papasok bukas kaya wala siya dito ngayon" dagdag pa ni Ate May.
"Bakit daw?" Nakakainis naman, ni hindi manlang siya nagsabi sa akin.
"Birthday daw ni Tita Lou bukas, magcecelebrate sila. Hindi ka ba invited?" Umiling ako bilang sagot.
"Bakit di manlang siya nagsabi sa akin na uuwi na siya? Yayain ko pa naman sana lumabas"
"Kasi nga po nagtatampo siya sayo" dagdag ni Madc, naupo ako sa tabi nila para makipagkwentuhan.
"Tampo? Okay naman kami kanina?"
"Nagpapanggap lang iyon" sabay tawa ni Melvie. "Hindi mo manlang daw siya binati kanina eh monthsary niyo ngayon"
"Kaya nga magde-date sana kami ngayon. Sayang naman ang pinareserve ko" sinadya ko naman talaga iyon para kunwari nakalimutan ko, in that case mas masurprise siya sa gagawin ko.
"Tawagan mo na lang baka nasa condo na siya" suhestiyon ni Madc. Nilabas ko ng phone ko para tawagan siya.
"Hello Lablab"
"Oh?" Walang ka-sweet sweet na sabi niya. Sinenyasan ako nila Melvie na i-loud speaker ko daw kaya sinunod ko.
"Akala ko may rehearsals kayo, nasaan ka?"
"Nasa condo ko. Matutulog na ako, bye na!"
"Wag mo ibaba iyan magagalit talaga ako sayo" pagbabanta ko pero biro lang.
"Eh di magalit ka! Wala akong paki!"
"Grabe ka naman Lablab. Nasaan ka ba talaga? May plano pa naman ako tapos wala ka na pala sa studio. Ni hindi ka nagpaalam sakin" may halong pagtatampo na sabi ko sa kanya.
