For Jaice

946 28 16
                                        

Hi baby, sorry sa pa-ending ko dun sa Us After.

Kapag big girl ka na ipapaliwanag yun ni Mommy at Daddy mo sa'yo.

Update muna kahit maulan.

Stay safe and dry everyone

__________________________________________________

Halos manlumo ako sa pagdating ko sa ospital. Tinakbo ko na nga ang traffic kanina para lang mas mabilis akong makarating.


I was in the taping for my upcoming movie nang tumawag si Jackie, yung angel ko sa bahay at sinabing dinala nila si Jaice sa ospital dahil nahulog daw ito sa paglalaro niya kanina.


Ako ang in-charge na mag-alaga sa kanya ngayong araw pero hindi ko nagawa dahil sa commitment ko.

"Ate Tina? Ano kumusta ang anak ko?! How is she? Nagkasugat ba? Ooperahan? ANOOOO!!"


"Maghunus-dili ka nga Vice! Wala namang masamang nangyari bukod sa sugat niya sa forehead na pumutok kanina dahil napatama yata sa table. May konting galos lang pero maayos na siya"


Nabawasan naman ang kaba ko sa balita ni Ate sa akin. Mabuti na lamang at nandito siya para may mag-asikaso sa nangyari sa anak ko.


"Nakatulog na yung bata, nasa loob din si Jaki"


"Si Jaki?.."


"Oo, katulad mo naghysterical din siya kanina. Panic kung panic"


"Kasi naman eee. Kasalanan ko, ako dapat nag-aalaga sa kanya kanina" niyakap ako ni Ate Tina at mahinang pinalo sa braso.


"Pumasok ka na doon sa loob, magtutuos pa kayo ni Jaki. Balik lang ako sa trabaho ko"


Kinakabahan naman akong pumasok sa private hospital room ni Jaice.


Nakita ko kaagad ang medyo may kalakihang benda niya sa may noo at galos sa kamay.


Napansin ko rin si Jaki habang hawak ang kamay ni Jaice at nagtataas-baba ang balikat niya.


She's crying silently.


"I'm sorry. It was all my fault" napalingon siya sa akin,nagpahid ng mga luha at tumayo.


"Kanina ka pa? Sorry ang drama nitong naabutan mo" tumawa pa siya pero hindi nito naalis ang lungkot sa mga mata niya.



"I sincerely apologize Jaki, kasalanan ko 'to. Ako dapat nag-aalaga kay Jaice ngayon pero nasa trabaho ako. Sorry..." Tumango lang siya bago umiwas nang tingin.



Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na yakapin siya.



"I'm sorry" This time mas lalong bumuhos ang emosyon niya. Tinago ni Jaki ang mukha niya sa dibdib ko at patuloy na umiyak. Humihikbi siya nang malakas at alam ko kung bakit nagkakaganito siya.



Mahal na mahal niya si Jaice.



Si Jaice ang number one priority niya.



She cannot afford to lose her or kahit naman siguro sinong magulang mag-aalala kung may nangyaring masama sa anak niya.



Si Jaice ang nagpapasaya sa kanya.



At si Jaice rin ang nagdadala ng lungkot sa kanya tuwing malungkot ito. Nagdadala ng takot at pag-aalala sa kanya tuwing may nararamdaman itong hindi maganda.



The Unicorn and The PiggyWhere stories live. Discover now