Before I Let You Go

686 26 14
                                        

Bawi ako sa next one shots. Ang sabaw nito ✌✌

________________________________________________

"Ready na ba lahat?" ngumiti lang si Jaki sa tanong ni Nanay Rosario bago yumakap dito.





"Opo Nay. Maayos na lahat pati susuotin niya. Pati yung venue"





"Kayo ba ay sigurado na?" Tumango lang si Jaki bilang tugon.





Matagal niya itong pinag-isipan. Alam niyang hindi magiging madali pero kailangan niyang harapin.





Hinaplos niya ang tiyan niya na nagsisimula na ring lumaki. Tatlong buwan na ito. Ilang buwan na lamang ay maari na nilang malaman ang kasarian nito.





"Kung ganoon ay tayo nang umuwi sa La Union"





Sumakay na sila sa sasakyan at tahimik lang na bumyahe kasunod ang ilan pang sasakyan ng mga kaibigan nila na nagpumilit sumama.





"Mahal na mahal ka talaga ni Tutoy" saad ni Nanay Rosario.





Ngiti lang ang naisagot ni Jaki sa kanya habang si Vice ay nakayakap at nakahilig ang ulo sa balikat niya. Tulog na tulog ito. Nangangalay man ay walang pagrereklamo kay Jaki.





Minamasdan lamang niya ang maamong mukha nito. Ang matangos nitong ilong, mapupulang labi, mga mata, na halos makabisado na niya ang bawat detalye. Bahagya siyang natawa dahil sa kabila nang ingay ng ilang kasama sa loob ng van ay hindi ito nagigising.





"Ang bait mo kapag tulog" mahinang sabi ni Jaki bago halikan ang noo ni Vice at umayos sa pagkakasandal. Pinagsakop din niya ang kanilang mga kamay bago nagpasyang umidlip muna.





Bago pa man makarating sa La Union ay nagising na si Jaki. Iba na ang posisyon niya, siya na ngayon ang nakadantay kay Vice at natutulog sa balikat nito.





"Kanina ka pa gising?" Tanong niya kay Vice na nakatingin lang sa labas. Tulog na rin ang mga kasama nila maliban sa driver.





"Oo, nakatulog ka kaya ikaw naman sinandal ko sa braso ko" sagot lang ni Vice bago ulit lumingon sa labas.





Tumatama pa sa gwapong mukha ng baklang binata ang sikat ng malapit ng lumubog na araw. Pasimple na lang kinuha ni Jaki ang isang kamay nito at muli siyang sumandal sa balikat nito.





"I love you" malambing na sabi ni Jaki bago muling pumikit.





"I love you too" naramdaman na lang niya ang pagdapo ng mainit na labi ni Vice sa noo niya. Bahagya rin siyang tumingala para maabot niya ang labi nito.





"Ako'y maghahanda muna ng hapunan natin. Tutulong ako doon sa baba" paalam ni Nanay Rosario sa kanila. Maayos silang nakarating sa bahay nila sa La Union. Ginusto ni Vice na dumito muna kaya pinagbigyan na nila.





"Nay! Yung paborito ko ah" ngiting ngiti na sabi ni Vice.





"Oo naman. Ikaw pa ba. Lahat ng paborito mo ay iluluto ko" yumakap at humalik pa si Nanay Rosario sa bunso nito bago tuluyang bumaba.





"Anong ipapangalan natin sa baby?" Walang ano anong tanong ni Vice na nagpatikhim kay Jaki.





"Hindi pa nga natin alam ang gender pangalan agad"





The Unicorn and The PiggyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant