Mission 25

51 15 6
                                    

thank you @MissWinterBreak

Laura's POV

"Anong pangalan mo hija?" tanong ni Martin kay Nia sabay subo ng kanin.  Kinailangan naming kumain ni Nia kasabay si Martin dahil nagpumilit ito.  Kahit labag ito sa aking kalooban ay ayaw ko naman na mahirapang magadjust si Nia sa pagtira dito.

"Nia po, Nia Jasmine Perez." nakangiting sabi nito sabay tingin sa mga pagkain na nasa lamesa.

"Hija wag kang mahiya samin. I want you to feel at home." sabi ni Martin na ikinagulat ko pero nanatili akong tahimik.  Si Luke ay kanina pa nakatingin kay Nia.  Seryoso ba siya sa sinabi niya?

Nagpatuloy kaming kumain ng muling nagsalita si Martin.

"Hindi ka naman siguro walang modo hija, ano?"

"P-po?" mahinang tanong ni Nia.  Tiningnan ko si Martin at bingyan ito ng makahulugang tingin.

"Hanggang kailan ka titira dito hija?Asan ang mga magulang mo?" muling tanong ni Martin.

"Naghahanap lang si--" sasagot na sana ako ng putulin ni Martin ang aking sasabihin.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko Lau--"

"Pwede naman po akong umalis kung ayaw niyo po akong tumira dito." putol ni Nia.

"No.  Dito ka titira, you're not going anywhere."si Luke.

"Bastos ka nga Nia.  Katulad mo rin si Laura na isang lapastangan." si Martin.

"Martin." medyo may banta kong sabi.

"Bakit Laura?  Nahihiya ka bang malaman ng kaibigan mo ang tunay mong ugali?"

"Tumigil ka na kung wala ka rin namang sasabing maganda."  pabalang na sabi ko.  Oo bastos na kung bastos pero mali rin na ganon ang naging pakikitungo ni Martin kay Nia.  Tumingin kami ng humalakhak si Martin habang pinupunasan ang kanyang bibig.

"Nakita mo iyan hija? Walang respeto ang batang iyan sa sarili niyang ama."

"Sinong nagsabi sayo na wala akong respeto sa aking ama? Ha Martin?!" may diing sabi ko sa kanya.

"Bakit ikaw ba ay may respeto sakin?!" sigaw nito sabay tayo.

"At kailan ka pa naging isang ama sakin?!"

*PAK!PAK!*

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Nia sa ginawang pagsampal sakin ni Martin.  Mabilis na tumayo si Luke at tiningnan ng matalim si Martin.

"Manang." tawag ko sa isa sa mga katulong. "Paki hatid na lang po ng pagkain ko sa taas."

"Masusunod señorita."

Hindi ko na pinansin si Martin ng akmang may sasabihin ito.  Pagakyat ko sa kwarto ko ay naabutan kong tumutunog ang aking telepono.  Pagsilip ko dito ay nakita kong si Reid ang tumatawag.

"Laura?" tanong nito ngunit hindi ako kumibo at tumingin lang sa kawalan. "Laura? What happened? Is everything fine?"

"Walang nangyari, okay lang ang lahat ano kaba.  I was just drinking water kaya hindi ako nakasagot."

"Okay, are you sure?"

"Yeah I'm sure."

"I miss you so much." Napangiti ako sa sinabi ni Reid.  Kahit wala siya sa tabi ko ay napapagaan parin niya ang loob ko.

In Prince's HeartWhere stories live. Discover now